01

115 6 0
                                    

Warning: explicit language / scene

Disturb

Paglabas 'ko ng CR kanina, nag anyaya na si tita Irish na kumain. Katabi 'ko si mama at si tita Irish naman katabi ang tukmol.

Tahimik lang kaming kumakain at katapat ko lang ang tukmol na nanapak sakin kanina at abot tenga ang ngiti.

Iniisip ko pa lang pano papaiyakin ang tukmol na 'to. Siya bigla-biglang naninipa sa ilalim ng lamesa.

Napapikit ako at pasimpleng hinimas ang binti.  "Hmmp!!"mahina kong daing. Narinig ko pa ang mahina niyang pag tawa.

Masaya pa ata siyang nasasaktan ako?

Wala pa kong ginagawa sa tukmol na 'to pero ako bugbog sarado na sa kaniya.

"Ok ka lang ba ijo?" Nag aalalang tanong ni tita Irish sakin.

Tumango-tango ako. "O-opo"nauutal kong sagot dito.

Yawa kasi eh 'no!!

Binigyan 'ko ng masamang tingin ang tukmol-- at 'di talaga papatalo at nakipag titigan rin sa'kin.

Natapos na lang kami lahat-lahat kumain, siya nakatitig parin ng masama sa'kin. Parang ako pa  may kasalan sa tukmol na 'to! Siya nga kanina pa nananakit-- nag reklamo ba 'ko!

"Tita ako na po jan," agaw 'ko sa ginagawa ni titang pag liligpit ng plato sa lamesa.

Inagaw niya ulit. "Wag na ijo... ako na-- Tinulungan mo na nga kong magluto kanina ehh" aniya habang nakangiti, tumango ako at wala rin nagawa sa huli. Pumunta na lang ako sa sala at nakita si Rhain na namimili ng movie sa netflix.

"Ako na mamimili" agaw ko sa hawak niyang remote. Naiwan pa sa ere ang kamay nito.

Tinabihan 'ko siya ng upo. "Papansin ka talaga! Akin na nga 'yan!" sinubukan niyang agawin ang remote sakin pero itinaas ko lang ang kamay 'ko at dinakma ang mukha niya. Sa laki ng palad 'ko-- hindi ko na nakita ang mukha niya at pilit niya paring inaagaw ang remote sa'kin.

Ang tigas talaga netong tukmol na 'to! Sa huli wala rin siyang nagawa dahil mas malaki ako sa kanya. I'm six footer, and i think this mushroom is five-seven or five-six.

Inis niyang tinanggal ang kamay 'ko. "Bahala ka nga jan! Sak-sak mo sa baga mo yang remote!" Singhal niya sakin sabay tayo at hampas ng unan sa mukha ko.

Sa liit netong tukmol na to! Yung sama ng ugali niya mas malaki pa sa kan'ya. Kaya nakakapagtaka kung bakit binubully to ehh-- kasi hindi yan mag papatalo.

I saw his frowning face before he went upstairs. Narinig ko pa ang malakas na pag sara ng pinto. I smirked because of that. Pikon amputa!

I sit properly and took my cap and put it on the table, my left arm is behind my head and my right foot is on the table.

"Ano! Uupo ka na lang ba jan Valentino! I-akyat mo 'tong luggage ni Rhain! At mabigat yan... 'di niya kaya" ratrat ni mama sakin mula sa likod ko.

"Ma! kaya na niya yan!" Reklamo 'ko. Ako pa inutusan eh.

"Anong kaya?! Kita mong liit-liit ng katawan no'n! Bilisan mo na! Puro ka reklamo!" Singhal niya sakin.

Sa huli wala rin akong nagawa kung 'di sumunod. Kasi pag nag matigas pa'ko kay mama. Magiging Armalite nanaman bibig no'n. At mauungkat nanaman ang mga baho 'ko.

Tumayo na 'ko sa kinauupuan 'ko at tamad na kinuha ang luggage ng tukmol sa tabi ng pinto.

His luggage is kind of big, but not heavy. I just picked it up like nothing. Gusto lang talaga 'kong utusan ni mama.

White lies Where stories live. Discover now