Chapter 11

8 0 0
                                    

Keya's POV

"Boss, kailan nyo ibibigay ang bonus ko?... Masusunod boss... Wag po kayong mag-alala milinis ang gawa ko katulad dati.... Sige boss"

Nagising ako dahil sa ingay. Ugh! Ang sakit ng batok ko! Ang sakit din ng kamay ko!

Tumingin ako kay manong! Nasa kotse ako, yung sinakyan ko kanina. Tumingin ako sa kamay ko, nakatali. Anong nangyayari?

"Dapat hindi ka na gumising. Ganun din naman matutulog ka na habang buhay"

Kinabahan ako sa sinabi ni manong driver. Kaya ba nagmamadali si Tito Ashley na pababain ako? Alam na nyang mangyayari 'to? Kidnapped?!!

Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Mama! Papa! Tulong!

"Tulong!"

Hinampas hampas ko yung bintana at tumingin sa mga dinadaanan. Shit!

"Tulong!"

"Wala kang magagawa dyan"

"Sino ka ba?! Anong ginawa ko sayo?! Pakawalan mo ako?!" Malakas na sabi ko.

"Hindi mo ako kilala. At lalong wala kang atraso sakin. Inutusan lang ako ng boss ko"

"Sinong boss? Sinong nag-utos?! Who are you working with? Is it Tito Ian? Tita Dahlia?!"

Hindi nya ako sinagot pero alam kong isa sa kanila! Fuck shit! Kapag nalaman ko talaga kung sino sa dalawa ipapakulong ko! Papatayin ko!

"Manong, please. Pakawalan mo na ako" pagmamakaawa ko

Natawa si manong driver sa sinabi ko.

"Kahit anong pagmamakaawa mo hindi ako maaawa sayo. Nagawa ko na 'to sa inyo dati kaya wag ka nang magsayang ng oras na magmakaawa"

Dati? Anong ibig sabihin nya?

"What do you mean?" Tanong ko

"Basta. Dyan ka na lang. Sit back and enjoy"

"Manong, please po. Parang awa mo na. I'll do everything, anong kailangan mo? Money? I can give you that. Please, pakawalan mo na ako" umiiyak na sabi ko

"Tumahimik ka na lang dyan, pwede ba? Hindi ko kailangan ng pera mo. Tsaka hindi ako tanga! Gagawin mo ang lahat? Pero sa huli magsusumbong ka pa rin. Tsk! Mabuti pa nga patahimikin na kita habang buhay!"

Tumigil sya sa isang tabi. Walang katao-tao.

"Dito na lang at malayo layo na rin naman tayo."

Bumaba sya. Anong gagawin nya?! Kinapa ko yung cellphone ko pero wala! Pati ang bag ko wala?! Tinapon nya?!

Nakita kong umikot sya sa pwesto ko kaya umusog ako.

"Halika na!"

"No! Let me go!"

Nagpupumiglas ako.

"Wag ka ng makulit!"

"Let me go!"

"Halika na!"

Pilit nya akong hinila pero nagpupumiglas pa rin ako hanggang sa nakalabas na kami.

"Tulong! Tulong---mmm!"

"Tumahimik ka!"

"Hmmmmm!"

"ARAY!!"

Tumakbo ako. Tinuhod ko yung balls nya at sinipa kaya natumba sya.

"Tulong!" Sigaw ko

Tumatakbo pa din ako. Walang tao, ang dilim.

"Tulong!"

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now