Chapter 10

6 0 0
                                    

Keya's POV

Okay. Here we come.

Pumasok kami sa Levest Restaurant ni Papa. Magkasama kami, medyo late si Mama dadating para walang masabi ni Papa. Sana naman hindi sila mag-away kahit ngayon lang.

"I'm glad na pumayag kang kasama si Dalhia sa dinner natin" sambit ni Papa

Nandito na kami sa pina-reserve kong table at umupo na kami parehas.

"Papa, you know I don't like her. Please be behave just for tonight, just for me, my birthday" nasabi ko na lang. The truth is I'm nervous right now. Baka mag-walk out kasi ang amahin ko.

Niregaluhan nga pala ako ni Papa ng necklace. Sabi ko nga kahit wag na, dinner is enough.

After a few minutes dumating si Mama. Napatayo si Papa at tumingin sakin. Napatayo din ako.

"You invited her? I thought this was our dinner with your Tita Dahlia" inis na sabi ni Papa

"Pa, of course not. Ngayon lang Pa, ngayon lang pagbigyan mo ako" sabi ko at sinalubong si Mama

Ngumiti ako kay Mama at ngumiti din naman sya. Niyakap ko sya.

"Happy birthday. I bet he's mad right now. " sabi ni Mama

"Don't mind him. Thank you, Ma" sabi ko

At pumunta na kami sa reserve table namin. Tiningnan ko si Papa, nakatingin sya kay Mama.

"Hi." Sambit ni Mama

I know this is awkward, but I want to do something for them.

"Tsk."

"Upo na tayo at dadating na yung food" sabi ko

Umupo na kami ni Mama pero si Papa nakatayo pa rin. Biglang umalis si Papa. Napatingin ako kay Mama.

"He's not ready," sabi ni Mama

"Just stay here, Ma. I'm going to talk to him. " sabi ko at sinundan si Papa.

"Pa!" Tawag ko

Dumiretso pa rin sya hanggang sa labas.

"Pa! Please" sabi ko at napatigil naman sya.

"Pa, ngayon lang. Pagbigyan mo ako"

Naiiyak ako ngayon. Gusto kong maging kompleto ang pamilya ko kahit ngayon lang.

"You know how your mother hurt me. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nandyan sya!" Inis na sabi ni Papa. Nanginginig din yung mga kamay nya.

Hinawakan ko yung kamay nya.

"Pa, please. Ngayon lang. Gusto kong maging kompleto tayo. Pagbigyan mo na ako." Naiiyak na sabi ko

Yung inis ni Papa parang nawala.

"Keya anak, alam mo kung gaano kasakit ang ginawa ng Mama mo sakin. Pero sige, pagbibigyan kita. Pasensya na anak kung naiipit ka sa amin ng Mama mo." Sabi ni Papa at niyakap nya ako.

"Salamat Pa" sabi ko.

Bumalik na rin kami sa loob. Naghihintay si Mama.
Umupo na kami at after a few minutes dumating na ang foods.

Tahimik kaming nagsimulang kumain pero nagtatanong tanong din si Papa sakin.

"How's the company?" Tanong ni Papa

"Okay naman Pa. Madami ding nag-invest satin" sagot ko

"I know that. And I know what you did to Mr. Soho's daughter" sabi ni Papa

"What happened? What did you do?" Alalang tanong naman ni Mama

Ngumiti ako sa kanilang parehas.

"I told you, Pa, I can handle her. She slap and I will slap her hard, not physically but emotionally. " sagot ko

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now