(This is your author, suggesting to play the song "Malay Ko" by Daniel Padilla while reading this chapter. Repeat the song until you finish reading this. Thank you!)
Mikha's POV:
In that 2 weeks of recovering, I never really had a single blink that I've got over Lucky. I changed my number and I never logged in my Twitter account ever since that day. Gusto ko muna lumayo..
I've been secretly seeing with Aiah to accompany her. Stacku was the only person that has my contact. Stacku is really responsible enough to not share any informations about me kahit nahihirapan siya. I appreciate her for that.
"Good morning Aiah, I prepared you breakfast." I told her while I try to wake her up. Thankfully, she did.
"Are you not going to let them know-"
"Eat your breakfast Aiah, I'll be outside. Call me whenever you need me." I cut her off.
I think this is better than showing myself to them in a sudden. I'll do it once I'm fine. Once I'm healed. Once I get better through this. Kapag kaya ko na.
Jhoanna's POV:
Nang malaman ko ang lahat, hindi ko na alam ang mangyayari pa. Sabay sabay ang mga pangyayari. Si Aiah umiiyak sa harap ni Colet, si Mikha hindi namin alam kung nasaan, at si Lucky.. na gusto pala ako matagal na. Ang daming pumapasok sa isip ko kaya gusto ko kausapin si Lucky nang matino no'ng gabing 'yun, pero umalis naman siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya hinayaan ko muna.
Gusto ko rin maka-usap si Mikha. Gustong gusto.. Lalo na't ngayon na hindi siya nagpapakita sa amin. Nakapag-celebrate na kami sa pag-alis ni Lucky, ngunit alam ko na kulang ang gabing iyon dahil wala si Mikhs. Naaawa ako kay Lucky, kung sino pa ang mas malapit sa puso niya, siya pa yung wala. Ang lalim pala talaga ng nararamdaman ni Mikhs para kay Lucky, nawasak lahat.. nasira lahat lahat.
Maloi's POV:
"Mikhs, saan ka ba nagpunta? Ang dami nang nag-aalala sayo.. lalo na ako."
"Aalis na ako Mikhs, kahit ngayon lang oh?"
"Magpakita ka.. please?"
I texted her.
Nandito ako sa van, si daddy nagd-drive. Hindi sila nagsasalita, kahit isa sakanila walang umimik. Alam siguro nila na mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Nauna ni daddy sunduin si Stacku, sumunod sila Jho at Colet, at ang iba pang girls. Katabi ko si Stacku sa van samantalang ang ibang girls ay nasa pinaka likod.
Ang hirap ng ganito. Natuto ako tanggapin lahat, pero si Mikha naman ang kapalit. Kung sino pa talaga ang malapit sa'kin, siya pa ang nilayo sa'kin. Pero.. totoo ba talaga? Totoo bang mahal ako ni Mikhs? Totoo ba ang mga sinabi niya no'ng gabing 'yun? Hindi ba 'yun salita lang para hindi ako tuluyang umalis ng bansa?
Hinahawakan ni Stacku ang kamay ko ngayon, nararamdaman niya ang nginig ko nang halos umiyak na ako. Gusto ko nang umalis ng bansa, pero nasaan ang best friend ko? P'wede bang hintayin ko muna siya kahit saglit?
"Mikha Lim, please kahit ngayon lang magpakita ka." Bulong ko sa sarili ko.
Nang makarating kami sa airport, walang tigil akong nag-aantay kay Mikha na sumulpot siya. Na baka maisipan niyang pumunta dito dahil ngayon na ang alis ko ng bansa. Na baka mapagtanto niya na aalis na ako, mawawala ako nang matagal.
Ate Aiah gave me the first tightest hug before it became a group hug. Super thankful ako na nakilala ko sila, na naging part ako ng Bini. Nakakalungkot lang dahil hindi na tinuloy ni Director Lauren ang last concert namin bago mag-end ang contract. Madalas kasi ay busy kami, dumagdag na rin dito ang nangyayari sa amin ngayon.
YOU ARE READING
Mixed Signals (MikhaLoi)
RomanceMaloi, the captivating idol, radiates a gentle aura of confidence. Her humility, an intriguing juxtaposition to her fame, is matched only by the devotion of her adoring fanbase. Maloi.. A radiant gem among stars, shines with a gentle, affectionate d...