Chapter 23

8 0 0
                                    

Kian's POV

"Dahan dahan lang anak" si Papa.

"Pa, okay na nga po ako. Tingnan mo oh" sabi ko at parang tanga akong nag-jumping jack.

"Anak naman. Tumigil ka nga dyan" suway ni Papa

Natawa ako at umupo sa sofa.

"Bakit nandito pa po kayo?" Tanong ko kay Papa

Hindi pa kasi sya sa napunta sa tindahan. Sayang ang benta!

"Kailangan alalayan kita, anak. Nandun naman si Tita Rosa mo." Sabi nya

Okay na nga sabi ako. Ayaw maniwala.

"Pa, ayos na ng po ako. Hindi mo na ako kailangan alalayan. I'm okay, I'm completely normal" sabi ko

"Wala naman akong sinabing abnormal ka. Tsaka anak, nag-iisang anak kita. Inaalagaan lang kita para magkapagkalat ka pa ng lahi natin" sabi ni Papa

Seryoso pa sya nung sinabi nya yan.

"Pa, ako ba ay binuhay mo para magpakalat ng lahi? Grabe ka na naman" sabi ko na parang nasasaktan

"Oo, yun ang silbi mo sakin. Nga pala, nakausap mo na ba si Keya?" Tanong nya

Si Keya?

"Opo. Kahapon pa po" sagot ko

"Talaga? Kumusta na sya? Kelan daw ulit punta nya dito? Nakakamiss yung batang yun" sambit ni Papa

Yeah, I miss her. She's the one who brought a light to this house. Especially in my life.

"Wala naman pong sinabi sakin kung kelan ulit. Busy po sya sa trabaho nya. Ngayon lang po ulit sya nakapasok sa trabaho nya. Ayos naman daw po sya" sagot ko

"Eh, ikaw? Sigurado ka na ba sa offer ng Tatay nya?"

Her father offered me a job in his company. But I rejected it, I know it sounds rude, but I promise him that I will build my own company with his help. Hindi sya pumayag na hindi nya ako tutulungan. Ang laki daw kasing damage ang nangayare sakin.

"Pa, alam nyo naman pong tinanggihan ko yung offer nya" sabi ko

Gaya nga ng sabi ko kaya kong kumita ng pera ng ako lang. Pero ayaw nyang tinatanggihan sya kaya ibang tulong na lang ang gawin nya.

"Ano bang balak mo? Kian, may sarili kang buhay at pangarap. Wag mong idepende ang sarili mo dito at wag mong ikulong ang buhay mo dito o sakin. Alam kong meron kang pangarap. Wag mo akong alalahanin. Malakas pa ako kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Sabi nga ni Beatrice gawin mo ang lahat ng gusto mo, wag kang sumuko." Sabi ni Papa

"Alam ko naman yun Pa. Tayo na nga lang magkatuwang sa buhay. Gagawin ko din yung gusto ko, baka multuhin pa ako ni Beatrice. Kilala mo naman po yun" biro ko

"Ay bilisan mo, Kian. Baka maunahan ka pa nung Elijah, paano na lang ang lahi natin" seryoso na sabi ni Papa

Ano bang pinag-uusapan namin. Yung gusto ko o si Keya? Tumatanda na ba si Papa? Eh, 45 years old lang naman sya.

"Pa? Ano bang pinag-uusapan natin? Yung gusto ko o si Keya?" Tanong ko

"Sino bang gusto mo? Si Keya naman di ba? Isa lang ang gusto mo, ang makasama si Keya. Kaya bilisan mo" sabi nya

"Diko alam Papa kung kelan ka nagseseryoso. And ganda ng usapan natin" sabi ko

"Lagi akong seryoso. Meron akong bag na malaki sa kwarto at mag-impake ka na. Meron din akong perang tinatabi sa banko. Utangin mo muna" sabi nya

Pinapalayas na ba ako? Ano ba 'tong amahin ko.

"Pa, pinapalayas mo na ba ako? Tsaka anong utang?" Tanong ko

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now