Bea POV
We decided to check out this new bar. The gang is there again me, Ara, Tots and Deanna. A group of girls sitting in one table caught my attention. Deanna reminded me those are UST girls onga naman medyo malabo mata lang. I tried to get a closer look. Siguro sa sobrang pagkapreoccupied ko sa kakainom these days. Di ko na masyado napapansin madami din pala kaming nakakalaban sa UAAP na head turners. The morena one caught my attention the most though that night. Ganda talaga ng mukha niya. Like how did I even miss that pretty thing every single time we go against each other? To be fair naman during a game sobrang laser focus tayo at riddled with captain ball pressure.
Tots was even teasing me when he caught me red handed na ilang beses panay lingon sa table nila.
"So tell me bro who is it this time? Lilingon na lang ba tayo dito that is so not you."
"Teka lang nagpapainit pa yung red label natin dito chill. Bakit kayo nakaupo lang din naman kayo dito?" Hirit ko naman.
"Lapitan mo na par bago maunahan ng iba. Wag mo sabihin tinubuan ka na ngayon ng chicken wings?"
I downed quickly one shot before standing up para matigil na kakaasar nitong mga to. I got another glass with me and took it to their table.
Sakto sumasayaw din yung mga kasama niya habang siya patingin tingin ng relo niya. Kaya I took the chance to sit next to her.
"Hi sorry to bother you. Di ka ba sasama sa mga kasama mo sa dance floor?"
"Di ako marunong sumayaw."
"Can I keep you company though?"
"Masaya naman ako maupo kahit mag-isa. So no thank you."
"How bout I just offer a drink and introduce myself? I mean I've been seeing you during our games."
"Sino bang di nakakakilala sayo?"
"Still. I'm Bea De Leon." I raised my hand for a handshake and she took it naman luckily.
"Caitlin Viray. Ayos na tayo pede ka na bumalik sa table mo."
"Ganda ng pangalan mo bagay din talaga sayo. So di talaga ba kita pwedeng invitin sa dance floor?"
"Hindi pa ko lasing para gawin yun."
"Eto o kaya nga dinalhan kita." Inoffer ko na yung shot na dala ko.
"I don't take a drink from strangers mahirap na."
Natawa naman ako dito pero tama naman siya. Better to be safe than sorry. I summoned a waiter to give me a whole bottle of Red label and 2 shot glasses and chaser.
"Here ikaw na magbukas. And I will keep my hands to myself the whole time."
Tumingin naman ito sa akin saka binukas at tinagayan ko na ang shot glass niya. Tinikman nito at nasarapan kaya nagstart na rin kami magkaget to know. Nung medyo nakakarami na siya mas nagiging light na din ang usapan.
"Sa totoo lang naaangasan talaga ko sayo. Kaya ekis ka talaga sakin."
"Grabe naman ang harsh. Maangas pa rin ba ko ngayon sa harapan mo?"
"Hindi naman na pero alam ko naman kasi no bakit ka nandito."
"Talaga? Bakit nga ba?"
"Ayoko nga sabihin para naman akong feeling nun."
"Edi ako na magsasabi. Tumingin ka sa paligid sino bang hindi mapapasulyap sa ganda mo?"
"Style mo De Leon. Di mo ko madadali sa ganyan."
"Sayaw tayo?"
"Di pa nga ko lasing."
"Okay sige sabi mo cheers?" Sabay angat ko ng shotglass sa kanya at dinikit din niya shot glass niya sakin.
After a lil while kinuha na niya ang kamay ko at siya na mismo nag aya sumayaw. Surprising what a drink could do really.
Kumekembot na ito pero wala napako lang ang tingin ko sa kanya, she has this certain kind of glow that got me mesmerized.
"Ano tatayo ka na lang ba diyan? Lakas ng loob mo mag-aya kanina." Nagsway sway naman ako ng kaunti para sabayan siya. Di naman siya wild but she really let loose, kung sobrang stiff niya kanina now she is just having fun and I love seeing that side of hers.
May sudden movement siya at muntik ng matumba buti nahila ko agad ang baywang niya and she fell on my chest.
"Baka nahihilo ka na we can sit muna."
"Not yet I'm comfortable right here. Fairness ang bango mo a maybe this is how you get the girls."
"We shouldn't be talking about other girls you know. It's just you and me tonight." I held her gaze and I was about to capture her lips ng hilahin siya ng mga kasama niya.
"Hi Bea uwi na naman itong friend namin a mukhang nakarami na."
"Hahatid ko na sana kayo but okay. Can I have 1 minute with her though?" Pumayag naman ang mga ito.
I asked Cait for her number pero mukhang nasa wisyo pa naman at hindi talaga nito binigay. I might need to find out one way or another. This won't be the last time na makakasama ko siya that I'm sure of.
Lumapit ako sa table namin nila Tots.
"Anyare bro kala namin mauuwi mo na e?" Tanong ni Ara.
"Akala ko nga din but sinundo ng friends anyway malamang tulugan lang din ako nun. So I think I'm gonna call it a night."
"Bruh, I smell something fishy." Hirit ni Tots sabay tawa ng tatlo.
"Ingat te Bei." Paalam ni Deanna at kumaway na ko sa kanila para mauna.
==========================================
AN: Nagkita na din sila sa story 🤣 Bukas na uli next.