Chapter 1

15 2 0
                                    

Keya's POV

"Pa? Bakit kailangan kong pumunta doon? Nandyan naman si Tita Dalhia. Kaya na po nya yun" sambit ko.

"Why? Dahil gusto kong maging close kayo" sagot ni Papa.

"Ayoko Pa. Bakit hindi ba kasi kayo magbalikan ni Mama? Ilang taon na po ang nakakalipas. Para sakin lang? Hindi ba pwede yun?" Inis na tanong ko.

Sumama ang tingin ni Papa sakin pero agad yun nawala.

"Alam mo ang sagot dyan. Kung gusto mong mapasayo ang mana kailangan mong sundin ang sinasabi ko" sabi ni Papa

"Ugh!"

Umalis na ako at pumasok sa kwarto ko.

Wala namang kasalanan si Mama! Set up lang ang lahat ng yun! Si Tito Ian lahat ang may kasalanan.

And hello? Hindi ko kailangan ng mana! May pera naman ako. Kaya ko ang sarili ko. Ang hindi ko kaya ay yung magkahiwalay ang parents ko ng dahil lang sa walang katuturang 3rd party na hindi naman kasalanan ni Mama!

*toot*toot*toot*

Dinampot ko yung cellphone ko na nasa tabi.

"Hello?"

(Hello Ma'am? Nandito na po yung client nyo)

"Okay. I'm on my way. "

(Okay, po. Ingat po kayo)

And I hung up. Lumabas na ako at sumakay sa kotse papunta sa office.

*toot*toot*toot*

I answered it.

"Hello, po Ma?"

(Kumusta ka na anak?)

"You know I'm not Ma,"

(Sorry, anak. Wala akong magawa. Hindi ako pinapakinggan ni Papa mo. Namimiss ko na kayo)

"Don't worry, Ma. I'll help you. Anyway, dyan po ako dederetso pagkatapos po ng work ko"

(Are you sure?)

"Yes. Why, Ma? May problema ba?" Tanong ko

(Wala naman. Sige. Ipagluluto kita. Wag sanang magalit ang Papa mo dahil pumunta ka dito)

"Wala naman po syang magagawa. Nanay pa rin po kita. May karapatan ka po sakin"

Totoo naman.

(Sana nga, anak. I have to go, Ingat ka)

"Sige po. Ingat din po kayo"

And pinatay ko na yung tawag. After 1 hour nakarating na ako sa office.

Sinalubong ako ng secretary ko.

"Good morning po Ma'am. Naito po yung information ng client" sabi ni Riza

Kinuha ko naman at naglakad na kami papasok sa building.

"Good morning po" bati ng iilan

Binasa ko yung information at napamura ako.

"Bakit po? May problema po ba?" Takang tanong ni Riza, secretary ko.

Elijah Mascardo?! Ang bully? Psh! Bakit nandito ang lalaking ito?

"Wala naman. Never mind. Pasabi sa client umalis ako." Sabi ko at inabot ko ulit yung paper about sa info ni Elijah.

"Pero Ma'am? Nandito na po sya. Kanina pa po sya naghihintay sa inyo" sabi ni Riza

"Hayaan mo sya. Ako naman ang maghihiganti. Pagkatapos nyang gawing impyerno ang college days ko? Ganun ganun lang yun?" Inis na sabi ko.

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now