Chapter 18

590 11 3
                                    


Caitlin POV


"Darling kayo na ba?"


"Huh?"


"Kayo na ba ni Bea kamo?"


"Hindi Reg."


"Kasi kung makatingin si Bea sayo sobrang smitten darling."


Napatingin tuloy ako dito at sa kamalas malasan nahuli pa kong nakatingin at kumindat ang walang hiya eto naman si Reg kilig na kilig sa gilid.


Maya maya lumapit pa ito samin.


"Ladies anong meron pinagchichismisan niyo ata ako?"


"Wala Bei pinag-uusapan lang namin anong skin care mo sobrang kinis ng kutis mo e." Mabilis na reply ni Reg. Quick thinking ang hitad.


"Ponds gamit ko. Dalhan ko kayo next time pag nakauwi na tayo."


"Wow sana all sponsored." Hirit pa nito.


"Hey." Pasimpleng bati nito at himas sa siko ko. Nung napansin niyang kinikilig si Reg sa gilid ay nagpaalam na ito.


"Grabe naman yung hey with matching touch. Intact pa ba panty mo darling baka nalaglag?" Napalakas tuloy ang tapik ko dito.


"Yung bibig mo ba darling kailangan ata busalan."


Katatapos lang ng training at hinahanap ko si Bea pero di ko makita ni anino niya normally sabay kami bumabalik ng room every after practice. Suddenly tumunog yung phone ko at nakita ko may message siya.


Bea: Diretso ka na sa room I prepared something. Come quick I miss you already.


Baliw to roommates at teammates naman kami may namimiss pang nalalaman.


"Yung ngiti mo darling abot mula apari hanggang jolo." Di ko napansin na andito pa rin pala si Reg.


"Darling di mo talaga ko tatantanan ng kakaasar?"


"Ang cute niyo kasi comeback na very obvious naman din kayong dalawa sa attraction niyo. Ano pa ba iniintay pasko?"


"At ano naman icocomeback kung hindi naman naging kami to begin with?" Nagpaalam na din ako dito na babalik ng room.


Pagdating ko nga ng room nakita ko may prepared na food and flowers sa table na nakapwesto sa veranda. May pamusic pa date ba to?


"Anong okasyon De leon?"


"Wala lang trip ko lang."


Sinakyan ko na lang din trip niya kahit amoy pawis pa kami.


"Di mo man lang pinagbihis muna tayong dalawa bago gumanto."


"It's not important naman mahalaga yung kasalo. Besides we can take a bath together later para mabilis."


"Ulol sino nagsabi sayong sasabay ka."


"Nahihiya ka pa ba sakin nakita ko naman na lahat yan. We can save water by taking a bath together."


Namumula tuloy ako sa hiya. Kailangan talaga ipaalala yung pinaggagagawa namin.


Tumayo na ko sa may railing ng veranda at ang ganda ng sunset slightly tanaw siya. Naramdaman ko na lang yumakap ito sa baywang ko galing sa likuran at siniksik ang ulo niya sa leeg ko.


"So ano talaga yung pinagchichismisan niyo kanina about me?"


"Skin care nga diba."


"You really think I'm that dumb to believe that bull crap? You know me better than that."


"Fine. Tinatanong niya if tayo na ba."


Hinapit niya ko paharap sa kanya.


"Good question ano nga ba talaga tayo?"


Naramdaman kong hinawakan nito ang chin ko at pinatingin sa mga mata niya. Under her gaze that always make my knees weak and buckle. It's like my tongue got tied at that moment and I couldn't speak di ko alam ang isasagot.


She took both my arms and wrapped it around her neck then snaked her arms around my waist. "Nevermind that. You don't have to answer if you don't have one. I don't want to ruin what we have. I'll take anything to keep you close Cait." 


===========================================


AN: Ayan inagahan ko na UD at plan ko mag binge nextflix mamaya at household chores.

Accidentally In LoveWhere stories live. Discover now