7th

92 2 0
                                    

Chapter 7

Naging close na rin kami ni Kiarra. Nagkakausap kami sa chat kapag nanghihingi ako ng tulong at kapag inaasar ko siya. Nalaman ko rin kung bakit niya nasabi sa akin iyong mga salitang iyon noong pinili ni Zette na sumama kay Gaudence matapos magpaalam sa amin.

May gusto si Kiarra kay Jaspher. Taga-ibang major iyon at may girlfriend na ngayon. They're friends at ngayon medyo lumalayo na siya. Ayaw niya raw magmukhang third wheel. Alam niya naman na raw ang boundaries niya kapag may girlfriend na ang isang tao.

Kahit kami. Kaya nagkakausap lang kami kapag talagang school works or kaunting asaran.

Dahil sa huling nangyari doon ako napaisip. Deserve ko ba ang ganito? Baka ako na lang naman talaga ang humahawak sa usapan. Hindi ko naman na makita si Zette.

"I'm really sorry for the last time, Palm. Marami lang talagang problema."

At naiintindihan ko naman na ang lahat.

"Malayo ka sa kanila. Hindi mo ba naisip na lumipat na lang sa malapit sa kanila?" tanong ko. "Ilang kilometro, halos lampas isang oras na byahe. Kung nandoon ka malapit ka lang."

Parati kasi siyang nauwi na lang bigla kaya hindi ko rin alam ang nangyayari. Ayaw ko naman panghimasukan dahil ayaw ko magtanong. Hindi ako ganoong tao.

Kung hindi mo sasabihin... hindi ako magtatanong.

Pansin ko naman na wala na talaga ang atensyon niya sa akin. Nagkakasama lang ata kami kapag same kami ng klase pero pag hindi na... hindi na. Ni hindi na nga kami nakagala or hindi na siya nakakapunta sa bahay.

"Palm."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti saka ako sumandal sa upuan.

"Huwag na natin paabutin ng finals, Zette." Natigilan siya sa sinabi ko pero nakangiti ako habang sinasabi iyon. "Hindi natin mapipilit."

Nakayuko lang siya kaya kaagad ko siyang hinila saka umakbay. Alam ko naman naguguilty siya. Wala eh pareho naman namin ginusto. Minadali ang lahat. Basta-basta pumasok sa bagay na ganito.

"Magkaibigan pa rin tayo. At hindi iyon mababago. Tsaka nagdesisyon tayo para ienjoy diba? To explore sadyang siguro nga hindi talaga."

"What if sa finals na lang?" tanong niya pa habang nakanguso. Umiling ako. "Bakit?"

Wala naman ng mababago eh. Magiging ganito at ganito pa rin naman talaga. Siguro nga mahirap talaga kalimutan ang pinakauna mong minahal. Minahal ka man nito pabalik o hindi.

"Wala namang mangyayari patagalin man natin o hindi. Tama lang na ganito."

Hindi ganoon kasakit lalo na at mutual understanding naman. Siguro may panghihinayang pero ayoko na kasi ipagpatuloy iyong alam ko na wala naman talaga. Si Zette iyong tipong madaling mahalin pero hindi rin siya iyong tipong madali kang mamahalin. Lalo na at may laman na ang puso niya. Hindi man ito aware at manhid lang talaga ang isang iyon.

"I'm sorry, Palm. Kasalanan ko."

Umiling ulit ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. Pareho naman namin itong ginusto.

"We both agreed to this, Zette. Huwag kang sakim." Tumawa ako dahilan para hampasin niya ng bahagya ang kamay ko. "Dalawa tayong nagdesisyon. Hindi mo solohin ang lahat. Hindi iyon ganoon. Ginusto kasi gusto ko. Ginusto mo kasi gusto mo. Well... nag-enjoy ka ba na kasama ako?"

He nodded.

"Kahit mukha kang siraulo at walang pakialam... ramdam ko na hindi ka plastik, Palm. Hindi halata but you're good person."

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon