Caitlin POV
Nung inannounce at pinagsama sama na kami nagulat ako na teammate ko pala si Bea she looks so much different now body wise. Mas bulky na siya medyo pansinin yung arms niya parang pwedeng magpaheadlock. Ano ba yang iniisip mo Cait? Mas matured din ng onti tignan. Mas gwapo? Uhm di ko sure kasi di naman super tumanda itsura niya pero siguro sa overall appeal yes mas jowable tignan. Kung pinansin niya ba ko? Nag hi naman sakin pero nag hi lang din ako dito tas pag ngiti niya para kong di mapakali natawa na lang ito at nakipag usap na sa iba.
Lately nakakasundo ko naman na mga bagong teammates ko though mostly atenista sila. Pinakakaclose ko ngayon ay si Reg pero di ko kinaya yung tanong niya sakin.
"Darling wag ka magagalit a ano meron sa inyo ni Bea?"
"Huh bat mo naitanong?"
"Kasi beh grabe yung tension niyo di maipagkaila."
Napalingon naman ako baka may nakarinig sa kanya nakakahiya.
"Mamaya na lang after practice tayo magchika."
Wish ko din naman na sana may mapag openan about it. Kasi wala ko makausap about diyan nakakahiya kasi feeling ko naman di niya ko ijajudge. Nakwento ko nga yung past namin.
"Nanligaw pala siya sayo dati pero beh parang may gusto pa din siya sayo nahuhuli ko kasi mga tingin niya sayo daig pa biko sa lagkit."
"Huh wala na siguro tagal na nun no."
"Teka maiba tayo may jowa ka na ba ngayon tutal rin lang lovelife mo na usapan."
"Wala pa."
"Ay bakit nababakante e ang ganda mo naman beh."
"Bawal magfocus sa career?"
"Eechosin pa ko nito so kung single siya may chance pa ang CaitBea?"
"Ano naman yang pakulo mo? Hindi ko alam. Yun pang taong yun hinde magkakajowa ng matagal parang imposible naman."
"Bakit madami ba naging jowa si Bea?"
"Hindi ko alam di ko naman natatanong noon. Pero bago kasi kami nagkakilala matunog pangalan niya na maraming nakaplaytime."
"Talaga ba? Fairness di halata a ang amo kasi ng mukha. Parang amoy baby powder din ang itsura pero malakas ang dating. Hinde mo ba siya type?"
Hindi ko alam ang isasagot dun sa totoo lang. Kasi deep inside oo gustong gusto ko siya mas narealize ko yun nung nawala siya pero baka asarin lang ako nito saka nakakahiya dahil nakamove on na din yung tao. Bakit parang ako yung nastuck? 😥
"Silence means yes ba ito? Yaan mo tatanungin ko if single siya para sayo."
"Wag na uy nakakahiya. Atin atin na lang to please."
"Makakaasa ka darling thank you pala pinagkatiwalaan mo ko."
====================================
AN: E nagkita na at malapit na magkita uli irl 😆