Chapter 1

1.2K 16 1
                                    

KUMUHA ng soda in can si Penelope sa refrigerator habang hinihintay na maluto sa microwave ang butter-flavored popcorn na isinalang niya. Pagkatapos ay inilapag niya sa mesa ang soda at sumaglit sa living room. Isinalang niya sa VCD player ang pelikulang Casablanca. Pabalik na sana siya sa kusina para kunin ang popcorn at soda nang mag-ring ang telepono.

"Hello.. "

"Can I speak with Miss Penelope Dominico?"

"Speaking."

"You have an overseas call from the Philippines, Ma'am."

Hindi na niya itinanong sa operator kung galing kanino ang overseas call na iyon. Isa lang naman kasi ang madalas mag-overseas call sa kanya. "Okay, I'll take it."

Saglit lang at nakakonekta na siya sa kanyang Tita Cynthia, pinsan ng kanyang ama. Sa lahat ng kanilang mga kamag-anak ay ito rin ang pinakamalapit sa kanya.

"Hello, Penelope?"

"Tita Cynthia! O, kumusta na po kayo d'yan?"

Apat na taon na siyang naninirahan nang solo sa California at nagtatrabaho bilang communications research assistant sa isang computer company. Masasabi na rin namang maganda ang estado niya roon dahil bukod sa nakapagpundar na siya ng sariling bahay sa isa sa mga pinakamahal na lugar sa Los Angeles ay patuloy na gumaganda ang kanyang career.

Sa isang taon ay magri-retire ang isa sa mga heads ng communications research team and if things will go well, malamang na siya ang ipalit sa nasabing posisyon dahil hanga naman sa kanyang kakayahan ang kanyang mga superiors. That she considered a success. Considering na twenty-four pa lamang siya. And not to mention the racial discrimination na palasak sa Amerika. Kadalasan, kahit na qualified ang isang empleyado, kung iba naman ang lahi, halimbawa'y itim o Pilipinong tulad niya, ang ilalagay pa rin sa puwesto ay puti.

"Eh, Pen, kailangan mong umuwi rito."

"Ano? Nagpapatawa ba kayo, Tita? Hindi ako puwedeng basta-basta umuwi d'yan. May trabaho ako rito. At saka bakit naman po ako uuwi?"

Napansin niyang hindi agad ito nakasagot. Pagkatapos ay narinig niya ang mahinang pagsinghut-singhot nito.

"T-Tita Cynthia? B-bakit po kayo umiiyak?" kinakabahan niyang tanong.

"Penelope, patay na ang daddy mo!"

"Ho!"

Dahil sa narinig ay nabitiwan niya ang receiver ng telepono at nanghihinang napaupo siya sa sahig. 'Di nagtagal, nagdilim ang paningin niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

NANGINGINIG ang kanyang buong katawan habang papalapit sa dalawang kabaong na nasa malaking sala ng kanilang bahay. Dahil huling lamay na iyon ng kanyang ama ay napakaraming tao ang dumalo upang makiramay sa kanilang pamilya.

"Penelope, hija.. "

Sinalubong siya ng yakap ng kanyang tiyahin pati na rin ng dalawang anak nito. Bagaman yakap ng mga kamag-anakan, hindi niya inaalis ang tingin sa dalawang kabaong na napapatungan ng maraming bulaklak. Naroon din ang malalaking framed pictures ng kanyang ama at ni Aleta, ang pangalawang asawa nito. Nalaman niyang namatay ang dalawa sa isang car accident nang papunta ang mga ito sa isang party. Sa harap ng maraming tao ay hindi niya napigilan ang sarili na mapahagulhol.

"Daddy! Daddy ko!"

Tila maging ang mga naroon ay hindi napigilang mapaiyak nang makita siya na halos mawala sa sarili sa sobrang pagdadalamhati sa harap ng bangkay ng kanyang ama.

"Daddy, nandito na po ako," mahina niyang sabi sa pagitan ng pag-iyak.

Makaraan ang ilang sandali ay niyaya na siya ng kanyang tiyahin na umupo na. Iminungkahi rin ng isang anak nito na si Arjay, ang pinakamalapit sa kanya, na kumain muna siya at magpahinga dahil siguradong pagod pa siya sa biyahe. Ngunit tumanggi siya at sa halip ay hiniling niya na iwan na muna siya ng mga ito na mag-isa.

Miguel, My Stepbrother - Paula Justine CruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon