Epilogue

17 2 2
                                    

Unti-unti ay lumalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa mahalikan niya ako. Mga kamay niyang naglalakbay sa katawan ko hanggang sa umabot sa gusto nitong mahawakan.

Ang pangyayaring iyon ay saglit lang dahil sa pagbukas ng pinto at malakas na sigaw ni Linda.

Ayos na e! Bakit naman hindi kumakatok!

"Akala ko ba ni-lock mo?!" Tiningnan ko ng masama si Eli.

Akala ko talaga ni-lock niya, narinig ko pa kanina yung paglock e.

"Nabitin ka?" Tanong niya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi,"

Ang tanging sabi ko kahit yung totoo, nabitin talaga ako.

Kinakausap na ngayon ni Eli si Linda, ako naman ay nakatayo lang sa gilid ng lalaki habang tinititigan ang batang nasa tabi ni Linda, si Xzandra. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig ng itsura nila, anak nga siya ni Linda kaya pala malapit ang loob ng bata sa kanya noon.

"Lissa?" Tawag pansin ni Eli sa akin, lumingon naman ako. "We'll continue it later," ayan nanaman ang maloko niyang mga ngiti.

"Shut up ka!"

Lumabas na ako ng kwartong iyon pagkaalis nina linda at Xzandra.

Wala na akong nadatnan na tao sa sala, lahat sila ay nasa kusina na.

"Anong nakita mo, teh?" Tanong ng isang kasambahay kay Linda.

"Ay, did you see something?" Tanong naman ni Thalia

"Wag nyo na ako tanungin, sa akin na lang yon," namumula ang tenga ni Linda

Ano ba kasi nadatnan niya doon? Ang paghawak ni Eli sa dibdib ko o yung halik lang?

"I'm hungry," sabat ko para hindi na nila tanongin ang babae.

Umupo ako sa katabing upuan ni Xzandra, namiss ko tong batang to.

Napalingon siya sa akin at ngumiti, ngumiti din ako pabalik.

"I saw your pic ate," biglang bulong nito sa akin.

Nagtataka ko siyang tiningnan, agad naman siyang nagsalita.

"Kasi po, pinipicture-an ka po ni kuya when you're in U.S po," may kinuha siya sa bulsa at pinakita iyon sa akin, "that's why po, I ask you po if may other baby ka sa U.S."

Sa isang picture kasi nandoon yong naglalaro kami ni Kleah sa playground.

"Ang ganda niya, ate, who is she po ba?"

Tinititigan ko si Xzandra, kakaiba yong kislap ng mga mata niya. Hmm, I wonder why...

"This is Kleah," masaya kong pakilala."Magbabakasyon siya dito this coming christmas."

Tila may kung ano siyang narinig mula sa akin na ikinasaya niya. "Ma-meet ko na din syaaaaa," mahigpit nitong yakap ang braso ko at nakangiti pa habang nakapikit.

Pagkatapos ng kainan ay nandito ako sa likod bahay, nagmumuni-muni. May naramdaman akong papalapit sa akin kaya lumingon ako, si Thalia pala.

"How was it?" Nakangiti niyang tanong at inakbayan ako. "Masaya ka ba na nakabalik ka na here?" I just nod.

"By the way, about your sister and Zaliah.." tila nakuha nito ang atensyon ko."Zaliah was in jail, kakalabas niya lang nitong nakaraan,"

"How about their children?"

"Children?" She ask curiously.

"Eli and Zaliah, sabi niya may anak sila."

"What the heck? I didn't know that!" Natatawa niyang saad. "Napaka-delusional naman talaga ng babaeng yon."

Tama, delusional nga tapos nauto niya pa yong taong gusto magkaanak kaya ayon, nabuwag.

"She's in jail when Arzen file a case against her." bumuntong-hininga ito. "She drugged Eli, yong sinabi sayo na magkatabi sila paggising ni Eli, hubad pa, hindi totoo yon. Para sa akin ni-rape niya ang kapatid ko, hindi siya ginalaw ni Eli, siya mismo ang pumatong."

Halata sa boses niya ang galit dahil sa babae.

"Thankfully, hindi tigas-"

"Thalia-"

"Kaya hindi nagbunga ang ginawa niya."

Kahit kailan talaga ang bibig nito walang filter.

"And for your sister's information, pinapaabot niya ang gusto niyang sabihin 'hindi mababago ng sorry ko ang ginawa ko, hindi na mababalik niyon ang buhay ng mga anak mo, habang buhay kung dadalhin ang konsensya ko.'" anya at ginaya pa kung paano iyon sinabi ng kapatid ko.

"That's it?" Ang na sabi ko nalang, para akong na speechless.

"Yeah, that's it." ngumiti sya.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago siya magpaalam sa akin dahil nagutom raw sya. Nang umalis siya ay siya ring paglapit ni Eli sa akin.

"I'm such a coward, yah know," natatawa ngunit kita ang lungkot sa mga mata nito. "Hindi man lang kita ipinagtanggol sa nambubully sayo noon, even when the conflict came, ni-hindi man lang kita napigilang umalis." Humarap sya sa akin. "But at least, you're here now.. In front of me,"

"You're not a coward," ngumiti ako sa kanya, "like me, bago lang din naman tayo sa ganoon so hindi talaga maiwasang magkalayo tayo. Pareho pa tayong walang karanasan sa ganoon."

"Already accepting me?" I nod. "No punishment?" Umiling ako. " If you have one, I will gladly accept that," he held my both hands and kiss them. "I hate punishment but.. if you're the one to punished me, I'm willing to take it."

Ngumiti na lamang ako sa kanya. Hindi ko naman alam kung anong punishment ibibigay ko sa kanya.

Hindi ko na namalayan ang mga araw na nagdaan basta sobrang gaan na ng nararamdaman ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto at naghahanda ng lumabas, hindi pa nga ako tuluyang nakakalabas ay rinig ko na ang tugtog mula sa sala.

"~Out of all the good we had
You only keep track of the bad
Though you knew I never really loved her
No, no, no, no, no
Didn't anyone tell you yet?
To forgive is to forget
How can you be mad if you don't remember?~"

No.. hindi galing sa speaker ang boses.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at napahinto na lamang ako sa tapat ng hagdan.

"~I must forgive you
And you must forgive me too
If we wanna try to put things back
The way they used to be
'Cause there's no sense in going over and over
The same things as before
So let's not bring the past back anymore~"

Ang huli kong nadatnan sa kanta. Ang ganda ng boses niya...

Umakyat sya patungo sa akin at huminto sa harap ko.

"I know the song was not related to us anymore but.." he held my hand and put a ring on my ring finger, a promise ring.

" Let's start over again, baby. I lost you once, I won't make it twice."

..

I Lost You Once (Completed)Where stories live. Discover now