Chapter 4

7 3 4
                                    




Sa pangalawang palapag ng bahay ng mga Mondraleco ay inilibot ng ginang ang dalaga. Iginala ni Casie ang kanyang mga mata at napatingin siya sa isang parte kung saan may isa pang sala. Ngayon lang niya ito nakita dahil kahit dati paman ay hanggang sa baba lang naman siya. Bukod pa kasi ito sa isang living room na nasa unang palapag.



"Bakit ho pala dalawa ang living room niyo?" She asked politely.



Mrs. Mondraleco smiled at the lady and held her hands. Para silang totoong mag-ina na masayang nag-uusap, walang ilangan. 



Pala-kaibigan naman si Casie, pero nang lumipat ito sa probinsya ay aminado siyang hindi siya palakibo, bihira siya lumabas ng bahay para makipag-kwentuhan at umaalis lang ito para pumasok sa trabaho.



Pero kahit bihira niya makausap ang ginang ay magaan ang pakiramdam ng dalaga sa kanya sa tuwing sila'y  magkakasalubong. Tulad nang anak niyang si Cody, masayahin at palangiti din ito.



"Nako, gusto ni Cody ng may sariling sala, ang kaso nga lang, naunahan siya ng kapatid niya. Ang pangatlong palapag ng bahay ay kay Cody and the second is for his brother, Nathan." Pagpapaliwanag ng ginang.



Tumango nalang si Casie at muling iginala ang tingin sa paligid. Napakalawak kasi ng bahay ng mga Mondraleco. Sa pagpasok sa maindoor ay bubungad ang malawak na sala, maraming paintings at ilang litrato na animoy kuha nang isang professional photographer. Pag kumaliwa ka naman ay may isang hagdan ito papasok sa kusina at dining area. Mayroon pa uli itong isang hakbang patungo sa mga kwarto. Kung hindi siya nagkakamali ay may tatlong guestroom at dalawang maid's room sa first floor. Mayroon din itong isang masters bedroom kung saan natutulog ang mag-asawa.



Sa pangalawang palapag ay mayroong dalawang kwarto, ang isa ay para kay Nathan at ang isa ay bakante, meron itong isang malawak na sala at napapalibutan ng mga magagandang litrato. Napukaw ang tingin niya sa isang litrato na nakasabit sa puting pader at natatakpan ito ng puting tela. Hindi niya nalang ito pinansin at napaangat nang tingin sa ikatlong palapag.



Casie's forehead creased as she tried to remember how the third floor was styled. Sa pagkaka-alala niya ay may tatlong kwarto ito, wala man itong sariling sala ay may sariling studio naman si Cody, may passcode pa nga ito na parang ginto naman sa loob at bakit napaka secured. Batid niya na ang gitnang kwarto ay para kay Cody, ngunit ang bakanteng katabing silid ay hindi niya alam kung para kanino.



'Why do they have vacant rooms beside theirs?' She wondered. Nagkibit balikat nalang siya at sumunod sa ginang papuntang unang palapag.




They went straight to the kitchen area. Dito ay nakasalubong niyang muli si aling Ising kaya naalala niya ang binata. She looked at her wristwatch and immediately told Mrs. Mondraleco that she needs to check her son. Halos may trenta minutos na din kasi silang nag-uusap at hindi niya namalayan ang oras.

LSS: Knock On the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon