Warning: explicit language / scene
Neon bar
Nagising ako dahil may naramdaman akong kamay sa mukha 'ko. Inis 'kong Hinawi ito at dahan dahang minulat ang mata.
Pakurap - kurap'kong tinignan si Mino sa gilid 'ko na mahimbing na natutulog at nakatanday pa sa'kin ang isa nitong paa.
Ayaw na kasi nilang umuwi kagabi kaya dito kami pinatulog ni tita Irish sa guess room nila. Dalawa ang guess room nila tita rito at si mama yung natutulog sa isang room. Ayaw naman ako ni mama patulugin do'n kaya dito ako sa mga impakto nakisiksik.
Kami nila Clay, at Mino dito sa floor natulog. Nag latag lang kami ng mattress at tabi tabi kami. Sila Terra at Jamie naman yung natulog sa bed, at si Finn-- dun ata tumabi sa tukmol na si Rhain.
Tinignan 'ko yung oras sa relo 'ko at mag aalasyete na pala ng umaga. Bumangon na 'ko at bumaba papuntang kitchen. Nakita 'ko pa yung tukmol na si Rhain sa lamesa na umiinom ng gatas habang nag babasa ng libro.
Gatas? Ano siya baby?
Nag timpla lang ako ng kape at umupo sa upuan Katapat niya.
"Hoy! Tukmol!" Tawag 'ko na hindi niya pinansin kaya hinablot ko yung libro niya at inilayo agad ito.
Kumunot ang noo niya at naiiritang inirapan ako. "Ano ba! Papansin ka talagang hayup ka! Pag nasira yan! Bayaran mo talaga yan! "
I raised my brows at tinignan siya mula ulo hangang paa. "Ano yung pinagsasasabi mo kay mama na ayaw kita pasakayin kahapon?" I asked him frowned.
He raised his brows too. "Bakit? Totoo naman ah... galit ka pa nga eh..." At inirapan ulit ako.
Tukmol talaga!
Mas lalo lang nangunot ang noo 'ko. "Hoy! Tinanong lang kita kung sasakay kaba o hindi, kasi nakatayo ka lang!"
"Kasi nga! Pa'no ako sasakay kung yung expression ng mukha mo nakakairita?!" Sigaw niya.
"Ehh hindi ka nga kasi sumasakay! Tapos pinapasakay ka ng maayos! Ayaw mong sumakay! Tapos babaliktarin mo 'kong tukmol ka!" I roared, and put the book on the table harshly-- at tinitigan siya ng masama.
Itong tukmol na 'to! Siya na nga may kasalanan! Ako pa babaliktarin! Nadagdagan lang tuloy kasalanan 'ko kay mama.
"Hey! Why are you guys fighting, don't ruin the fragrance of the morning, assholes. " Mino while yawning. Tinatali pa nito ang hanggang balikat niyang buhok. Nagising na pala.
Lumapit siya sa sa'kin at inakbayan ako. "He bullies you Rhain?" Itinapat pa sa'kin ang hintuturo na hinawi 'ko lang.
"You want me to headlock this animal?" Mino jokingly asked him. At ang tukmol tumango naman kaya iniheadlock nga ko ng hayup.
Tangina netong mga tukmol na 'to.
At ang tukmol... tawa lang ng tawa na parang demonyo, habang ako kinakapos na nang hininga-- at pilit na kumakawala. Parang ewan ang puta!
"Hey... What are you guys doing??" Singit ni Jamie. Gising na rin at tinatanggal pa ang muta sa mata. At ang hayup na Mino binatawan na 'ko kaya nakahinga na 'ko ng maayos.
"He bullies Rhain." Sumbong niya kay jam.
Parang bata amputa!
Lumapit sa 'kin si Jamie at malakas na binatukan ako. Napadaing naman ako at kinamot pa ang batok.
Diba! ako pa pinagtulungan nila! At ang gagong si Rhain, tawa lang ng tawa. Mabilaukan ka sana jan!
Bumaba na rin ang tatlo pang tukmol at dito sa kusina dumeretso. Lakas kasi ng halakhak ni Rhain, kaya siguro nagising ang mga impakto.
YOU ARE READING
White lies
RomanceBL Cigarette after sex series 1 "white lies, sometimes bring good results, sometimes can ruin a thousand truths." Eli Valentino Marcader, a college student who just wants to have fun and fuck. Until his childhood enemy came back into his life.