Chapter 11

593 12 1
                                    

NAGISING si Penelope kinaumagahan na masakit pa rin ang ulo. Pero nang hipuin niya ang sarili ay nalaman niyang hindi na gaanong mataas ang kanyang lagnat. Iyon nga lang, masakit pa ang mga buto at kasu-­‐‑kasuan niya. Nakaramdam siya ng gutom kaya pinilit niyang bumangon. Pero laking gulat niya nang makitang nakayukyok sa isang gilid ng kama si Miguel.

"Miguel. ." Tinapik niya ito nang mahina. Kaagad din naman itong nagising.

"O, bakit ka nakaupo? Mahiga ka lang diyan. May kailangan ka ba?" nag-­‐‑aalalang sabi nito.

"Bakit ka nandito?"

"Kasi nabalitaan ko sa maid mo na lumala raw ang sakit mo. Kaya nagpunta ako rito kagabi at pinadoktor kita. Teka, ano ba'ng kailangan mo at tumayo ka?"

"Nagugutom kasi ako."

"O sige, d'yan ka lang. Ikukuha kita ng pagkain."

Gusto pa sana niyang kausapin ito pero mabilis na itong nakalabas ng silid. Di-­‐‑nagtagal ay bumalik ito na may dalang isang tray ng pagkain. Talagang nanghihina siya at nilalamig. Pero dyahe naman kung magre-­‐‑request pa siyang magpasubo rito kaya pinilit na lang niyang kumain mag-­‐‑isa. Tutal ay soup lang naman iyon at bread roll. May sliced orange din at isang baso ng juice para daw mas madali siyang gumaling. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ay hindi niya napigilan ang sarili na tanungin ito.

"Bakit dito ka natulog?"

"Pagod na kasi yung mga maids mo, eh. Baka hindi ka na rin nila maalagaan nang maayos. That's why I chose to stay here overnight."

Sa pagsasalita nito nang mga sandaling iyon, hindi sasabihin ng kahit na sino na palabiro itong tao at mahilig mang-­‐‑inis. Napakaseryoso kasi nito.

"Miguel, kumusta na nga pala si Karen?" Sa mga nagdaang araw, lalo niyang na-­‐‑realize na mali talaga ang mapagbuhatan ng kamay ang bata. Nako-­‐‑konsiyensiya siya talaga.

"She's fine. Tinatanong nga niya kung kailan ka babalik sa Zambales. Magso-­‐‑sorry daw siya sa 'yo."

Ngumiti siya nang malungkot at napayuko.

"Ako nga ang dapat na mag-­‐‑sorry sa kanya, eh. Nabigla ako. Baka magka-­‐‑trauma yung bata sa akin."

"Hindi naman. Ipinaliwanag ko rin naman kasi sa kanya kung ano ang kasalanan niya, eh. At alam ko namang hindi mo sinasadya."

"Galit ka pa rin ba sa akin, Miguel?"

"Aalagaan ba naman kita kung galit pa 'ko sa 'yo? Penelope, tayu-­‐‑tayo na lang nina Karen ang magka-­‐‑kapamilya halos sa mundong ito. Wala na tayong mga magulang. At tayo namang dalawa, parehong nag-­‐‑iisang anak. Nang magpakasal ang mga magulang natin, kasama tayo sa package. Awtomatikong naging magkapamilya tayo sa ayaw man natin at sa gusto. Kaya sinu-­‐‑sino pa ba ang magtutulungan?"

"Salamat naman kung gano'n. But I still want to say sorry for what I said about your mother. Wala akong karapatan na sabihin ang mga iyon. I'm sorry."

Hinawakan siya nito sa kamay. "Apology accepted," sabi nito sabay ngiti sa kanya. "O sige, ubusin mo nàyang pagkain mo para gumaling ka kaagad. Ako naman, uuwi muna pagkakain mo. Pero babalik din ako rito mamaya to check on you."

"No need, Miguel. Pagaling na naman ako, eh. At saka alam kong marami kang iniintindi. Ayoko nang dagdagan pa ang mga iyon. At saka Martes ngayon. You are supposed to be in Zambales,'di ba?"

"Hindi ako uuwi ng Zambales na hindi kita kasama. Kabilin-­‐‑bilinan sa akin ng kapatid natin na isama kita sa pagbabalik ko. Kaya magpagaling ka na. Para makabalik ka na do'n. Isa pa, kaya ako lumuwas ay dahil sàyo. Para makipag-­‐‑ayos sàyo. Kaya nga dumiretso ako kahapon dito sa bahay mo. Nang sinabi sa akin ng maid mo na dumalaw ka sa sementeryo, sinundan na rin kita. Mabuti naman pala't naisip kong sundan ka. Kundi'y lalo ka sigurong nabasa ng ulan at lalong nagkasakit."

Miguel, My Stepbrother - Paula Justine CruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon