Kabanata 1

80 6 0
                                    

Ahgg! Kainis! Kanina pa kasi parang umaambon sa likuran ko, ramdam na ramdam ko ang tubig na winiwisik sa likuran.

Lumingon ako sa ikasampong beses sa likuran, ganon pa din! Umiwas nanaman sila ng tingin! Mga gago talaga 'oh!

Binalik ko nanaman ulit ang tingin sa harapan. 'Ewan ko ba, lakas ng mga trip ng nasa likuran kahit nandito pa ang teacher na nag tuturo. Ganito ba talaga palagi mararanasan ko sa tuwing bagong salta ako sa isang unibersidad?

Kaya laging nauuna ang pangalan ko sa gulo dahil sa mga pinaggagawa rin nila! Hayy! Ewan ba, sadyang lapitin lang rin siguro ako ng gulo.

“Ano ba! Hindi ba talaga kayo titigil?!”nanggagalaiting tanong ko at napatayo na marahil sa subrang pagtitimpi.

Kanina pa 'eh! Kanina pa! Hindi ko alam kung nanadya ba ang mga bulinaw nato! Kakaalis pa lang ng guro kaya ngayon lang ako nakatyempo, kanina kasi purong pagtitimpi ang ginawa ko habang nagtuturo ang guro, nagiging miserable ang buhay ng buhok ko sa likuran!

“Sinong gumawa?!”

Napapitlag sila sa gulat dahil sa pagsigaw ko ay syang pagkalampag ng bangkong hinampas ko.

“Siya!”

“Anong ako?! Siya yon!”

“Hindi ako pramis! Silang dalawa lang 'yon!”

Putik na yan! Nagtuturuan na silang tatlo! Ang ibang lumabas na ay kaniya kaniyang silip sa bintana at pinto.

Huminahon ako bago dinampot ang bag, hindi naman talaga dito ang Section ko. Dumaan lang ako tapos akala nong guro kanina isa ako sa mga kabilang dito sa Section nato. Pinagalitan pa nga ako kanina kasi daw bakit late ako at balak pang lumampas.

“Miss a—”

“Tabi!”kinabig ko ito.

Haharang harang ba naman kasi! Pinaligid ko ang paningin sa mga studyanteng nakiusyosu kanina, masyado atang napalakas ang boses at kalampag ng bangko kanina kaya pati napapadaan napapahinto rin.

Napano?”

“Bago ba siya dito? Ngayon ko lang siya nakita rito.”

Naano yung kumalampag?”

Nagkainitan siguro, paano sira din  kaya ang tatlong 'yon.”

“Bakit umalis?”

Kaniya kaniyang bulungan sa paligid, bulong pa ba yon? Kulang nalang kasing lakasan kaunti kasi hindi ko marinig sa mahinang boses nila.

Bumaba ako ng building at hinanap ang nasa registration papers ko yung Section na papasukan ko talaga.

Expelled ako sa dating pinapasukan ko dahil sa hindi na kinaya yung records ko sa school, away dito, away doon. Ilang beses na rin akong winarningan, pero ang gulo ayaw patinag! Chasing after me, ba naman ang gulo!

'Wala nakong nanay, ang sabi namatay daw matapos akong pinanganak. Tapos ang tatay ko naman nakapag asawa na ulit at may dalawang anak na. Ewan, wala akong balita pero close kami ng dalawang anak niya. Mula ng makapag asawa siya lumayo nako, hindi ko na siya ginulo, sila ng bago niyang pamilya. Hindi ako nagpapakita sa kaniya tanging sa dalawang half brother at half sister ko lang, pero palihim.

Pati nahihiya akong magpakita sa kaniya, siguro saka na kapag maayos na ang buhay ko. Kapag hindi na kahiya hiya ang reputasyon ko sa school. Kapag malinis na ang pangalan ko.

Tumingin ako sa huling building, nasa tatlong palapag ito ang kaso subrang tahimik naman. Dito ba talaga 'yon? Pumasok nalang ako sa loob sa unang palapag halos lahat sarado, umakyat ako sa ikalawang palapag. Unang bumungad ang sirang pinto, ganon din sa ikalawa, ikatlo at ikaapat, sa ikalimang kuwarto ay maayos pero nakasara, sa huling kuwarto which is pang anim bukas at may bangko pa sa labas.

Sumilip ako sa bintana at may nakita akong kalalakihan na nakaupo sa kaniya kaniyang mga upuan at may guro din sa harapan.

Ewan pero parang may kakaiba akong naramdaman, 'ah bahala na! Tumuwid ako ng tayo sa harapan ng pinto, busy ang Sir kaya hindi pa napapansin ang presensya ko.

“A-ahmmm......”

Syugggi! Lumingon ang Sir at tinignan ako!

“Yes?”

“D-dito p-po ba ang.... S-section Six?”

Paninigurado ko lang, baka mamaya mapagkamalan nanaman ako nito gaya ng kanina!

“Ikaw ba ang Transferee? Kanina ka pa hinihintay namin.”Sambit nito sakin at naglakad patungo sa harapan ko.“Ako nga pala si Sir Vince Linkan, ang Adviser ng Section na ’to.”Pakilala nito.

Marahan akong tumango sa Sir.“O-opo..”sagot ko.

Hinatak ako nito papasok sa loob at tinuwid na pinatayo sa tabi niya. Umingay ang mga studyante kaya napatingin ako sa kanila, puro lalaki at nasa labing isa lamang sila. Bakit parang may mali ata?

“Class! Tumahimik!”sita ng Sir.

Tumahimik naman ang mga studyante, may ilang ngumiti sakin at ang Ilan naman tinignan lang ako.

Suminyas ang Sir.“Introduce your self.”Utos nito.

Muli akong tumingin sa mga studyante.“H-hi!”bati ko sa kanila.

“Hello!”sabay sabay nilang bati pa balik. Shuxx.

“M-my name is Jastine Ace Arcadian, you can call me Ja  for short. I’m from Truly Sins Highschool.”

Suminyas ang Sir na maari nakong maupo, humanap kaagad ako ng mauupoan. Pumagitna ako kung saan nakatapat ang Ceiling Fan. Nagpaalam na umalis na ang Sir.

Napatingin ako sa taong lumapit sakin, nakangiti ito kaya ngumiti rin ako.

“Hi! I’m A—”

“Asan ang babaeng pink ang mata?!”sigaw ng kung sino sa labas.

Tumayo ang mga kaklase ko maging ang lalaking nasa harapan ko ay nandoon na ang attention ngayon sa may pinto.

Patay! Ako 'yon! Pink kasi contact lens!

“Kailangan nyo?”mahinahong tanong ng isang lalaking half-violet ang buhok at sumandal sa gilid kung san nakatayo ang lalaking nanggagalaiti.

“Nasan ang walang'hiyang babaeng 'yon?!”

“Ilalabas namin kung sasabihin niyo ang kailangan niyo.”

“Kinabig niya ang kapatid ko! Maraming nakakita sa kaniya! Kaya ilabas niyo ngayon din!”

Ano nanaman to Jastine Ace! Lintik yan! Unang araw, unang gulo! Dahan dahang lumapit sakin ang lalaking violack ang buhok. Yun bang half violet at black!

Hinatak ako nito.“Siya ba?”tanong nito sa lalaki sabay turo sakin.

Masamang masama ang tingin nito, hindi siya sumagot at walang pasabing sumugod sakin. Pero bago niya ako maabot hinatak nanaman ako ng may hawak sakin sa likuran niya.

“Umalis ka! May utang ang babaeng pesting 'yan sa kapatid ko!”

“Hindi siya ang magbabayad....”binalingan ako ng lalaki.“...... Section Six alam niyo na..”aniya at hinatak nanaman ako sa kung saan.

Pagkasabi non isa isang nagsilabasan ang mga lalaki. Nagtataka ako kung bakit? Bakit ganito? Kakaiba!

Bago pa man ako tuluyang dagitin nitong may hawak sakin sa kung saan, ng bigla nalang may humila sa kwelyuhan ng damit ko sa likuran.

“Ano ba?! Gago 'ka ba, bitiwan moko!”

Huli kong napagtantong siya na ngayon ang may hawak sakin at yung violack ay hawak ng kasamahan nitong ugok!

“Akala mo makakatakas kana?!”sigaw nito na nagpagulat sakin.

'At dahil sa gulat suma demonyo ang kamay ko at nagkusang lumanding sa pagmumukha niya, 'eh sa nagulat ako sa sigaw niya 'eh!

Masama ang tingin nito sakin habang nakahandusay sa sahig. Lakas kasing maka piste ang sigaw niya!

'Nagimbal tuloy ang natutulog na demonyo sa sistema ko't ang tinik ng tuyom sa utak ko nag kusang tusukin ang nasa loob.

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now