Warning: explicit language
Book
Alas diyes na nang magising ako and Nisha left without even saying goodbye to me.
Umalis na 'ko sa higaan at tumayo na. Pinulot 'ko yung damit 'ko sa sahig at isinuot iyon at nag lakad na papuntang pinto, habang inaayos pa ang medyo magulo kong buhok. Binuksan 'ko ito at bumaba na.
Nakita 'ko pa si tito Henry na nakaupo sa counter bar, tatay ng tukmol na si Clay, and speaking of that bitch. Nasa'n na yung mga tukmol na 'yon?
Lumapit ako kay tito Henry. "Tito... nakita niyo po ba si Clay?" Tanong 'ko dito.
"Uh...oo, kanina pa umalis. Kasama si Mino." Aniya.
"Uh...ganon po ba. Sige una na po ako." Ako habang tumatango.
Tanginang mga yon! Sila nag aya aya sa'kin dito tapos iiwan nila 'ko dito mag isa, mga gago rin ehh.
Lumabas na 'ko at sumakay ng kotse at umuwi na sa bahay namin.
A week later, and enrollment came. Inayos 'ko pa saglit ang medyo basa kong buhok sa salamin dito sa banyo bago lumabas. Pinihit 'ko ang door knob at binuksan ang pinto ng kwarto 'ko at bumaba na ng hagdan.
"Ma!" Tawag 'ko kay mama.
"Ano!" Siya, mula sa kusina.
Lumapit ako sa kanya " ma alis na po 'ko." Paalam 'ko.
"Oh.. siya.. mag ingat ka sa pag dadrive ha... sunduin mo si Rhain sa bahay nila, at nag sabi si tita mo na sabay na kayo mag enroll" aniya, habang nag pupunas ng lamesa. Tumango na lang ako at umalis na. At baka maungkat na naman baho kapag nag reklamo pa 'ko.
Sumakay na 'ko ng driver's seat at nag simula ng mag drive. Susunduin 'ko muna ang tukmol na si Rhain, kasi baka kung ano nanaman ang isumbong no'n at ako nanaman mapansin.
Three hours din akong bumyahe dahil antipolo pa 'ko galing at laguna pa ang tukmol na si Rhain. Six a.m ako umalis do'n sa bahay at nine a.m na nang makarating ako.
Sa harap ng bahay nila ako nag park at bumaba na.
Kumatok ako sa pinto nila. "Tita!" Tawag ko. Binuksan naman yun ni tita Irish at pinaupo muna ako. Umakyat si tita sa taas at naiwan ako dito mag isa.
Pagkababa ni tita ay may bitbit siyang luggage kaya tumayo ako at tinulungan siya. Kasunod
Niya si Rhain at may dala ring duffle bag, pero mukhang 'di naman mabigat.Sa labas 'ko na dinirecho yung luggage at nilagay 'yun sa trunk ng auto 'ko. Nilagay pa ng tukmol na si Rhain ang duffle bag niya bago 'ko sinara 'yon.
"Mag ingat kayo ah!... Mag chat ka sakin nak pag nando'n kana sa apartment mo.." paalala ni tita.
"Opo ma!... ingat ka din po" sagot ng tukmol bago sumakay sa shotgun seat.
"Alis na po kami 'ta" paalam 'ko.
Tumango ito. "Sige ingat kayo... salamat din sa pag sundo kay Rhain" aniya, at tumango naman ako at sumakay na ng driver's seat.
Habang binabaybay ang daan. Binalot kami ng katahimikan. Kaya sinilip 'ko ang tukmol kung ano ginagawa. Nag babasa siya ng libro na sa tingin 'ko, ay novel book.
"Mag rerent ka ng apartment?" Aniko dahil hindi 'ko na kaya ang katahimikan dito sa loob.
"Uhm...oo" tipid niyang sagot sakin. I raised my eyebrow and looked at him. Even though his eyes are sleepy, he is still Reading habang nakasandal sa window ng car.
I removed my gaze from him at nag play na lang ako ng music kasi parang walang balak na kausapin ako ng tukmol na 'to.
I click Spotify and click my comfort music and play those eyes by new west.
YOU ARE READING
White lies
RomanceBL Cigarette after sex series 1 "white lies, sometimes bring good results, sometimes can ruin a thousand truths." Eli Valentino Marcader, a college student who just wants to have fun and fuck. Until his childhood enemy came back into his life.