Chapter 7 🔞

5.8K 92 51
                                    

hello! better read this part while listening to the music attached on this chapter. enjoy reading ;))

---------------------

KINABUKASAN
---------

"General Rocero?" Napatingin si Jhania sa pintuan ng kaniyang opisina sa kabilang headquarters at nakita ang kababata, agad siyang tumayo at pinapasok ito.

"Oh Mikhs, pasok ka." Agad na pumasok si Aston at isinara ang pintuan nito.

"What makes you visit me?" Takang tanong ni Jhania dito at hindi na rin naupo sa kaniyang upuan dahil tumanggi si Aston na maupo sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.

"Ah, can I ask a favor?" Nagtataka man ay tumango si Jhania dito.

"Anong favor?"

"I know our phones are under your care, but can I borrow mine for a while? I just need to make an important call." Malumanay at nagbabakasakaling tugon nito sa General.

Napakunot ang noo ni Jhania dito pero tumango at nagtungo sa kaniyang safety drawers para kunin ang telepono ng kaibigan. Kaagad naman niyang iniabot ito kay Aston na siyang nagpasalamat sa kaniya.

"Thank you, Jhania. I'll be right back, isasauli ko rin ito agad." Mabilis na nagtungo sa pinto si Aston at hindi na nga nagawang makapag salita pa ni Jhania.

Lumabas si Aston papuntang field dahil doon malakas ang signal according kila Justine. Pagkabukas ng kaniyang telepono ay hinanap na nito ang dapat tawagan, ilang sandali lang ay sumagot na rin ang nasa kabilang linya.

"Young Master?" Bungad nito sa kaniya na may bahid na pagtataka sa boses.

"Robin." Balik sagot niya dito. Alam niya na nasa labas pa rin ng training camp ang kababata kaya ito na ang tinawagan niya.

"Yes, Young Master? Napatawag ho kayo?"

"May ipapagawa ako sa'yo, Robin." Siya lamang ang natatanging kanang kamay niya na ano man ang iutos dito ay tiyak na gagawin ito, kaya gusto niya na si Robin na mismo ang mag asikaso ng ipapagawa niya dito.

"Ano ho?" Lubos na nagtataka si Robin dahil ang pagkaka alam niya ay nasa pangangalaga ni Jhania ang mga telepono nila kaya't ganoon na lang ang gulat niya ng makitang tumatawag ang amo.

"I want you na tumawag sa emergency ambulance ng hospital ni mommy, if mom asks why, just tell her na utos ko 'yon and i'll explain things to her on my own. Now, papuntahin mo sa kabilang baranggay ang ambulance at samahan mo sila then find a woman named Cecil Alcantara and bring her to the hospital together with her daughter. Sumama ka rin papunta doon and tell mom to give them a proper medical care, mom knows kung anong gagawin kay Miang so all you have to do is to make sure na ligtas sila hanggang makarating sa ospital before you get back here. Do you understand?" Mahabang bilin nito sa kaibigan.

"Makakaasa ka, Young Master. Ipapasabi ko nalang kay Jhania kapag nagawa ko na lahat ng utos mo." Tugon nito sa kaniya at agad siyang nagpasalamat dito.

Tulad ng ipinangako ni Aston sa mag ina ay kaagad siyang kumilos upang mabigyan agad ng atensiyon ang kondisyon ng ina ni Miang, ayaw niyang biguin ang mga ito kaya ng pagpahingahin sila para kumain ng tanghalian ay inuna niya munang magtungo kay Jhania para makatawag ito kay Robin. Agad na bumalik si Aston sa pantry kung nasaan ang lahat at mabilis siyang napansin ni Justine.

"Oh ano nangyari? Nakatawag ka?" Tanong dito ni Justine at tumango siya bilang tugon, si Kimchi naman ay iniabot sa kaniya ang pagkain na tinabi nila para dito.

Si Kimchi at Justine na nga ang naging laging kasama niya sa camp, masaya din ito dahil kahit papa ano ay pinapasaya siya ng mga ito. Aston may have been a troublemaker but she's not ignorant, sadyang lapitin lang ito ng maraming gulo na hindi naman siya ang nag uumpisa, well minsan.

The Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon