Chapter 1

11 4 1
                                    



"Anak..."



More than a week has passed and Cody woke up to the sound of his mom next to him. Unti-unting n'yang ibinukas ang kanyang mga mata at gulat na napatingin sa ina na nakangiti sa kanya.



"Mom, you scared me. Hindi na nga ako makalakad, tapos aatakihin mo pa ako sa puso," biro niya. 



Nakalabas na ito ng ospital, kahit papaano ay naigagalaw niya ng kaunti ang kanyang mga paa, but he still would need to have someone help him as he needs more time to recover.



"How could I join the try-out?" Daig pa niya ang binagsakan ng langit at lupa nang malamang ilang buwan n'ya kailangan ipahinga ang kanyang mga paa.



"Son, what if we hire a professional Physical Therapist? We can ask for help to find someone who can take care of you." Umupo ang ina sa tabi ng binata at muling ngumiti na parang kinikilig. 



This time, Cody finds it creepy.



Paano ay naalala n'yang ngumiti ng ganoon ang ina kapag may binabalak siya, o di kaya ay pag biglang nagiging match-maker ito. His memory flashed back to a time when her mom wanted him to date a lady, but both didn't know that she was older than him. That lady was even older than her mom.



"Hi," bati sa kanya ng isang seksing babae na naka pulang bestida at nagmamay-ari ng magandang mukha. Agad naman din s'yang nagpakilala sa binata at inabot ang kanyang kamay.



"I'm Tasha," she smiled. "Oh, if you're wondering, your date is coming over in a minute."



Tinanguan n'ya nalang ito at ngumiti. They occupied two of the vacants seats inside the restaurant and waited for minutes. He was about to ask her something when the girl  suddenly waved at someone,



"Andito na sya, I'm so excited for you guys... Mom!" Sigaw niya sa isang babaeng papasok sa entrance who wears a shiny shimmering red and violet dress. Ang design ng damit nito ay may mga maliliit na bola na parang sa disco balls.



"Y-Your mom?" He nearly fainted.



Nagbalik pananaw ang binata ng makaramdam ito ng mahinang hampas sa kanyang braso. Napansin ito ng kanyang ina na natulala siya. 



"Are you listening? We really need someone to look after you," she said.

LSS: Knock On the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon