Chapter 27

4 0 0
                                    

Keya's POV

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Kian

Nandito na kami sa condo ko. Kanina pa tahimik si Kian kahit nung nagda-drive pa sya kanina. Simula nung nakita nya yung Mama nya. Hindi ba sya masaya? Pero sabi nya sakin dati wala na syang pakialam sa Mama nya.

"Okay lang ako. May ipapagawa ka pa?" Tanong nya

Umili naman ako. Magpapasama sana ako kila Papa pero mukhang hindi sya okay.

"Wala na." Sabi ko

"Sige. Uwi muna ako" sabi nya

Tumango lang ako.

"Ingat ka" sabi ko

Tumango lang sya at umalis. Meron syang problema at hindi sya okay. Gusto ko sana syang sundan pero baka kailangan nyang mapag-isa. Hindi ko din naman alam kung saan sya nakatira.

Ako naman pumunta na kila Papa. Yung kotse ko na yung gamit ko. Na kay Kian yung susi nung kotse ni Elijah. Hindi naibigay sakin bago umalis. Wala din siguro sa sarili at madaming iniisip.

Sinalubong ako ni Papa sa gate.

"Anak, dami mo namang dala" sabi ni Papa

"Para sa inyo po talaga yan" sabi ko

"Salamat, anak" sambit ni Papa

"Pa? Alam mo ba kung saan nakatira si Kian?" Tanong ko

"Si Kian? Hindi ko alam. Hindi nya sinasabi sakin. Bakit?" Tanong nya

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Gusto ko po sanang puntahan at kausapin." Sabi ko

Nagderetso kami sa kitchen.

"Why? What happened?" Tanong nya

"Nagkita po kasi sila nung Mama nya" sagot ko

"Talaga? Anong reaction nya?" Tanong ni Papa

"Wala po. Mukhang hindi sya masaya" sagot ko

"It's natural. She left him at a young age. Natural na ganun maging reaction nya. He just needed a little bit of time. At alam kong kakausapin nya din si Tatay Danny. Don't worry, anak" sabi ni Papa

Tumango lang ako.

"Nandito ka na pala, anak"

"Opo Ma" sambit ko

"Kumusta ang luto ni Kian at Elijah? Masarap ba?" Tanong ni Mama

Napatingin ako kay Mama. Tiningnan ko sya na parang sinasabi kong quiet lang.

"Anong ibig mong sabihin hon?" Tanong ni Papa

"Ha? Si Kian at Elijah, pinagluto si Keya" sagot ni Papa

Kay Mama lang ako tumitingin. Ayokong tumingin kay Papa. Nararamdaman kong pinagdidilatan ako ng mata ni Papa!

"Sa condo? Silang tatlo? Si Kian at Elijah? Nag-iisang babae si Keya? Walang ibang kasama?" Sunod sunod na tanong ni Papa.

Nakangiti lang si Mama at nakatingin kay Papa.

"Could you explain, young lady?" Tanong ni Papa

Hinarap ko si Papa na nakangiti.

"Pa, inaaya kasi nila ako kumain sa labas. I can't, I'm still scared out there. I suggest na doon na lang po sa condo ko. I told Kian to cook something for me, and he agreed. Hindi ko naman alam na pati si Elijah magluluto din. Nagluto sila" paliwanag ko

Naramdaman kong yumakap si Mama.

"Trauma, hon. You need a therapist, anak? We can settle the schedule as much as possible" sabi ni Mama.

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now