Chapter 20

10 0 0
                                    

Keya's POV

"Kumain ka muna" sambit ni Elijah

"Wala akong gana" sabi ko at nakatingin lang kay Kian.

Nandito sya sa ICU. Puno ng pasa ang katawan nya pati ang mukha nya. Pinagdadasal ko na sana magising na sya.

Nakita ko si Tatay Danny kanina na umiiyak. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya, sa kanila. All this time, they helped me, tapos ito lang ang kapalit sa pagtulong nila sakin. He nearly died, nag-flat line yung monitor nya buti na lang ginawa ng doctor ang lahat para mabuhay sya.

"Keya, anak?" Tawag ni Tatay Danny

"Po?" Sagot ko

Hindi ako makatingin sa kanya.

"Kailangan ka daw makausap ng mga pulis" sambit nya

"Pero---"

"Sige na. Ako na muna dito kay Kian. Kausapin mo muna ang mga pulis" pagputol nya sa sasabihin ko

"Sige po" sabi ko. Kasama ko si Elijah lumabas ng ICU.

Pagkalabas namin nilapitan agad kami ng mga pulis.

"Ma'am Decena, nakausap na po namin ang pulis sa Manila. Gising na daw po si Sir Pabro at nakuhaan na din po ng statements. Kailangan nyo na pong bumalik sa Manila at nahuli na rin po yung nag-utos sa gumawa nito sa inyo. Wag po kayong mag-alala madami po tayong evidence laban sa kanila"

"Sino daw po yung nag-utos?" Tanong ko

"Si James Rodil po. Pamilyar po kayo?"

Umiling ako.

"Hindi ko po kilala." Sagot ko

Ang expected ko sila Tito Ian at Tita Dahlia. Hindi sila?

"Sige po. Sasamahan po namin kayo ngayon papunta sa Manila. Hintayin na lang po namin kayo sa labas"

"Salamat po" sambit ni Elijah

Umalis na yung pulis. Napatingin ako sa ICU at pumasok sa loob. Sumunod naman si Elijah.

"Anong sabi ng mga pulis?" Tanong ni Tatay Danny

Lumapit ako kay Kian at umupo sa tabi nya.

"Pauwi na po kami ng Manila ngayon. Sasamahan daw po kami ng pulis pauwi. Nahuli na daw po yung nag-utos sa pagtakang pagpatay kay Keya." Rining kong sabi ni Elijah

"Ganun ba? Maghanda na kayo para makauwi kayo ng maaga" sabi ni Tatay Danny

Hinawakan ko ang kamay ni Kian.

"Keya?" Tawag ni Elijah

"Iwan muna natin sya. Samahan ko kayo pag-alis" sambit ni Tatay Danny

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

"Kian" sambit ko

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.

"Paalis na kami. Gusto ko sanang tumagal. Gusto ko sana na akong mag-alalaga sayo hanggang sa maging maayos ka na at malakas na. Katulad ng ginawa mo sakin pero I need to go back home. Gising na rin si Tito Ashley, nahuli na rin yun nag-utos dun sa nagtakang pumatay sakin. Gusto ko sana kasama ka pag-uwi kasi feeling ko safe ako kapag nasa tabi kita. Pero parang ang selfish ko naman kapag ganun. Nandito kasi ang buhay mo tapos isasama kita sa Manila, paano na lang si Tatay Danny, di ba? Gumising ka na naman oh. Hindi ako mapapakali kung hindi kita makitang gising."

Para lang syang natutulog kaso puro pasa nga lang.

"Bibisitahin na lang kita. Pupunta na lang ako dito kahit twice a week pa. Magpagaling ka dito ha. Tulungan mo si Tatay Danny sa lahat ng bagay. Tatawag ako sa inyo, sagutin mo agad kapag hindi magagalit ako sayo. Mamimiss kita, mamimiss ko kayo tatay Danny at ni Nanay Rosa"

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now