Matapos ang araw na 'yon. Hindi na ako lumalabas ng guest room, hinahatiran nalang ako ng pagkain dito ng mga alipores niya.
Matapos ang pangyayaring iyon nag impake ako ng mga gamit ko pero hindi ako pinayagan na umalis, hinarang pa ako at ni-lock yung gate.
Ba't ayaw niya akong paalisin? Nakuha na rin naman niya ang gusto niya sakin. Ano pa ba ang kulang?
Martes ngayon pero hindi ako pumasok ng paaralan, nawawalan na'ko ng gana mag-aral, ni doon wala akong kakampi, lahat sila inaaway ako.
Wala namang magagalit kasi wala sya rito, sumama sya doon sa Girlfriend niya patungo sa New York.
Natigil lang ako sa pag mumuni-muni ng may kumatok.
"Ma'am, tumatawag po si sir. "
Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon tsaka kinuha sa maid ang hawak na cellphone.
"Lissa, Ba't hindi ka pumasok? "
"Pakealam mo?" Sagot ko sa kanya.
"Baby, kung inaalala mo pa yong nangyari, don't worry, mag e-explain ako pag balik ko sa pinas, okay? " pangungumbinsi niya.
"Kahit hindi na, ayos lang, sanay na ako. " huli kong sinabi bago in-end ang call.
Sana nag explain na sya saakin bago sya umalis, hindi yung ilang araw na ang dumaan saka lang sya mag e-explain.
Makalipas ang ilang oras, tulala nanaman ako, nakahiga sa kama, malalim ang iniisip.
Mahirap ba talaga akong mahalin? Mahirap ba akong tanggapin? Tanggapin bilang kapamilya o kaibigan? Ba't gano'n sila saakin? May kasalanan ba akong nagawa noong past life ko? Kaya ba ganito sila saakin ngayon?
Tao lang din naman ako, nasasaktan. Hindi naman ako gamit na pwedeng paglaruan, may pakiramdam din ako.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko namalayang naka tulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may marinig na ingay sa labas.
Kinusot ko ang aking mga mata bago pumunta sa harapan ng pinto at binuksan iyon, pero nagulat nalang ako. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.
EA was hugging Thalia.
"Don't worry, it'll be fine. " pag-aalo niya sa babae.
"Kung mag lalandian lang naman kayo, wag naman sana dito, ang sakit niyo sa mata e, ang sakit sa dibdib. "Kahit wala naman akong dibdib.
Gulat silang napatingin sakin, bago paman makapagsalita si Eli ay sinara ko na ang pinto. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang pag katok niya pero hindi ko binuksan. Nakatalukbong lang ako ng kumot habang pinipigilan na umiyak.
" Shelissa, please open the door, " pagmamakaawa ni Eli.
"Hindi naman yan naka lock Arzen, e. " Thalia.
Narinig ko pa ang hagikhik ng babae bago ang pag bukas ng pinto.
"Baby, kung ano man yung nakita mo kanina-"
![](https://img.wattpad.com/cover/318271123-288-k176529.jpg)
YOU ARE READING
I Lost You Once (Completed)
RomanceEnvying your sister was a hard feeling you would feel. Stole someone's beloved, conscience would hunt you. Killing an innocent babies can make your life miserable. Start: June 14,2024 End: July 8, 2024