8th

82 2 0
                                    

Chapter 8

Akala ko dati hindi totoo na nasa 3rd year ang pinakamahirap sa college. Hanggang sa naranasan ko. 3rd year nga ang hell year sa college. Umaga pa lang nangangamoy ng katinko, vicks, at kung ano-ano pang panghaplas sa katawan. May nga baon na ngang plaster patch at salonpas ang iba.

Sunod-sunod na reporting. Sunod-sunod na demo teaching. Sunod-sunod na output. Sunod-sunod na quizzes. Lahat na ata ng oras namin nauubos na sa mga gagawin. Second sem dahil iyon na ata ang pinakamaraming units na natake ko habang nasa college.

Buti na lang at sinusuportahan naman ako ni mama. Kaya ako na talaga ang nagbabantay sa tindahan most of the time. Nasa OJT naman na ang kapatid ko kaya wala sa bahay.

"Kumusta mga documents mo, Palm?" tanong ni Hail habang pinapacheck namin final lesson plan namin sa isang subject kay Kiarra. "Ano na lang kulang?"

"Form 137. Kukuha pala ako ng request letter. Ikaw tapos na?"

"Sabay na tayo kumuha. Wala pa akong letter eh." Tumango naman ako. "Kumusta, Kia?"

"For me okay naman naman siya. Hindi tayo pareho ng lesson plan kaya medyo hindi ko rin siya masabi na perfect." Lumipat si Hail sa may likuran ni Kiarra saka bahagyang yumuko. May mga sinabi pa si Kiarra at matapos iyon ay kinuha ni Hail ang printed na lesson plan niya saka binasa na ulit sa kinauupuan niya. "Sa'yo, Palm may suggestion ako."

Pinakinggan ko ang bawat sinabi niya dahil ayoko na rin magreteach kung sakali. Kapag kasi mali-mali ang flow ng lesson pwedeng mapareteach kami.

"Kia, sana all may utak na ganyan." Tinampal niya ang braso ko bago tumayo.

"May pasok na ako. Ingat kayo and good luck. Kunin niyo na dapat niyong kunin bago pa maglunch. Pareho pa naman kayo ng ugali."

Nagkatinginan kami ni Hail saka niya ako pinagtaasan ng kilay.

Matapos ko ayusin ang unang page ng lesson plan ko ay inaya ko muna si Hail na kumuha ng request letter sa registrar. Ako ang kumatok at naunang pumasok.

"Kukuha po sana kami ng request letter."

"Para saan?" tanong ng isa sa faculty staff.

"Sa ano po form 137 sana."

"Kay sir Miah." Nilingon ko si Hail saka sumenyas na sumunod.

"Thank you po." Pareho naming sambit ni Hail bago sila nilampasan para puntahan ang table ni sir.

He's wearing a white short sleeves and a black slacks. Nakagel din ang buhok kaya maayos. Inaamin ko na minsan ko na lang din siya makita. Hindi na namin siya nagiging instructor. 1st year lang talaga.

Peke akong umubo bago siya nag-angat ng tingin. Umayos siya ng upo bago inayos ang salamin.

"Hi, sir. Good morning."

"Ano kailangan niyo?" tanong niya sabay lingon sa likuran ko kung nasaan si Hail.

"Request letter po. Kukuha po kasi kami ng form 137, sir." Sabat ni Hail na nasa tabi ko na.

"Same school?" tanong niya.

"Hindi po," sagot ko.

Tumayo siya tsaka kumuha ng logbook. Iniabot niya iyon sa akin bago siya kumuha ng ballpen.

"Logbook muna kayo."

Sinulat namin ang information na hinihingi. Habang si sir naman busy sa pagkuha ng papel at nagstamp bago pumirma. Nang matapos si Hail ay iniabot ko ito sa kaniya.

"Okay na po, sir."

"Malapit na pala kayo ah." Napatango ako at ngumiti naman si Hail. "Good luck sa internship niyo next year. Kaya niyo iyan. Kunting kembo na lang."

Matapos niya maiabot ang letter sa amin ay nagpasamalat na kami.

"Palm, need ng basketball player. Kukunin kita ah."

