6th

100 4 0
                                    

Chapter 6

Mas nagustuhan ko ang mga maong na pormahan. Nakakaangas lang kas mainit nga lang talaga. Syempre iyong mga hindi ko ginusto kapatid ko na naman ang nagkaroon ng pera.

Lumipas ang midterm doon ko narealize na siguro nga talaga hindi para sa lahat ang college. Maliban sa pera, siguro pakapalan ng mukha na lang talaga. Iyong tipong sa high school hindi ka matatakot bumagsak kasi baka marami naman kayo. Sa college halos lahat ng makikita kung hindi may talino, may sipag sa pag-aaral.

Parang nakakahiya na ang bumagsak pero wala ka pa rin naman talagang pakialam. Okay na nga ang tres basta hindi bagsak. Swerte ka na doon pero sa amin na educ student hindi pwede iyon. Pwede kaming alisin sa education department at pumili kung lilipat ng department o lilipat ng school.

Akala ko pwede pa ang tres. Pag educ pala hindi pwede. Masaya sana kung pwede.

Angas-angas ko tapos nag-edu. Wala talaga naniniwala na future teacher ako. Ano raw ba ituturo ko? Hindi naman daw bagay sa akin. Dami nilang mapanghusga. Okay lang naman kabado nga rin ako kung aabot ako ng 4th year.

Syempre sa sarili ko naman pwede ko naman ituro ant pagmamahal sa bayan, ipagtanggol ang sariling bansa. Maging mandirigma para sa kasaysayan.

"Kuya, baliw ka na." Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko dahil sulpot nang sulpot. "Ba't patango-tango ka diyan? Nakapanglumbaba ka pa. Kailangan mo na bang dahil sa mental hospital? Nabaliw sa kursong kinuha?"

Hindi na napigilan ng kamay ko at naibato ko sa kaniya ang isang supot ng plastik para sa yelo. Hindi na siya nakailag kaya naman ginantihan ako at binato ng tsinelas.

"Umalis-alis ka sa paningin ko, Pauline! Nagdidilim paningin ko sa'yo!"

Pareho sila ni Zette na pasaway na bunso. Sa tuwing nagkikwento siya pagdating sa kuya niya ay parating siya ang talagang pasaway.

As of today hindi pa naman kami masyado focus sa lesson planning. More on talaga reporting. Kulang na lang iisipin ko ba't sila ang sumusweldo eh kami naman gumagawa ng trabaho nila?

Kami ang nagrereport. Kami ang gagawa ng quiz para sa klase. Kami magchicheck kung kami reporter at nagrerecord tapos ipapasa na lang sa kanila tapos sabi nila may mga instructor or instructress pa na batak magbigay ng dos.

Kaso bigla kaming sinampal ng katotohanan. Hindi na raw kami high school. At kailangan namin maimaster ang 21st century skills lalo na at future educator kami. Okay talaga manggaslight mga teacher diba?

Nang after midterm continuation lang naman ng lahat ng pinaggagagawa namin noong bago magmidterm. Patuloy sa reporting at kung ano-ano pang mga extra curricular activities. Sumali ako sa basketball noong intrams. Buti hindi kami magkasame group ni sir.

Doon mo pa kailangan umattend para sa attendance. Kailangan mo sumali sa mga laro para sa future clearance. At kung ano-ano pa. Ang daming mga bagay ang inirirequire at wala ka namang choice.

Ngayon last day na at tapos naman na kami sa game. Si Hail ay tumulong lang sa team nila sa paggawa ng props, at kung ano-ano para may ambag siya at mapirmahan ang clearance. Iyon lang iyon.

"Akala ko sa high school lang uso irequire ang ganito! Hindi ba nila gets na hindi lahat gusto ang mga program at sports na ito? Para makipagkaibigan sa iba? Connection? This is just a waste of time." Umiling na lang ako sa pagmamaktol ni Hail. "Uwing-uwi na ako pero iyong attendance itinatago pa. Mamaya na ulit ang time out."

Kanina pa siya nagrereklamo kaya wala na rin akong magagawa kundi hayaan siya. Baka mas gumaan ang nararamdaman niyang inis.

"Kain tayo?" tanong ko.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon