Chapter 8

4 3 6
                                    



"Mom?"



Ang mga mata ng dalaga ay namilog dahil sa gulat. Her mom was looking at her wondering what took her so long to open the gate.



"S-Sino po kasama niyo?" She immediately looked to the sides to check if someone was with her mom.



Maging ang ina ay nagpasilip-silip sa paligid. "Ah– You think it was your brother, don't you?"



She was silenced. Bago pa humaba ang kanilang diskusyon ay inaya na niya ang ina papasok sa bahay. Alas-sais na din ng gabi at paniguradong hindi pa kumakain ito.



"Mom, why don't you take a rest in my room. I'll just prepare food for dinner."



Mrs. Bienville smiled at her and nodded. This is her first time hearing her prepare food. Sa bahay kasi nila ay hindi naman talaga ito marunong magluto. Kaya ngayon ay parang nakukumbinsi siya nito na kaya niyang mamuhay mag-isa.



In a far distance, Casie walked straight to the kitchen worried not to find anything for dinner.



Palingon-lingon ito sa kanyang kusina at nag-iisip kung may nakatago pa ba siyang stocks. She doesn't even know when the last time she went to the grocers. Hindi pu-pwedeng wala siyang maihain sa ina dahil panigurado ay makakarinig siya. Worst is, baka lalo siyang pauwiin nito.



'Jusko mahabaging, Panginoon.'



Pagkabukas nito sa huling cabinet ay agad na nag-ningning ang kanyang mga mata. Mabuti nalang at may naka-plastic na kung ano. Agad niya itong kinuha atsaka naman binuksan ang kanyang ref.



'Puro tubig.'



Ngunit kung sinuswerte ka nga naman ay mayroong mga pulang itlog at kamatis. Knowing her mom, she knew she would love it.



'Pwede na 'to!'



Halos isang oras na ang nakalipas ay napag-pasyahan ng ginang na bumaba papuntang kusina. Nakaramdam na din kasi ito ng gutom kaya namna dali-dali nitong hinanap ang anak. Pagpasok ay nakita niyang abala ito sa pagsasandok ng kanin.



"Oh, ma! You're just in time. Come on, let's eat!" Pag-aaya nito.



Mrs. Bienvielle gave a sweet smile as she sat down and waited for her daughter to serve her. How she missed her so much!

LSS: Knock On the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon