Isa sa mga team building games nila ay tag kung saan ang nasa unahan ay kailangang protektahan ang mga miyembro niya sa kanyang likuran. Naassign si Bea at Cait na maging leader ng magkabilang teams. Seryoso pa ang dalawa nung una pero kalaunan ay nagtatawanan na ng nag-eenjoy na sila. Kaya naman medyo nagrelax ng kaunti si Cait. Nagulat siya ng hinila siya ni Bea kasi di naman ito ang tema ng laro at binulungan siya nito.
"Cait bakit sobrang ang ganda mo pa rin?"
Bahagyang nadistract si Cait kaya di agad ito nakareact nagulat na lang siya ng natapik na ni Bea ang kamember niya at nadeklara ang koponan nito na nanalo sa partikular na laro.
Pagdating sa kwarto ay di na naman kinikibo ni Cait si Bea.
"Galit ka na naman ba?"
"Sinong di maiinis sa pandaraya mo no?"
"Hey I didn't cheat kaya. I just stated the obvious. Unless affected ka?" Pagkindat pa nito kay Cait.
"Hindi ako affected pero pinlano mo yun na madistract ako para manalo kayo."
"Well at the end of the day I did not cheat." Pag upo ni Bea sa kama sabay fold ng arms sa chest niya. Lumingon si Bea sa direksyon ni Cait at tahimik na itong nakahiga sa kama niya ng nakatalikod sa kanya. Pumunta si Bea sa kabilang side kung san ito nakaharap at umupo sa sahig habang nakatitig dito. Napansin naman ito ni Cait.
"Bea ano ba! Dun ka nga."
Humarap naman ito sa kabila pero sumunod pa din si Bea dito. "Wala ka bang magawa sa buhay mo?"
"Wag ka na kasing magalit. I hate it when we are not talking."
"Ano ba ginagawa natin diba nag-uusap?"
"Not like this yung maayos na usap ba."
"Well kung di mo ko laging iniinis edi hindi tayo ganito."
"I can't help it. It comes natural."
"So sinasabi mo masarap ako asarin?"
"Di naman sa ganun. I just enjoy it when your attention is all on me."
"Papansin kaya tawag dun."
"Whatever. Move a little, give me some space."
"Dun ka nga sa kama mo ang sikip na dito." Gumalaw din naman si Cait para makahiga si Bea sa tabi nito.
"Your mattress feels softer."
"Pareho lang yan ng materyal. Pinagsasabi mo."
"Shh.. let's sleep. Why didn't I think of this sooner?"
Naramdaman ni Cait na nakaspoon sa kanya si Bea habang nakatalikod siya. Nang maramdaman niya na parang tulog na si Bea. Di niya mapigilan ilapat ang kamay niya sa kamay nito na nakapaulupot sa baywang niya. For some reason it felt like she found a piece of her after ng matagal na pangungulila.
=========================================
AN: Short UD. At least we got this chapter out of the way now lol. Tomorrow na laban ng Alas na di ko din naman mapapanood because of work lolz. Pero suportahan pa rin natin sila kahit medyo nakakaewan yung latest changes sa lineup.