Earphones

121 6 0
                                    

"Camille wala daw yung ating guro" sigaw ng aking kaibigan na si Kate. "Salamat" sigaw ko naman sa kanya pabalik.

Andito naman ako sa aking tambayan sa ilalim ng isang malaking puno na nasa gilid ng school garden,kaya sariwa ang hangin dito at tahimik ang lugar na'to. Kinuha ko ang aking earphones at nakinig ng musika.

Now Playing: Bubbly

●Will you count me in?●

Naramdaman ko na merong tumabi sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin. Nilakasan ko na lang ang volume para FULL BLAST. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at nakisabay sa beat ng musika.

●I've been awake for a while now
You've got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles in a silly place●

●It starts in my toes, and I crinkle my nose
Where ever it goes I always know
That you make me smile please, stay for a while now
Just take your time wherever you go●

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang isang pirasong papel, naiwan yata ng taong tumabi kanina sa akin.

Pabalik sa aking classroom ay napag-desisyunan ko na basahin ang nakasulat sa papel.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa pakikinig ng music kaya hindi na lang kita ginulo. At dahil doon hindi mo narinig ang mga sinabi ko kaya napag-desisyunan ko na isulat na lang lahat sa isang pirasong papel. Kung pwede nga lang kunin yang plug ng earphones mo sa cellphone mo at I-plug dito sa puso ko para malaman mo na pangalan mo ang sinisigaw ng puso kong ito. Sh*t, maybe it's sounds gay pero iyon ang TOTOO."

"MAHAL KITA."

"Sana magkita ulit tayo sa susunod, yung time na hindi na ako TORPE at kaya ko ng sabihin ang lahat ng aking nararamdaman para sa'yo."

-Mystery Guy

"Oh! Ano ang ngini-ngiti mo diyan?" sabi ng kaibigan ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang binabasa ang nakasulat sa pirasong papel. Binigay ko na lamang sa kanya ang papel at binasa niya naman ito. "Uy! Merong admirer si Camille hahaha." sabi niya ulit. "Huwag ka ngang maingay." sabi ko sa kanya.

****

Habang nakasakay ng jeepney pauwi ng bahay ay napag-desisyunan ko na makinig na lang ng musika.

Now Playing: Everything

●You're a falling star, You're the get away car
You're the line in the sand when I go too far
You're the swimming pool, on an August day
And you're the perfect thing to say●

●And you play it coy, But it's kinda cute
Ah, When you smile at me you know exactly what you do
Baby don't pretend, that you don't know it's true
Cause you can see it when I look at you●

●And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, You make me sing
You're every line, you're every word, you're everything●

●You're a carousel, you're a wishing well
And you light me up, when you ring bell
You're a mystery, you're from outer space
You're every minute of my everyday●

●And I can't believe, uh that I'm your man
And I get to kiss you baby just because I can
Whatever comes our way , ah we'll see it through
And you know that's our love can do●

●And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, You make me sing
You're every line, you're every word, you're everything●

●So, La, La, La, La, La, La, La
So, La, La, La, La, La, La, La●

●And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, You make me sing
You're every line, you're every word, you're everything
You're every song, and I sing along
'Cause you're my everything
Yeah, yeah●

●So, La, La, La, La, La, La, La
So, La, La, La, La, La, La, La, La, La, La, La●

Nang makarating ako sa aming bahay, dumeretso na ako sa aking kuwarto at gumawa ng mga homeworks.

****

Nakasakay ako ngayon ng jeepney papunta sa school.

"Manong, para po."

Ang tahimik ng classroom, sabagay maaga pa naman kasi. Makikinig na lang ako ng music habang maaga pa.

****

Hindi ko namalayan marami na pala kami sa loob ng classroom.

Inangat ko ang aking kamay para sana tignan kung anong oras na nang may nahulog na isang pirasong papel.

Pinulot ko ang papel at binasa ito.

"Ang ganda mo talagang tignan kapag nakikinig ka sa music. Kaso nga lang, naririnig mo nga ang music pero di mo naman naririnig ang totoong sinisigaw ng puso ko."

Napangiti naman ako sa aking nabasa.

"Ano na naman yan?"

Magsasalita pa sana ako ngunit nakuha na ni Kate ang papel.

"Aaaaaahhhhhh! Ang sweet! Kanino ito galing?" Tinaas ko ang aking balikat, sign na hindi ko alam.

"Ah, basta! Kung kanino man ito galing nagpapasalamat ako, at na appreciate ko ang lahat ng efforts na ginagawa nya. Sana makilala ko na sya."

****

FREE PERIOD

Now Playing: Mirrors

●Aren't you somethin' to admire?
'Cause your shine is somethin' like a mirror
And I can't help but notice●

Andito na naman ako sa aking usual spot at nakikinig ng music habang nakapikit.

●You reflect in this heart of mine
If you ever feel alone and
The glare makes me hard to find
Just know that I'm always parallel on the other side●

●Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul
I can tell you there's no pla-

Ay, na cut yung music. Lowbat na ata, pero nakapikit pa rin ako. Hindi ko muna tinanggal yung earphones at hindi rin ako umiimik.

"Yan ka na naman nakikinig ng music hanggang kailan ba tayo magiging ganito, kailan mo kaya maririnig itong mga sinisigaw ng aking damdamin? Let's just say, it's sounds gay pero ito ang TOTOO. Siguro nga ganito talaga pag INLOVE."

Tumahimik sya ng ilang sandali.

Ako, ganun pa rin.

"Ang hirap pala ng ganito. Nakikipagkumpetensya sa isang bagay na wala namang buhay at hindi nauuubusan ng lakas para pasayahin ka. Nagsasalita pero walang nakikinig. Nagmamahal pero hindi minamahal. Maniwala ka man o sa hindi, Mahal Kita Camille."

Tumahimik ulit sya.

"Sige, aalis na ako baka patapos na yang pinapakinggan mo."

Tumayo na siya, syempre naramdaman ko.

Binuksan ko ang aking mata at malakas na sinabi para marinig nya.

"Pano kung sabihin ko na matagal na kitang hinihintay? Pano kung sabihin ko na narinig kita? Ngayon nga lang, dahil ngayon lang naging malakas ang boses mo. Pano kung sabihin ko sayo na mahal din kita bago ko pa malaman na ikaw si Mystery Guy?"

Nilingon nya ako. ^_^

Tinanggal ko ang aking earphones.

"Sorry kung ngayon ko lang narinig ang sinisigaw ng iyong puso. Na lowbat kasi yung kalaban mo, tingin ko natalo rin sya."

Nilapitan nya ako, at hinawakan ang aking kamay.

Ngumiti sya. ^_^

Ngumiti rin ako. ^_^

"MAHAL KITA CAMILLE." ♥

"MAHAL DIN KITA ZAC." ♥

THE END

---------------------------------------------------
----------------

A/N:

First time ko pong gumawa ng aking sariling kuwento kaya sana magustuhan po ninyo.

Earphones (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon