Kabanata 3

28 4 0
                                    

Inayos ko ang pagkakaupo ko ng pumasok ang isang maganda at matangkad na babae. May I'd rin itong kagaya nong sa mga Teacher, malamang teacher din ito.

Napaigtad ako dahil sa padabog niyang nilapag ang hawak niyang mga gamit.“No doubt, ang room at Section niyong ito ay nababagay talaga sa inyo.”Sabi nito sa bored na tuno.

Saglit niyang pinaligid ang paningin at kunot noong huminto sakin.“Whos this girl?! At bakit mayroong babae rito?!”

“A-ako po ang Transferee...”

“Ikaw si...... Jastine Ace Arcadian?”

Tumango ako.“Yes po..”

Inayos nito ang suot niyang salamin.“You need to choose another Section. 'Kailangan mong ilipat ka agad sa ibang Section na mapipili mo.”

Pansin ko ang pananahimik ng lahat, 'tila ba pinakikinggan ang usapan namin.

Umiling ako.“D-dito na po ako ‘eh,”sabi ko.

“No, you need to transfer in another Section. 'You don't deserve to be here, to be honest this Section is totally a mess.”

Huminga ako ng malalim.“Ma’am, nasa registration papers ko po na dito daw po ang Section ko.”Sabi ko at ngumiti. Pinag-krus nito ang dalawang braso habang hindi nililihis ang paningin sakin.

“Magagawan yan ng paraan, kung ayon ang pinag-aalala mo.”

Magsasalita pa sana ako ng may biglang lumagabog sa likuran, nalipat doon ang tingin ko. Nanlilisik na sa galit ang mga mata ni violack at matatalim ang tinging pinupukol sa Teacher.

“Stop! Don’t force her! Your not the one who'll make an decision here!”mautoridad nitong sabi.

Naguguluhan na ako, hawak na siya ngayon ng lima, dahil sa itsura niya na mukha na siyang susugod at sunggaban ng suntok ang nasa harapan once na bitiwan siya ng may hawak sa kaniya.

“No! You'll the one who need to stop, Klent Ceej Servano! Anong gusto mong hintaying sugurin kayo ng isa sa mga nakalaban niyo?! How pathetic is it Mr.Servano?!”sabi nito at padabog na itinukod ang kamay sa mesang kaharap.“Mainit ang mga mata sa inyo ng mga kalaban niyo, your enemy is like a predator that!”tumigil ito bago ako tinuro.“This girl might get involved with and they will attack her like she was their prey, sa dami ng kinasangkutan niyong gulo sa loob at labas ng campus who knows? Baka magulat nalang lahat na ang inosenteng babaeng ito ay hawak na nila at maari pang gawan ng masama.”

Inosente daw ako?

Pagkasabi niya non ay hinablot niya ang kaninang nilapag niyang gamit.“Nakakawalang ganang turuan kayo,”sabi nito at tinignan muna ako.“....hihintayin ko ang magiging disesyon mo.”

Napatulala ako sa pintong nilabasan nito, ilang segundo lang ng nahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa malakas na ingay na parang may kung anong pinukpok sa pader.

“Damn! Fvcking damn this!”

Halos mabingi ako sa malakas na mura nito, ngayon ko lang rin nakita ang sirang upoan sa tansya ko na yun ang itinapon kanina.

“What now?”

“May point si Ma’am ‘eh.”

“Anong gagawin natin? Paalisin siya?”

“Hindi, hindi puwede dahil mas lalaki ang chance na mas lalong mapapahamak siya dahil alam na ng ibang grupo na dito siya pumapasok.”

Narinig kong pag-uusap nila sa likuran. 'Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari ngayon, tatayo na sana ako ng may kamay na lumahad sa harapan ko.

“Halika sa labas muna tayo.”Sabi ni Ji-EL agad kong tinanggap ang kamay niya.

Pinagpagan nito ang damit kong may kaunting dumi, inalalayan ako nito tumayo siya na rin ang nag dala sa bag ko.

“Hayaan na muna natin silang mag-usap, ‘huwag ka ring lumingon.”

Sinunod ko ang sinabi niya at lumabas na kami ang akala ko ay sa baba kami hindi pala, umakyat kami sa ikatlong palapag, tahimik lang kami pareho.

Umupo ako sa isang selya, pilit pinoproseso ang mga narinig ko kanina. Kating kati na akong malaman ang dahilan kung bakit ganon ang sinabi ng Teacher.

“Ji-EL anong meron sa Section niyo? B-bakit parang pinipilit akong ilipat?”

Hindi ko mapigilang itanong, tumingin ito sakin at ngumiti.

“Delikado,”

“Gaanong delikado para kailangan akong ilipat sa ibang Section?”tanong ko nanaman.“Ang sabi pa mess daw? Gaano ka mess, kasing mess ba ng buhay ko?”biro ko sa huli.

Nag-aalangan pa itong tumingin sakin.“Haystt, huwag mong sabihin sa kanila na sakin mo nalaman ito ha?”

Nakinig ako sa sinabi niya, sinasa-ulo ang mga nasabi. Mas lalo akong naguluhan tuloy habang kinukuwento niya lahat, umabot at natapos ang lunch na iisang topic lang pinag-uusapan namin na tungkol sa Section Six.

“Kung ganon ba maari akong madamay sa gulo?”tanong ko habang nalakad pabalik sa room.

Tumango ito ng marahan bago kumagat sa hawak niyang fries na dala ko.“Ohmmm.....kaya gusto niyang ilipat ka para mailabas ka sa gulo naming Section Six!"Sabi nito.

Napatango ako at nagpatuloy sa paglalakad, akmang papasok na kami ng may humawak sa braso ko.

“B-bakit?”

Seryuso ang tingin nito sakin.“Let’s talk..”sabi nito bago ako bitiwan.

May tumapik naman sa balikat ko.“Sige na baka importante rin.”Si Ji-EL.

Sumunod ako doon sa tinawag na Klent kanina, iyong violack ang buhok ba!

Huminto ako ng makitang huminto rin ito malapit sa hagdan. Itutulak niya ba ako?

“Lilipat ka ba?”

Tinignan ko ito, agad rin akong umiwas dahil sa klase ng tingin niya.

Bakit ba ganon siya makatingin?

“Are you listening?”

Tumango-tango ako.“O-oo, nakikinig ako.”Sagot ko.

Bumuntong hininga ito.“Then what's your answer?”

“H-ha? May question ba?”

Naiiling itong napangiti.“Tsk. Be serious I'm not joking around, just answer me Yes or No? Mananatili ka o Aalis ka ng Section Six?”tanong nito.

“If I said Yes, that I will stay?”

Sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay.“You will get involved in our mess, our enemy will hunt you if they sees you with one of the Section Six.”Sabi nito sabay turo sa isang direksyon kaya napatingin ako at nakita ang lalaking all black ang getup.“....example that person, delikado kana.”

Matunog akong ngumisi.“Ide mas lalong wala siyang chance na makuha ang ‘Oo’ ko.”Sabi ko.

Nagtataka na itong tumingin sakin ngayon at umayos ng tayo. Tinalikuran ko na ito.

“Isa pala sa kaaway niyo ang manliligaw ko?”Umiling ako ng bahagya.“Kung ako sa inyo mag-ti-take advantage ako, you can use me to take their knees down. ‘At kung may balak man kayong paalisin nga ako sa Section niyo, babalik at babalik ako dahil tulad niyo may gulo rin ako.”

Iniwan ko na ito at naunang pumasok sa loob ng room, naabutan ko si Ji-EL na nakaupo na ngayon katabi ng upoan ko.

Kumaway ito sakin.“Dito nako uupo Ja!”sabi nito.

Ngumiti ako bago lumapit sa puwesto namin ngayon.“Ilang taon kana nga ulit?"tanong ko ng maka-upo.

“Tresi!”galak na sagot nito.

Halos hindi mag sink-in sa utak ko ang edad niya, kaklase ko ba talaga siya? O baka naligaw lang ang batang ito?

Tumingin ako sa taong pumasok at nagtama ang tingin namin kaya tipid akong ngumiti sa kanya, aaminin kong guwapo siya idag-idag pa ang appeal nito.

“Kita ko ‘yon!”

Tinampal ko lang ang balikat niya dahil subrang ingay niya.

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now