Chapter XIX

15 2 0
                                    

"Lissa..."

His voice, I miss his voice.

Before I could say a thing, dad
interrupt.

"Ang laki mo na anak,"

Ang liit ko ba noon?

Nakangiti niya akong sinalubong ng yakap, niyakap ko rin sya pabalik.

Bakit siya nandito? I wasn't expecting this.

"Hindi mo naman sinabi na may kasama ka, dad." Usal ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "I will explain later." Napasimangot nalang ako.

Napatingin ako kay Eli, nakita ko din siya na nakatingin sa akin. Parang may kung ano akong nakikitang emosyon sa mga mata niya, ang imposible namang mangungulila to sa akin.

Lumapit din siya sa amin ni dad at kinausap si dad na hiramin muna raw ako, sana all hinihiram.

Kinakabahan ako habang kaharap ko sya ngayon, ang lapit niya kasi sa akin.

"P-pwede ba kitang yakapin?"

"Ayaw ko." Walang emosyon ko iyong sinabi.

Sa maikling usapan na iyon ay pakiramdam ko napakatagal na non. Naninibago pa din pala ako, hindi na ako sanay na nakakausap siya. Tuwing kaharap ko siya o kung nakikita ko siyang nakatingin sa akin ay naiilang ako, hindi ko alam bakit.

Habang na sa byahe kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Siya ang driver, si dad sa passenger seat at ako naman sa likod, nagtatalo pa kami ni dad kanina kasi ayaw ko ngang katabi sya.

Akala ko ba na miss mo, bakit ka umiiwas? sabi ko sa sarili.

Nagtaka ako kung bakit hindi daan papunta sa bahay ang dinaanan namin, kung hindi ang daan papunta sa mansion ni Eli.

WHAT THE HELL?!

"Wait!!!" Sambit ko dahil sa pagkataranta.

AYAW KO NA BUMALIK DOON!!

Paano kung makita ako ni Zaliah? Paano kung andoon ang kapatid ko?

Napaisip din tuloy ako, bakit ba ako natataranta, hindi ba kailangan mo silang makita para malaman kung may galit pa ba dyan sa puso mo?

Para akong baliw na kinakausap ang sarili, hindi na tama to. Baka sa Happy Home na ako madadatnan ng mama ko.

"Dad, bakit wala ka man lang imik diyan?"

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na liliko pa tong sasakyan, malapit na kami sa mansion.

"Dad-"

"Wag kang OA, Austrea." Naiinis na sambit niya.

Grabe naman to, para namang hindi niya alam ang nangyari sa akin dito.

Nang makarating na kami ay hindi ako bumaba, kahit anong pilit ni dad sa akin hindi talaga ako bumaba, naiiyak na ako kainis.

"Ako na po bahala," biglang sabi ni Eli kay dad, tumango din naman ito at umalis.

Ikaw bahala? Edi mas lalong hindi ako lalabas ng kotse, magtiis kayo.

Pinagkrus ko sa bandang dibdib ang aking braso at aking mga hita, tuluyan na talaga akong napasimangot at hindi na mapigilang maluha dahil sa inis.

Pumasok sa backseat si Eli at tinititigan ako, nakakailang ang mga titig niya hindi ko kayang sabayan.

"How have you been?" Biglang tanong niya.

"Nakakaraos," he chuckled.

Nakakadala ang tawa niya, nakakalimutan ko kung bakit ako nakasimangot ngayon. Huwag ka tumawa, please.

Sobrang rupok ko naman, ang daming lalaki na nakakasalamuha ko noong nag-aaral ako pero tuwing sasabihin nilang gusto nila makipag-date sa akin, umaayaw agad ako naiisip ko kasi itong lalaki na nasa harap ko.

'How can I move on when I'm still in love with you~'

Biglang may malakas na tugtog galing sa loob ng mansyon.

"Linda.." Natatawa niyang saad.

Sabing wag sya tumawa e!

oh, Linda. Nandito pa si Linda?

Napatingin ako sa kanya at tumango naman sya na tila alam niya kung anong iniisip ko.

"Let's go inside?"

Inilahad niya ang kamay ngunit nagdadalawang isip akong tanggapin, hindi naman ako pilay.

Sa huli ay tinanggap ko ito. Sa paglapat ng mga kamay namin ay para akong nanginig, ano yon electric shock?

Namiss ko ang magaspang niyang mga kamay, tagal na rin noong huli ko itong mahawakan.

Hanggang ngayon kalandian pa iniisip ko may asawa na nga yong tao.

Sabay kaming naglakad papasok ng mansion, hindi pa nga kami tuluyang nakakapasok ay rinig na rinig ko na ang boses ng nagrereklamo.

"Why naman ayaw niya lumabas titoooo?" Pagmamaktol ni Thalia.

"Tita is so OA," sabat naman ng bata na nakaupo sa sofa at katabi si Linda, umirap ito at pinagkrus ang mga braso.

"Xzandra," mahina kong bulong pero narinig ng katabi ko.

"Yeah, ang laki na ng batang makulit," komento niya.

Kung kanina ay naiiyak ako dahil sa inis ngayon ay naiiyak ako dahil sa nakikita ko. kumpleto sila na nandoon sa sala, tig-iisa sila ng hawak na balloon na letra. W.E.L.C.O.M.E. Ang dalawa ay kasambahay.

"She's here," sambit ng kuya ni Eli.

Napatingin silang lahat sa akin, nagulat ako ng bigla silang nagsigawan at tumakbo sa akin sabay yakap. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko kaya ayon nag-iyakan kaming lahat sa harap ng pinto.

Namiss ko sila.. sobra.

"Time's up,"

Walang nakinig sa sinabi ni Eli, dinala nila ako sa sofa at pinaupo saka pinalibutan.

"Kamusta ka doon?" Linda

"Ate momma, may iba kang baby sa U.S? Akala ko ako lang?" Xzandra

"Did you find your soulmate there?" Kuya Harb

"What the hell kuya?!" Kontra ni Eli

"Nagkita raw kayo ng gago kong ex?" Thalia

Is she pertaining to Anderson? Well, yes. Nag-aya din yon na makipag-date sa akin.

Ang dami pa nilang mga sinabi sa akin pero hindi ko na sila masagot dahil hinila na ako ni Eli papasok sa kwarto.

Nang maisara niya ang pinto ay hinarap ko sya ng nakataas ang kilay, kanina niya pa ako gustong bawiin doon pero tuwing hahawakan niya ako ay tinatampal ni Thalia ang kamay niya, nong umalis naman ang babae para kumuha ng prutas ay saka niya lang ako nakuha ng tuluyan.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo?" Direkta kong tanong, bakit pa ba mag paligoy-ligoy.

He looked at me with puzzled look. "You're my wife, magagalit ka ba?"

I looked at him with puzzled look too. "Hindi mo ako pagmamay-ari, Eli."

Lumapit siya sa akin na may malokong ngiti. "Well.." Mas lalo pa siyang lumapit kaya napaatras ako para lang hindi kami magdikit para kasi akong napapaso kapag magkadikit kami. "Wala ka namang naging boyfriend sa U.S, you're still mine."

"Sapak gusto mo?" ngunit natawa lamang sya sa sinabi ko.

"My baby," humawak siya sa bewang ko at inilapit ako sa kanya. "You're brave now, huh? I love that."

ANG LANDI, ELIIIIHUUU!!!!!!!!






I Lost You Once (Completed)Where stories live. Discover now