Kabanata 8

24 4 2
                                    

Iyong pakiramdam na bigla kang tinamad pumasok, 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Kahapon lang ako na discharged sa hospital, hindi ko pinaabot ng hanggang hapon dahil hindi ko talaga kayang tumagal sa lugar dun.

Si Abuela (Lola) ko pala ang sumundo sakin kahapon, umuwi talaga siya matapos malaman ang nangyari sakin.

“Miss. Jastine, ready napo ang breakfast pinapababa napo kayo ni Madame.”Anang boses ng isang kasambahay ni Abuela.

Tumayo ako at sinukbit na ang bag.“Susunod po ako!”sagot ko.

Taray! Kaya gusto ko rito kasi dalagang-dalaga ang paraan ng pagtawag nila sakin!

Bumaba ako at dumiretso sa dining area, sa dorm ko sana ako uuwi kaso ayaw pumayag ng Abuela ko. Ang ending dito ako dinala sa bahay niya, pinakuha rin lahat ng gamit ko sa dorm at dinala dito. Kasi nga raw dito nako titira sa kaniya. Ulit.

Pagkapasok ko nakita ko siyang may hawak na dyario at presentableng naka-upo.

“Umupo kana, ma-le-late ka pag hindi mo bibilisan,"sabi niya ni hindi manlang tumingin sakin.

Busangot kong nilapag sa isang bangko ang bag ko at umupo na.

Sa totoo lang takot ako kay Abuela, kasi nanghihila ng patilya at singit! Sa kanya kasi ako lumaki doon sa probinsya, kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit takot ako sa kanya!

“Abuela k– sabi ko nga shut up,”napanguso ako dahil ang seryuso ng tingin niya sakin.

'Iyon bang seryuso na parang gusto na akong tuhugin sa nagbabagang stik! Kumain nalang ako ng tahimik, kaya nga umalis ako sa puder niya para makatakas ang kaso! Huli nanaman ako.

“Ihahatid ka ni Tyler,”sabi niya habang nakapaywang sa harapan ko.“Umayos ka! Hihilahin ko talagang magkasabay ang singit at patilya mo kapag may ginawa ka nanamang kabulastugan,”banta nito sabay pihit paikot ng magkadikit niyang dalawang daliri na ginagamit niya pangkurot sa ere na parang pumihit ng susi sa aparador niya.

Napangiwi ako sabay dikit ng legs ko at takip ng bag, ini-imagine ko palang parang tutulo na luha ko eh!

Tatawa-tawa itong tumingin sa reaksyon ko, masaya talaga siyang nakikita sa mukha ko ang takot sa kanya. Eh, kasi naman!

“Kunti nalang magmumukha kanang pato,”pang-aasar ni Talyer na sinabayan pa ng tawa sa dulo.

Tinadyakan ko ang isang paa niya kaya napangiwi at namimilipit ito, padabog kong sinara ang pinto ng kotse matapos sumakay.

Asar kasi! Hindi ko talaga feel ang pumasok, sa totoo lang masama pa kunti ang pakiramdam ko. Inirapan ko si Talyer ng sumakay na ito, tunog Talyer kasi talaga ang pangalan niya. Hindi ko alam na pati pala siya sinama ni Abuela’ng umuwi rito, sabagay loyal driver at personal assistant ni Abuela ang isang ‘to.

'Parang mandurugas ang isang ito pero ubod naman ng handsomeness, crush ko nga siya slight. Nakakabusit kasi talaga ang isang ‘to!

Bintang-binta ang pangbubuwiset niya sakin habang nasa byahe, balak ko nga sanang butasin ang gulong nitong kotse kaso natatakot ako kay Abuela ko! Everytime ba  namang ready ang kamay niyang masakit manghila ng patilya at singit!

“Hindi kana pink eyes ngayon,”natatawang sabi ng hamog sa likuran ko.“Tanga-tanga mo kasi, umalis nga nahuli naman sa hospital pa!”humagalpak ito ng tawa.

