Chapter 2

11 0 0
                                    

Keya's POV

"Anak"

Si Mama.

"Ma" tawag ko at niyakap ko sya

"Alam ba ni Papa mo na pupunta ka dito?" Tanong nya at pumasok kami sa condo nya.

"Nagsabi po ako" sagot ko

Napagalitan pa nga pero nagpumilit pa din ako. She's still my mother, duh~

"Buti naman. May hinanda akong paborito mong pagkain. Kain tayo" aya nya at dumiresto kami sa kitchen.

"Salamat po Ma." Sabi ko at umupo kami

Nagsimula na kaming kumain.

"Ma? Pwede po ba ako dito matulog?" Tanong ko.

"Pwede naman pero sure ka? Nabisita dito tuwing gabi si Tito Ian mo" sabi nya

Napairap ako sa sinabi ni Mama.

"Ma, hindi ko maintindihan kung bakit pinapayagan mo si Tito Ian na pumunta pa dito. After nyang sirain ang family natin? Papayag ka na lang ba na ganyan?" Inis na tanong ko.

She sighed.

"Wala naman akong magagawa anak. Alam ko naman yun pero sya na lang yung may care sakin. Hindi ako pinaniwalaan ng Papa mo at mas naniwala sya sa sinasabi ni Dalhia. Tama naman si Ian, kung mahal mo ang isang tao hindi mawawala ang pagtitiwala nya sayo. If you don't have trust, you don't have anything. Right?" Paliwanag ng Mama

"Ma, kung ganyan ang lagay nyo patuloy na maniniwala si Papa kay Tita Dalhia at kay Tito Ian. Please Ma, alam kong alam mong set up lang ang lahat ng yun. Bakit lumalapit ka pa din sa kanya? Hindi pa pwedeng magbalikan kayo ni Papa para sakin man lang?" Tanong ko.

Kahit sakin lang. Anak naman nila ako.

"Si Papa mo na ang nagdesisyon anak" sagot ni Mama

"Pero hindi pa naman kayo divorce di ba? Pwede yan Ma. I'll help you" sabi ko

"Walang divorce sa Pilipinas, annulment" sagot ni Mama

"Mas mabuti Ma. Mahirap magpa-annulment sa Pilipinas. Wag kang mag-alala, akong bahala kay Papa" sabi ko.

"Hindi ko alam" sabi nya

"Pero mahal mo pa po sya di ba?" Tanong ko

Ngumiti sya sakin.

"Sobra, sobrang mahal na mahal ko ang papa mo" sagot nya at napangiti ako.

Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain. Nagpunta na ako sa sala. Si Mama naman naghuhugas ng pinagkainan namin. Sabi ko ako na lang pero ayaw nya.

"Ma! Next weekend punta tayo sa Mall" aya ko

"Tingnan ko yung schedule ko. Text na lang kita if ever na meron akong schedule." Sabi ni Mama

"Okay. I'll wait for your text" sabi ko

Naglibot libot lang ako sa loob ng condo at tumingin tingin sa paligid.

"Ma? Nasaan po yung family picture natin dito?" Tanong ko. Nandito lang kasi nakasabit tapos pero ngayon wala?

"Nandyan sa drawer. Nalaglag, papalitan ko ng bagong salamin" sagot ni Mama kaya tiningnan ko sa drawer at nakita ko naman.

*tok*tok*tok*

"Keya? Tingnan mo nga muna kung sino yun"

"Sige po" sagot ko at tiningnan ko kung sino yung kumatok.

At automatic na napairap ako at nainis.
Pinagbuksan ko naman.

Medyo nagulat pa sya pagkakita sakin.

I love him more than him (DREAM SERIES 3)Where stories live. Discover now