Chapter 7

460 7 1
                                    


Caitlin POV


Kasalukuyan kaming naglalakad sa grounds ng UST at etong Bea de Leon kapit na kapit na naman.


"You wanna hear a fun fact?" Napatingin naman ako dito.


"Alam mo bang ayaw ko sa UST?" Agad agad kong binitawan ang pagkakahawak nito sakin.


"So anong ginagawa mo dito?"


"Tinamaan sa taga Uste." Tinarayan ko na lang ito daming alam sa buhay. Nakita kong binalik na naman niya ang pagkakahawak niya sakin. Hirap sawatain ng taong to manliligaw pa lang pero ang advanced gumalaw. Problema di ko din naman nahihindian may sariling utak ata ang katawan ko.


Akala ko nung una maarte to syempre atenista pero madalas sa park ng UST lang kami nakain ng takeout. Tinry niya naman ako ayain sa mga magagarbong restaurant pero ayoko talaga buti naman mas inaaya niya na ko dito dito lang or sa turo turo minsan natatakot nga ko baka magkatyphoid siya at mukha pa naman di hiyang to sa ganun pero sabi niya ok lang daw kumakain naman siya ng street foods minsan. Umupo na kami sa bench ng park tas kala ko babae lang lapitin ito pati pala ng pusa and dinadamihan niya lagi yung takeout namin akala ko kung para saan. Papakain daw niya sa mga witnesses ng date namin. Nililigpit din naman niya pagkaalis ng mga ito. Nakakatuwa talaga makita na may ganung side siya.


-----------------------------------------------------------


Normally madaming concerts na ginaganap dito sa UST at ang matindi mas alam pa ni Bea yung mga bands na nagcoconcert dito at iniinvite niya ko lagi especially pag free kami pareho minsan nga kahit may training pa yan kinaumagahan di pa rin nagpapaawat mag-aaya pa rin.


"Cait may concert mamaya ang Mayonnaise nood tayo. Wala ka naman pasok at training bukas diba?"


"Wala naman ang alam ko ikaw ang may training ng maaga bukas."


"Kaya ko naman. Sanay na ko pagpuyatan ka."


"Baliw ka. Pag ikaw natanggal sa Ateneo wag mo ko sisisihin a."


Nakurot pa ko sa pisngi nito.


"Wala kong pagsisihan pagdating sayo."


"Maniwala ako sayo. Pano pag binasted kita di ka pa rin magsisisi?" Puro pambobola kasi alam minsan di na kapani paniwala pinagsasabi. I mean sino bang di nagsisisi pag binasted.


"E di gagawin ko lahat wag lang umabot sa point na mababasted ako. Anyway, so ano nood tayo maya?"


"Oo na mapilit ka e."


"I'm pretty sure mag-eenjoy ka rin naman."


"Ikaw naman talaga ang may gusto sa kanila pero sige minsan yung gusto mo naman ang gawin natin."


"Thank you Cait." Bakas yung saya sa mukha nito kaya yaan na kahit di ko hilig yung bandang yun. Ikinaligaya naman nitong isang to. Ewan ko ba parang pag masaya siya masaya na din ako. Haay nako rupok talaga Cait.


Dadalhin kita sa aming bahay
Di tayo mag-aaway
Aalis tayo sa tunay na mundo...


Anlakas lakas ng boses ni Bea na nakikikanta sa banda nakapwesto pa naman siya sa likod ko at nakayakap.


"May papakita ako sayo tignan mo." Bulong nito sakin.


"Ano y-" Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay naramdaman ko na lang dumampi ng mabilis yung labi ni Bea sa akin. Nahampas ko tuloy ito.


"Kainis ka. May makakita sa atin ikaw talaga wala kang pinipiling lugar."


"Grabe siya o kinakahiya ako. Sorry na ang ganda mo kasi I can't help it."


"Hindi kita kinakahiya. Kaya lang nasa school grounds tayo sabihin di na natin nirespeto at baka may makakilala satin."


"Wag mo na sila isipin busy din sila makijamming."


"Ay nako De Leon ewan ko sayo nakakarami ka na. Di ka masawata."


"Nakakalusot e diba lubus lubusin na." Patawa tawa pa tong mokong na to. Porke nakakalusot.


"Susunod di na kita papayagan lumapit sakin kala mo."


"Sungit naman harap ka na jan nood na uli tayo." Pinaharap na nga ako nito at bumalik sa pagkakayakap sakin.


"Hayaan mo na muna ganito tayo. Gusto ko lang sulitin ang bawat panahon na kasama ka."


============================================


AN: Medyo nagawa ko yung majority ng chapter na to habang nagpapacar wash kaya may UD today. Di ko pa naaayos yung next chapter plan ko irevise so pwedeng after 2 days pa yung next. Btw nabasa ko may ayuda daw ano yun?  Busy sa work kanina e.

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now