Kainis kasi! Ayaw ni Abuela na may suot akong contact lens! Masilan pa naman ang mata ko sa sinag ng araw, kaya paano ngayon?! Mahihirapan ako for sure mamaya, ang hassle naman!

Itulak ko kaya siya sa hagdan? Bakit ba kasi siya pa? Bakit din ba pinayagan ko siyang ihatid ako sa room?

Sinadya kong tisurin siya gamit ang isang binti ko.

“Pvtang'na!"malutong na mura niya marahil halos masubsob ang mukha niya sa; sahig.

Tumawa ako.“Sinong tanga ngayon?”masama itong nakatingin sakin.“Sahig o Ikaw?"sarkastikong tanong ko.

Hinablot ko ang bag na hawak niya at iniwan siya, aber kahit crush ko siya makakalimutan ko talaga dahil sa init ng dugo ko kapag nandyan siya! Halos malaglag ang panga at halos matanggal ang mga eyeball nila nong makapasok ako, problema nanaman ng mga hunghang nato?!

Yawa, pre sapakin mo nga ‘ko!”

Pvta! Panaginip ba ‘to? Please h'wag akong gisingin!”

Hayk, ang gandaaaaa....”

Hulog na nga ako nong pink pa ang kulay ng mata niya, ngayon subrang hulog na hulog na talaga..”

Sasambahin!”

Pakakasalan!”

Totropahin, lagot ako kay labs ko..”

Napakamot ako sa noo dahil sa kawerduhan nila, maging si violack halos hindi na kumurap. Si Ji-EL naman halos kasya na sa bibig niya ang lumang aparador na paborito ni Abuela sa probinsya dahil sa subrang laki ng nganga niya.

Abnormal nanaman sila!

Ilang minuto ng pumasok si Sir Linkan, halos umabot rin ng ilang segundo matapos nitong tignan ako.

“W-who are you? Why are you here?”tanong nito.“Where’s Ms.Arcadian?”tanong nanaman niya at pinaligid ang paningin sa buong klase.

Napatanga ako sa huling narinig, hano raw? Nasan ako? Haler?! Tinitigan niya nga ako, patawa rin.

“S-sir nandito po ako!"sabi ko sabay taas ng kamay, kumurap-kurap itong tumingin sakin.

Kaasar! Kasalanan talaga ni Abuela to! Hindi tuloy ako nakilala ng kaklase at adviser ko!

Habang nagtuturo si Sir nahuhuli ko silang pasimpleng tumitingin sakin, baka may kanin pa ako sa gilid ng labi kaya sila panay tingin sakin.

Maging sa kasunod na subject ganon parin, hindi nalalayo sa naging reaksyon ni Sir Linkan ang nagiging reaksyon ng mga teacher. Weird!

“Ms.Arcadian, wala ka ba talagang middle name?”tanong ni Ma’am Cath.

Napakamot ako sa batok.“A-arcadian po talaga ang middle name ko,”sagot ko.

Kumunot ang noo nito.“So what's your last name then?”tanong nanaman niya.

“Lim po, Lim po ang last name ko.”

Mula sakin lumipat ang tingin niya sa katabi kong batang ungas na ngayon ay nakatingin sakin.

“Kaano-ano niyo ang isa’t-isa ni Mr. Jiro Eldren Lim?”panibagong tanong nito.

Tumahimik ang lahat tanging paghinga lang namin ang naririnig naming ingay. Jiro....

“P-po?”sabay na tanong namin pabalik ni Ji-EL.

“Your middle name and last name are s– kring*”hindi natuloy ni Ma’am ang dapat niyang sasabihin sana ngunit biglang tumunog ang bell.

Break na!!!

Hindi ko tuloy maintindihan, nagsilabasan na silang lahat habang ako parang pinako ang puwet sa bangko dahil nanatiling nakaupo parin ako. Ano ba dapat ang sasabihin ni Ma’am?

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now