SALVACION MANSION
"Anong Sabi mo, pakiulit nga? Anong ibig mong sabihin na nawawala si maria? baka nag punta lang siya sa cr o kaya pumunta sa harden!." malakas na sigaw ni Mercedes nang Sabihin sa kaniya ni Justine na nawawala si maria.kanina pa niya ito hinahanap nang pagkagising niya pa lamang. nang makita ni Justine na walang tao sa sofa kong saan natutulog si maria ay kaniya nang hinalughog ang loob nang kaniyang kwarto.
umabot na siya sa cr ngunit hindi niya ito makita, kaya bumaba na lamang siya sa sala upang tanungin ang mga naroon kong nakita ba nila si maria. ngunit ang sagot nang mga katulong ay hindi pa nila nakikita ang dalaga na bumaba galing sa silid nang anak nang amo.
Hanggang sa malaman na nga ni Mercedes na hindi makita si maria at dito na siya nag sisigaw. "ano pang hinihintay ni'yo hanapin ni'yo siya kung saan siya pwedeng pumunta!." sigaw nang ginang at umupo sa sofa na habol habol ang hininga.
tumingin ang ginang sa anak na Ngayon ay malalim din ang iniisip.kaya napataas nang kilay ang ginang nang tahimik lamang ito.
"ano pang ginagawa mo d'yan, hanapin mo rin si maria at kung sakali man na hindi mo siya makita ay malalagot ka sa'kin." pigil nitong sigaw at nag mamadaling umalis at pumaitaas. na pailing na lamang si Justine sa reaction nang kaniyang Ina. tila hindi siya anak kong pagsabihan nang ganon.
"saan kaya nag punta ang babaing iyon?"wika niya sa kaniyang sarili at nag iisip kong saan ito possibleng pumunta.kanina niya pa iniisip kong saan ito pupunta ngunit wala siya maisip dahil wala Naman siguro kakilala si maria sa Lugar na ito.
sa bagay hindi pa naman nila alam kong saan nang galing si maria kaya iisipin na lang nang mga Salvacion na umalis lang ito o kaya pumunta sa kaniyang kakilala.
ngunit para Kay Justine ay may hindi Tama, tila hindi Tama na Basta Basta na lamang siya umaalis na hindi nag sasabi sa kanila."Anong nabalitaan ko na hindi makita si maria?." na patingin si Justine sa nag salita na pababa sa hagdan habang suot ang seryusong mukha.
"goodmorning Dad, ahmm si maria Kasi hindi namin makita kanina pa."mahinahon niyang sagot sa tanong nang matanda.hindi rin niya malaman kong bakit lahat sila ay parang balisa nang malaman na nawawala si maria.
"sa palagay mo saan siya pupunta?may kakilala ba siya o pamilya?"usal nang matanda at umupo sa sofa at nag pandikwatrong nakatingin sa binata."hindi ko po alam dad wala Naman ho siyang sinasabi about sa family niya." na patango ang matanda.
"hanapin mona siya at iuwi agad rito, at kanina pang nag wawala ang mommy mo sa itaas at Ikaw Ang sinisisi." na pahinga na lang nang malalim si Justine sa naging attitude nang kaniyang ina. hindi Naman niya masisisi ang Ina sapagkat alam Naman niyang matagal nang gusto nang nanay niya na magkaroon nang anak na Isang babae ngunit hindi sila binibiyayaan.
" yes dad."yumuko muna ito bago tumalikod at nag umpisa nang humakbang.tumingin Naman ang matanda sa papawalang bulto nang anak Hanggang sa hindi na niya ito makita.
Sa kabilang Banda Naman ay labis labis parin ang pagtataka nang mga katulong dahil sa naging reaksyon nang kanilang among babae.
"kung Ikaw Ang tatanungin,tama lang ba ang ginagawa ni madam na kahit nandi'yan ang kaniyang tunay na anak ay ibang anak Naman ang hinahanap?." usal nang isang katulong sa isa pang katulong habang nakatingin sa malaking bahay.
kung tutuusin ay na sa pamilyang salvacion na ang lahat kayamanan karangyaan nang Buhay at complete family ngunit sa isip nang mga katulong na ninirahan sa bahay na iyon ay tila isa iyong kulungan dahil tahimik at walang nag iingay.
nag umpisa lamang na umingay at parang nag katao ang bahay nang dumating bigla ang dalagang si maria na hindi nila matukoy kong saan nang galing.
kaya hindi narin nila masisisi ang among babae kong Ganon na lamang ang kaniyang inasal nang mabalitaang nawawala ang dalaga.
YOU ARE READING
CROSSING PATHS IN TIME
Random"Maria, kahit Ikaw pa ang pinaka werdong babae na nakilala ko, at kahit Ikaw pa ang may pangalan na kasing haba nang pacifico ay hindi ako mag sasawang banggitin iyon nang paulit ulit." saan hahantong ang pagmamahalan nilang dalawa, at saan aabot a...