Chapter 4

505 10 1
                                    

Isang simpleng puting bestida ang napiling isuot ni Penelope sa araw ng kasal nila ni Miguel. Siya na lang din ang nag-apply ng make-up sa sarili at nag-ayos ng buhok niya. Tutal ay sa hardin ng bahay lang naman sila ikakasal.

At with only three persons to witness it—ang magkakasal na judge, si Atty. Sevilla, at ang katiwala at katulong sa bahay na si Aling Tina.

Hindi na niya inimbita pa ang tiyahin at ang mga pinsan niya. Basta't ipinaalam lang niya sa mga ito ang tungkol doon. Para kasi sa kanya, hindi naman importante ang okasyong iyon. Hindi dapat paghandaan at lalong hindi dapat na pagpaguran. Gayunpaman ay kinabahan pa rin ang tiyahin sa gagawin niya nang ipaalam niya rito ang naging desisyon niya.

"Bakit kayo magpapakasal? Hindi mo naman gaanong kilala ang Miguel nàyon?"

"Iyon na ho ang pinakamadaling paraan para mabawi ko ang farm. Buti nga ho'y napapayag ko siya na pakasalan ako, eh. Nahirapan din akong pilitin siya. Pero nung nakita niya akong napaiyak na sa harap niya minsan, naawa sa akin. Kaya hayun, pumayag na rin finally. At saka, mukha naman po siyang mabait, in fairness to him."

"Papaano mo naman nasabi iyan, eh, sandaling panahon mo pa lang siya kakilala? Baka mamaya, kapag kasal na kayo ay mag-demand ang Miguel nàyan. Alam mo na, maganda ka. Baka matukso sàyo. At ikaw naman, baka sa kagustuhan mong mabawi ang farm ninyo eh, pumayag ka. Alalahanin mo, dalawang taon ang dapat na itagal ng pagsasama ninyo bago mo tuluyang mabawi ang farm. At napakaraming puwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon."

"Tita naman, hindi po ako tanga para maging sunud-sunuran sa kanya at pumayag sa mga gusto niyang mangyari. Pero hindi naman ho siguro niya gagawin iyon. Tingin ko naman kahit na medyo may kayabangan yun, eh, hindi naman mapagsamantala at mapag-kakatiwalaan naman."

Umiling lang ang tiyahin niya. "Bahala ka. Kung wala nang ibang paraan ay sige, ituloy mo iyong iniisip mong pagpapakasal. Basta mag-iingat ka pa rin. Ako'y walang tiwala sa pagmumukha ng Miguel nàyan."

Di-napigilan ni Arlene, ang panganay na anak ng kanyang Tita Cynthia na matanda ng apat na taon sa kanya na sumabat sa usapan nila.

"Mommy naman! Kaguwapo nung tao, wala kang tiwala sa pagmu-mukha?"

Umirap ang tiyahin niya sa panganay nitong anak. "Hay naku! Basta wala akong tiwala sa Miguel nàyan, tapos! Mag-iingat ka, Pen, ha?" ang huling sabi nito sa kanya.

Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Penelope at pinagmasdan niya ang kanyang kabuuan sa salamin. Bulag ang magsasabing hindi siya maganda. Lalo't sa kabila ng kasimplehan ng suot niyang sleeveless at mahabang bestida na humahakab sa katawan ang fit, ay mas lalo pang tumingkad ang kanyang kagandahan. And she had always looked beautiful with very light make-up.

Lumabas siya ng silid at nagtungo na sa hardin kung saan inaayos ni Aling Tina at ng mas batang maid na si Minda ang kaunting mga dekorasyong bulaklak. Ewan ba niya kung bakit nagpapakapagod pa ang mga ito. Arte lang ang mga dekorasyong iyon.

Sa di-kalayuan ay nakita niyang magkausap ang judge na magkakasal sa kanila at si Atty. Sevilla.

"O, Aling Tina, nasaan ho si Miguel?"

"Hindi pa bumababa, eh. Baka nagbibihis pa."

Tumangu-tango siya at bumalik sa loob ng bahay. Umakyat muna siya sa kanyang silid at kumuha ng panyo. Pinagpapawisan kasi siya't medyo mainit ang panahon. Pagbaba niya ay nakita niyang wala pa rin si Miguel.

"Aling Tina, wala pa rin ba si Miguel?"

"Wala pa rin."

Inis na tumingala siya sa bintana ng silid nito. Dapat pala ay dinaanan na niya ito kanina nang bumalik siya sa kanyang silid para kumuha ng panyo.

Miguel, My Stepbrother - Paula Justine CruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon