Chapter 2

14 4 5
                                    



'WHERE is that noise coming from?'



Napabalikwas ng bangon si Casie dahil sa lakas ng ingay na nanggagaling sa kapit bahay niya. Gusto niyang bumawi ng tulog dahil rumaket pa ito kagabi. Paano namang hindi siya mapupuyat e kung hindi lang bastos ang nakasabayan nito pauwi pagkatapos ng trabaho, edi sana ay hindi sila inabot ng madaling araw sa kulungan.



She lives in a two-storey house which she owns kaya hindi na niya prinoproblema kung saan kukuha ng ibabayad sa renta. Ang concern niya ngayon ay kung saan siya kukuha ng pambayad sa lalaking pinakulong nito kagabi, na ngayon ay nasa ospital dahil sa sugat nito sa ulo.



'Siya pa ang may ganang hingian ako ng pera. Ang kapal talaga ng mukha!' Gigil nitong sabi sa kanyang isipan.



Dahil ang kwarto niya ay nasa itaas, bumaba ito sa unang palapag ng kanyang bahay upang magtungo sa kusina. But she was shocked to see her mom sitting pretty on the sofa. With her hair curled, naka-shades ito at may hawak na pamaypay sa kanang kamay habang dinig na dinig ng dalaga kung paano nakagawa ng ingay ang mga suot nitong burloloy o alahas kumbaga.



She wanted to run back to her room because she knows why her mom was there to see her. Dahan-dahan siyang humakbang paatras ngunit biglang nagsalita ang kanyang ina.



"Cara Sienna, where are you going? Come here." Sabi ni Mrs. Bienville habang nakahawak padin sa kanyang pamaypay. Wala ng nagawa ang dalaga kundi sumunod nalang sa ina.



Umupo ito sa isang sofa at kinuha ang isang maliit na unan tsaka nito yinakap at hinarap ang ina.



"Mom, if you're here to tell me that I should go home, then my answer is 'No'. I won't go home." Mariin nyang sabi.



"Ano ka ba namang bata ka. Aren't you scared living here alone. Ang layo mo saamin." Mahinahong sagot ng ginang.



Tama nga ang kutob ng dalaga. Gusto nga ng nanay niya na umuwi na siya sa kanila. Pero pinanindigan niya ang kanyang sagot kaya walang nagawa ang ginang kundi magpaalam nalang.



Hindi naman masungit ang mama niya, infact, hindi nga siya nito sinumbong sa kuya niyang istrikto kung nasaan siya. His brother, Ashton Kyle Altavista Bienville is their eldest, she's the second child at mayroon siyang dalawang kapatid pang babae na sumunod sa kanya.



Kahit pa galing sila sa mayamang pamilya ay hindi niya naisipang humingi ng pera sa mga ito simula ng umalis siya sa puder ng kanilang istriktong kuya. Maski ang sumunod sa kanyang si Chantrea Serine o Ceri kung kanyang tawagin ay linayasan din si Ashton. Ang bunso nalang niyang kapatid na si Caroline Amerie o Cali ang nakakapag-tiis sa ugali ng kanilang nakatatandang kapatid.

LSS: Knock On the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon