Chapter XIV

15 3 1
                                    

I don't know where should I go now, ayaw kung umuwi sa dad ko kasi for sure makikita ko lang doon ang babaeng kinamumuhian ko.

Hour had passed of walking down the alley, a black car stopped in front of me. Dahan-dahan na lumabas sa kotse ang driver nito saka binuksan ang pinto sa likod, lumabas naman ron ang matikas ngunit may kalakihan na tyan ng lalaki.

Oh, sorry, it's my dad pala. What is he doing here?

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko ng walang pasabi saka nilagay doon ang kwentas na binibigay nya sakin noong nakaraan ngunit hindi ko tinatanggap.

"What's with this, dad?" Kunot-noo at inis ko syang tiningnan.

"Just accept it and don't throw it, magagamit mo din yan balang araw, " tinitigan nya ko, mata sa mata.

"So, alam mo na ang nangyari sakin?" Sa halip na tumango ay lalong kumunot ang natural na makunot na noo nito.

Sarili mong anak, hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. Palibhasa wala ka namang pakealam.

"Your favorite daughter are the one who killed my babies. " Gigil at may diin kong sabi.

Naluluha ako pero hindi ito umaagos mula sa mga mata ko, lalamunan ko na sumasakit sa pagpipigil ng emosyon.

"You know what's her reason behind that?" Napasinghot na ako at nanginginig na ang mga labi, ayaw ko nang maalala ang mga sinapit ko nitong nagdaang araw, lahat sunod-sunod.

"She killed my baby because of jealousy, pa. Dahil sa inggit! Pinatay nya ang mga anak ko!" Pinaghahampas ko si dad pero hindi nya ako pinigilan.

"Nagseselos sya dahil simula pagkabata mahal nya na si Eli, dad! Na-iinggit sya dahil imbis na sya sana ang magiging asawa pero pinipilit mo na ako! Ako! Kasi utang na loob ko yun sayo! Kasi pinalaki mo ko ng mag-isa! Para may silbi naman ako sa buhay mo! "

Ngayon ay hindi ko na kayang pigilan ang umiyak, kung noong nakaraan ay kaya ko pa, ngayon hindi na.

"At isa pa!" Huminga ako ng malalim. "Eli, cheated on me! He cheated on me with Zaliah, pa! Sunod-sunod yung mga nangyari, dad! Gustong-gusto ko na sumuko! "

I was expecting na pagagalitan nya ako but it's just what I expect. The next thing I knew, he hugged me while I am crying and sobbing.

I felt love.. He loves me, my father loves me, he just want me to be better. I shouldn't be angry towards him. This is the first time na magkalapit kami ng sarili kong ama.

"I'm so sorry, Austrea." The last words I heard from him before I could fall asleep in his arms.

When I woke up I'm already lying in bed, the bed I used to sleep with when I was here. Agad akong napabangon ng ma-realize ko na nasa bahay ako ng ama ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay kamuntikan nanaman akong madulas dahil sa pagmamadali. Ang bumungad sa akin sa may sala ay ang mukha ng aking ama na nakasimangot, nang makita nya ako ay agad niya kong tinawag.

"Bakit?"

"You should go abroad." He said directly.

"Dad! Ano nanaman?"

Ano nanaman to? Nanggigigil nako kahit kasasabi nya pa lang.

"In US."

"No, pa! Anong gagawin ko doon? Magpalaboy-laboy?!"

"Ano ba, Austrea! You're overreacting!" Pabalik nya na sigaw sa akin.

"Ano nanaman po kasi yan po." Buong diin ang pagsabi ko ng 'po' sa sobrang gigil.

"You should work there,"

"Hindi ako nakapagtapos dad, paano ako makakapag-work doon?"

"Someone will help you, okay?" Tumayo sya at hinawakan ang makabilang balikat ko. "And trust her, she's someone who's very important."

"Sirang - sira na tiwala ko, may ida-dagdag ka pa na sisira nito." I said sarcastically.

" You are so stubborn like your mother. "

" Ahh, ano pa? Hindi ka pa ba nakaka-move on kay mommy? "

He sighed." I am. " He looked at me, eye to eye, different emotions can be seen in his eyes. " I shouldn't be asking you this but.. did you know where's your sister? "

Napatigil ako sa tanong nya. Hindi pa umuuwi o hindi pina uwi?

"She's not here since the day she left, she has scars on her face like someone beat her. "

" Nah, I don't where she is. " The last thing I say before I left him there.

Pakealam ko sa kapatid ko, kung umalis sya edi umalis. Kung hindi pa umuuwi, edi hindi pa. I don't care, it's her life.

Siguro sundin ko na lang si dad. Again. Siguro pupunta ako sa US, pakiramdam ko makakatulong yun sa akin para maka-move on sa nangyari. Ang bilis ng mga pangyayari, para bang si Flash sa bilis.

So I have decided na.

I saw the necklace, dinampot ko ito mula sa lamesa na malapit sa kama. I traced the heart-shape pendant and found its lock, I opened it. Ang una kong nakita ay dalawang litrato sa magkabilaan, ang kaliwa ay may isang babae at bata sa kanan naman ay may lalaki at isang bata na mas malaki pa sa bata na nasa babae.

"I want you to have this," mga salita ng aking ama ang unang pumasok sa isip ko.

Hindi ako tanga para tanongin kung sino ang mga yun. That was me my dad and my half-sister, Aeries but who's that woman? I can't see her face, it's blurry.

Ayaw ko na isipin kung bakit niya binigay sa akin iyon kung pwede naman sa kapatid ko nalang.

Napapansin ko na pabor sa akin si dad. Kung noon iniisip ko na paborito nyang anak si Aeries pero ngayon? All I can say is.. nothing, ano ba dapat sabihin ko? Duh.

Napabuntong-hininga nanaman ako, naiisip ko nanaman ang mga nangyari this past few days. I'm still hurt, sa tuwing naiisip ko iyon, minsan sinisisi ko din ang sarili ko. Bakit ko pa ininom yung gatas na bigay ng bata kung na kwento nya na sa akin na may nag lagay ng kung ano doon? Tanga din pala ako.

Kasalanan ko din kung bakit nawala sila sa akin, kasalanan ko din kung bakit nangaliwa si Eli, at kasalanan ko din kung bakit malaki ang galit sa akin ng kapatid ko.





I Lost You Once (Completed)Where stories live. Discover now