Chapter 6

6 2 3
                                    



Nitong mga nakaraang araw ay maganda naman ang naging samahan nila ni Cody.  Kahit papaano ay parang nabawasan ang ilangan ng dalawa at kahit papaano ay nakukuha na niya ang ugali ng binata. But during Cassie's 5th day of working with the Mondraleco's, she finally decided to stop being a therapist.  Desidido na ito kaya naman lakas loob siyang pumunta sa kabilang bahay.



'Relax, Cara Sienna. All you have to do is to tell them you need to go home and fix some important things.'



Uuwi naman talaga ito. Hindi nga lang sa kanilang bahay kundi sa kanyang ate.



"Basta hindi kay kuya, " she murmured. Sa loob-loob niya ay hindi niya pa kayang harapin ang kanilang nakakatandang kapatid.



Pagpasok sa gate ng mga Mondraleco ay dumiretso ito sa sala. But instead of going straight to Cody's room, her head tilted to the kitchen room. Naamoy kasi nito ang isang ulam na matagal na niyang hindi natitikman. She missed the smell and the taste of it dahil isa ito sa kanyang paboritong ulam simula pagkabata.



Simula ng manirahan ito sa Buena Suerte ay hindi na siya nakapag-luto ng mga paborito n'yang pagkain. Dahil mas marami pang oras itong rumaket kaysa makakain ng maayos. Paano ay kung hindi frozen food ay cup noodles naman ang kinakain niya dahil ito ang pasok sa kanyang budget.



"Good morning, iha. Anjan ka na pala. " Bati sa kanya ni Mrs. Mondraleco habang naghihiwa ng kamatis.



"Have you eaten yet? I'm cooking sinigang. I know this is your favorite." The old woman added as she smiled.



Sa tanong ng ginang ay agad na nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ang dalaga. She just then remembered she hadn't eaten last night's dinner dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay.



"Yes po, that's my favorite. Mom used to cook this when we were kids. However, baging busy po kaming magkakapatid kaya bihira po kaming makauwi sa bahay at magkita." She felt sadness saying those words.



Bigla itong nakaramdam ng pangungulila sa ina. Batid niyang pwede naman siyang umuwi sa kanila anytime. But then again, seeing his brother was the reason she didn't want to go home.



" Oo nga pala, iha. I haven't seen your parents."Napatingin ng ginang sa kanya." I mean, do they not visit you? Or do you have plans to visit them? "



Sa dami ng tanong ng kaharap ay hindi ito nakasagot. Nakaramdam namang si Mrs. Mondraleco kaya agad itong humingi ng paumanhin.



"Oh– I didn't mean to ask those questions." Paghingi nito ng paumanhin at muling ibinaling ang atensyon sa niluluto.

LSS: Knock On the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon