Chapter 30

4 0 0
                                    

Kian's POV

Ano bang pinagsasabi ni Elijah? Para naman akong gagong nakasunod sa kanila! Nagseselos ako sa nakikita ko! Hindi naman sila magka-holding hands or ano pero, the fact that they're together nakakaselos!

Lumapas ang buong hapon wala namang nangyare! Pinagselos lang ba ako nung gago?! Sa inis ko tinawagan ko sya. Nakauwi na rin si keya, hanggang dito sa building ng condo sinundan ko pa rin sila! Nakita ko na lang na binaba ni Elijah si Keya pero hindi sya bumaba sa kotse nya! Kainis!

"Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang gusto mong mangyare?" Bungad na tanong ko nang sagutan nya

(As expected. Pumunta ka sa bahay ng Mama mo. Doon mo malalaman ang sagot)

Kila Mama? Edi nakita ako nung asawa nya doon! Gago lang?!

"Ano bang problema mo?"

(I'm not the problem, Kian. Sumunod ka na lang. Just do what I say. It's for Keya's sake)

Then he hung up. Ano bang nangyayare? Dahil hindi ko din naman alam ang problema, pumunta din ako sa bahay nila Mama. Alam ko naman dahil nakapunta na rin ako doon isang beses. Wala yung bago nyang asawa dun, si Kianna lang ang kasama nya that time.

After an hour, nakarating na din ako. Merong kotseng nakaparada. Baka sa asawa nya to? Bakit nandito?

Magdo-door bell na sana ako pero naka-recieve ako ng ng text galing kay Elijah.

From: Rival

Don't show up nor tell your mother that you are in there. Just sneak out.

Ano bang nangyayare? Bakit hindi na lang ako pumasok? Tsk. As he said, I sneak out. Bakit ba ako sumusunod sa kanya?

Bukas yung gate kaya pumasok na ako. Hindi ako dumaan sa main door. Para akong tangang gumagapang malapit sa bintana nila Mama.

"I told you, Tita. He's obsessed with Keya" sabi ni Gwen? She's here? Sumilip ako. Nandito nga! Mukhang ayos naman paa nya.

"Just little patience, hija. May ginagawa na naman si Elijah" si Mama

Elijah? Anong kinalaman ni Elijah dito?

"We can't be so sure, Tita. What we need is to eliminate her. Kill her if possible. She will ruin everything. Malaki ang tinaya ko dito, Tita. Hindi pwede mawala ito. I will marry Kian, no matter what."

What? Are they insane? Ginawa nya lang akong tanga?! Lahat ng malasakit sakin ni Mama ay pakitang tao lang? Lahat yun peke? May iba syang plano?!

"Okay. Kung yaan ang gusto mo. Tatawagan ko ang trusted person ng asawa ko. Ako din naman, malaki ang makukuha kong pera kapag kinasal kayo"

Akala ko nagbago na sya! She's acting like a true mother to me! Nagpakananay lang sya dahil kailangan nya lang ng pera?!

Sa galit ko umalis ako sa pwesto ko at pwersang binuksan ang pinto ng bahay ni Mama.

"Kian? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka nagtext. Sakto wala ang asawa ko dito"

Napakuyom ako ng kamao.

"Hi Kian,"

Napatingin ako kay Gwen.

"Mukhang okay na ang paa mo" sabi ko

"A-ah, yeah. Salamat kanina" sabi nya

"Sinabi ko naman sayo, hindi ako pinanganak kahapon. Hindi ako tanga!" Galit na sabi ko

"What do you mean, anak? Bakit galit ka kay Gwen?" Tanong ni Mama

"Bakit? Ginawa mo akong tanga! You acted like a mother to me! Pinatawad kita! Anong ginawa mo?! Tinanggap ko lahat ng reasons mo kahit na invalid! Hindi ko alam kung saan kami ni Papa nagkulang para iwanan mo kami! Handa kang tanggapin ulit! At gagawin mo lang talaga ang lahat ng dahil lang sa pera?! What kind of mother are you! If you are a mother, act like one! Kahit kay Kianna na lang!" Galit na bulyaw ko kay Mama.

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now