"Para saan, sir."

"May laban tayo sa ibang mga state university. Bigla lang din kami nasabihan na sasali. If okay ka ako bahala umayos ng schedule and sa lahat."

Kaagad ako napaisip. Ang dami gagawin.

"Sir, paano iyan. Dami namin demo teaching and etc?" tanong ni Hail kaya napalingon ako saka sumang-ayon.

"It's either pwede siyang unahin or ipanglast. Depende sa magiging usapan. Tsaka hindi naman whole day ang training. Gagawa naman kami ng excuse letter. At ako na bahala pero syempre kay Palm pa rin ang gawa lalo na aa output and etc."

Tumango-tango si Hail.

"May 1 month lang tayo to train. 3 days lang din tayo sa venue."

"Pwede pag-isipan, sir?" tanong ko.

Tumango siya saka naupo na ulit.

"Just chat me. I need your answer at least hanggang bukas. I need to find someone if ayaw mo." Tumango ako.

Pagkalabas namin sa registrar ay kung ano-ano na naman ang sinabi ni Hail.

"Sali ka. Si sir naman daw bahala eh. Sa notes don't worry nandito naman ako. Kahit wala kang laro nakaasa ka naman sa akin pagdating sa notes eh. Tsaka sayang opportunity, Palm. Pwede ka na magkaroon ng award sa graduation."

Sinabi ko kay mama ang tungkol doon. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin. Kailangan ko na second opinion maliban sa opinion nina Kia at Hail.

"Sige na."

"Pero ang tindahan, ma." Natawa siya saka sinalinan ng coke ang baso ko. "Paano natin bubuksan kung parati akong wala?"

"Just go, Rainier. Buksan kapag may tao, kapag wala eh di wag. Sayang ng opportunity. Sige na."

"Sure ka?" tanong ko. "Ang tagal kasi ni Pauline eh."

Pero ilang buwan na lang gagraduate na siya. Sana all. Mauuna pa sa akin.

"Sige na. Sabihan mo na sasali ka."

Matapos ang usapan namin ni mama ay dumiretso na ako sa k'warto ko saka nahiga sa kama. Napatitig ako sa kisame habang nasa may dibdib ko ang cellphone ko.

"Hayst! Bahala na nga!"

Palm Rainier Alfredo:

Hi, sir. Good evening. Tungkol po pala doon sa napag-usapan natin kanina. Sasali po ako. Basta ikaw bahala sa akin, sir? Iyon lang po, sir. Thank you.

Kaagad naman niyang inaccept ang message requests ko dahil hindi naman kami friend. Nagulat ako na typing kaagad siya.

Jeremiah Johnson Sandoval:

Hello, Palm. Good evening. Thank God! I thought hindi ka na sasali. Don't worry ako bahala sa mga instructors/instructress mo. Isesend ko sa'yo baka Sunday na gabi ang schedule ng training. Iyong mga hindi masasagasaan ng training ay papasukan mo pa rin ah. Kung may mga demo teaching kang nakaline up pag-uusapan natin kung ano ang way na gagawin. Thanks, Palm. I'm glad na pumayag ka. See you!

Napangiti ako dahil kanina pa ako nakangiti habang pinapanood na typing siya. Ang haba pala talaga ng itinype niya. Napailing ako saka ko paulit-ulit na binasa ang mensahe na galing sa kaniya.

"Nak, mapupunit na labi mo diyan." Kaagad ako napalingon sa may pinto at nakasilip si mama.

"Ma!"

Natawa siya kaya napaupo ako kaso sa kasamaang palad dumulas sa kamay ko ang cellphone ko dahilan para mahulog sa mukha ko bago pa man ako mapaupo.

"Hay naku, Rainier." Napahawak na lang si mama sa noo niya bago ako iniwan.

Kailangan ko na talaga ayusin ang pinto ng k'warto ko. Bukas na bukas ay aayusin ko na. Basta-basta na lang si mama nasilip. Hindi nakakatuwa.

Ba't ba kasi nasira ang pinto ko?! Ba't nga ba ako nakangiti kanina? Weird!

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon