Maagang nagising si Aston dahil maaga din itong nakatulog kagabi dala ng pagod. Matapos ang mga laro at ang pagpili niya sa kampo ni Lieutenant Tan kasama ang unang nakilala niya sa training camp na si Justine ay pinag work out ang mga ito ng isang oras at walang pahinga. Labis na naubos ang lakas nilang lahat lalo na si Aston at Aton na hindi na sinubukan pang magnakaw ng tingin sa isa't isa.Pansin ni Aton ang tila pag iwas ng babae dahil na rin sa naging magkatabi ito ng ipinatawag ni Lieutenant Tan at Lieutenant Guzman ang kanilang grupo. Hindi niya alam kung nainis ba sa kaniya ang babae sa unang laro kaya ito umiiwas o dahil sa naging unang ingkwentro nila. Sinubukan nito na mag iwas nalang din ng paningin ngunit masyado itong mahirap gawin sa hindi malaman na rason.
Agad na tumayo ito at nag stretch ng kaunti bago nagbihis, naligo na ito kagabi bago matulog dahil alam niya na marami ang posibleng gumamit ng banyo sa umaga. Naupo muna siya sa kaniyang kama at napatitig sa pader, alam niya na pansin na ni Aton ang pag iwas niya dito, ayaw niya lang na isipin nito na porket may nangyari sa kanila ay mag fefeeling close na ito. Ayaw niya lang na mag isip o maghinala ito ng kahit na ano sa kaniya.
Pumatak ang alas kwatro ng umaga at lumabas na ng kaniyang silid si Aston at dumiretso sa field, may ilaw man ay kita pa rin ang dilim ng paligid lalo na ng makalabas ito, tanging gilid lang ng field ang may ilaw at ang labas ng kanilang headquarters. Napansin niya na wala pa siyag kasama sa labas, maaari ay kakagising lamang ng iba at nag aayos pa lamang ang mga ito. Naglakad si Aston papunta sa dulo ng field kung saan may daan paakyat ng bundok na tanaw na tanaw mo sa umaga, napangiti siya ng dumapo sa kaniyang katawan ang lamig ng umaga, she finds solace in the wind, cold wind to be exact. The way it brushes against her skin, kapag nilamig siya ay pakiramdam niya na buhay na buhay siya.
Nawala nga lang ang ngiti sa kaniyang labi ng marinig niya ang pagbukas ng pinto sa headquarters at ng pagtingin niya dito ay lumalabas na ang kanilang kasamahan. Naglakad na si Aston pabalik sa mga bagong labas at ipinasok ang kamay sa loob ng pants dahil sa malamig at malakas na hangin. Si Aton naman ay hirap magbalanse ng kaniyang katawan dala ng antok, hindi siya nakatulog ng maayos kaka isip sa mga bagay na hindi naman niya dapat pinoproblema. Pinipilit nito na panatilihing nakadilat ang mata at sumandal na ngalang sa pader ng headquarters malapit sa pinto nito. Sa sobrang antok ni Aton ay hindi niya napansin na pinagmamasdan na siya ni Aston, namamangha sa ikinikilos nito. Sa sobrang abala din nga ni Aston sa pagtitig sa dalaga ay hindi niya namalayan na napangiti na pala siya nito, at hindi nga nakaligtas iyon sa mata ni Justine na ngayon ay napapa iling nalang dahil kahit kakakilala pa lamang niya sa dalawa ay dama na agad niya ang magiging punta nito.
Maya maya lang ay lumabas na sa kabilang headquarters sila Jhania at lahat sila ay napatayo ng tuwid maging si Aton na hirap pa rin gisingin ang diwa. Sinabi ng mga ito na morning workout muna ang laging umpisa nila at almusal nila pag alasais na ng umaga hanggang 6:30, pagsapit ng 6:40 ay balik training na ulit ang mga ito. Narinig pa nga ni Aston ang mahinang pagdaing ng ibang trainee na ikinailing nito, training camp nga ito at hindi playground para magreklamo ang mga ito na masyadong mahirap ang gagawin nila.
"Susundan niyo lang ang workout na gagawin namin, pag tapos noon ay uulitin niyo ito ng tatlong beses ng kayo nalang at kung may magkamali ay madadagdagan ang kailangan nitong gawin bilang parusa. Malinaw ba?"
Tumango ang lahat bilang tugon kay Jhania at pumunta sa kani kanilang team. Hindi naiwasan ni Aton na mapatingin kay Aston dahil kahapon nga ay nadismaya ito ng ibang grupo ang pinili ng babae kasama ang bago nitong kaibigan na si Justine. Lubos siyang nairita kaya hanggang pagtulog ay hindi siya tinigilan ng kung ano anong what ifs niya.
Tsk, kasalanan mo na hindi sapat ang tulog ko.
Sa isip ni Aton ay gigil ito kay Aston at mabilis na nag iwas ng tingin ng makita na nakatitig si Justine sa kaniya. Gusto nalang matawa ni Justine sa inaasal ng babae at mag enjoy sa love story ng iba.
BINABASA MO ANG
The Maiden
FanfictionBOOK 1 - Temptation | Desire x Damage Mikhaile Jayden Lim, young and full of surprises who doesn't like people intervening in her life is the inheritor of their kin's highly prestige enterprise-Lim Madeland. With her father's criticism on her capab...