Kabanata 12

28 3 5
                                    

“Bakit ba ayaw mong makita ang Papa mo?”intrigang tanong ni Talyer habang nagmamaneho.“I mean, sabi mo na-mimiss mo tapos ayaw mo naman makipagkita man lang,”paglilinaw niya ng taasan ko siya ng kilay sa rearview mirror.

Bumuntong hininga ako, bakit parang ambagal naming umusad? O sadyang binabagalan niya ang takbo ng kotse?

“Pati ba naman ikaw?!”iritableng tanong ko.

Akala ko ba naiintindihan nila ako? Bakit parang hindi naman ata.

Umiling ito.“Hindi naman....curious lang naman..”sabi niya.

“Kung tungkol sa kanya lang ang itatanong mo....mas mabuting ihinto mo nalang ang kotse at bababa nako.”Baka sa kanya ko maibunton ang nararamdaman ko.

He obeyed, walang pasabi akong bumaba.

Nilakad ko nalang papunta sa school at ng makarating ay pinakita ko agad kay manong guard ang I'd ko, pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante pero ang matatalim na tingin lang ang nakakuha ng atensyon ko. 'Iyong pamilyar na dalawang babae. Hindi ko nalang pinansin at lumakad na tungo sa building ng Section Six.

Kumunot ang noo ko ng makita silang nagkukumpulan sa isang sulok, humihiyaw pa.

“Isa pa! Banatan mo!”rinig kong hiyaw ng isa sa kanila.

Obvious namang kaklase ko ang mga nagkukumpulan, sumilip ako kung anong ginagawa nila na sana hindi ko nalang ginawa.

Si Ji-EL na hawak sa kwelyo ang isang lalaking puro dugo na ang pagmumukha hindi parin tinitigilan ni Ji-EL.

“Anyari?”tanong ko sa katabi kong hindi ko pa kilala.

Oo, kaklase ko na hindi ko pa kilala. Hindi ko rin naman kinikilala ang mga pangalan nila.

“Ayun....binastos kasi ni Drix si Sam kaya kuhang-kuha si Ji-EL..”sagot niyang hindi ko maintindihan.

Ewan ba, dahil rin siguro nangingibabaw ang ingay ng nakararami. Ang galing rin, lunes na lunes at umaga'ng umaga ganito agad.

“Bastusin mo na lahat h'wag na h'wag lang si Sam!”sigaw ni Ji-EL na ngayon ay hawak ng apat.

Sam? Pamilyar, ah. Saan ko nga ba narinig? Pamilyar talaga. Sumingit ako kasi naman! Nakaharang pala sila sa may pintuan! Tss. Dito pa talaga nagsapakan ang mga hamog.

Papasok na sana ako ng may biglang tumama sa batok ko kaya napahawak ako roon at napapikit ng makaramdam ng kaunting hilo.

“Putang'na?! Sino yun?!”inis na sigaw ko at isa-isang tinignan ang mga hamog na ngayon ay biglang napatigil sa mga ginagawa nila.

Mabilis ring nagbago ang mga ekspresyon ng mga kaklase ko, iisa lang rin ang tinitignan nilang direksyon at halos lumabas rin ang mga ugat nila sa leeg. Napano?

“Tang'na sino nga?!”

Walang sumagot kaya tumingin narin ako sa tinignan nila, isang lalaking nangangatog na ang tuhod ang nakatingin sakin.

“Ikaw?”tanong ko.

Tumango ito sabay hakbang paatras.“S-sorry....akala ko s-si Edrin..”kinakabahang sabi nito bago kumaripas ng takbo.

“Habulin niyo!”rinig kong mariing utos nino pa ba? Si Violet.

Hindi na violack kasi whole violet na!

Napanguso akong pumasok sa loob, paano nakipaghabulan rin siya.“Tang'na gusto ko lang naman pumasok, ah?! Bakit kailangan pang may mangbatok at pagkamalan akong Edrix, mukha ba‘kong lalaki?!”bulong ko sa sarili habang nahimas sa batok.

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now