Kabanata 10

27 3 5
                                    

“Isusuli ko naman, ah!”inis na singhal ko sa kaharap na biglang sumulpot sa kung saan.

Babaeng mukhang ginagawang pamunas ng mga make-up artist. Hindi naman sa judgemental ako ganon talaga kasi.

Umirap ito.“Yeah.....and that's your tactics!”singhal nito sabay duro sakin.

Lahat ng estudyante ay napapahinto at napapatingin sa gawi namin, paano palabas na sana ako kaso hinarangan ako nito.

“Ano bang problema mo?!”singhal na tanong ko.“Bakit ang laki ng problema mong nakatali sa baywang ko ang jacket na ito?!”tinuro ko ang nakatali sa baywang.

Tumaas ang isang kilay nito.“How dare you talk me like that?!”singhal niya pabalik.

Nagsimula ng magbulungan ang mga estudyante, ang iba pa ay puno ng pag-aalalang  tumingin sakin.

“Patay, gulo nanaman for sure.”

“Sa dinami-daming puwedeng makasalamuha ni newbie si Camile pa.”

“Tss... trouble maker talaga...”

Napaatras ako ng marahas akong tinulak ng kaharap ko.

“Did you know who is me in this fvcking school?!”sigaw nito sa pagmumukha ko.

Tinulak ko siya palayo sakin.“Puwede naman kamo’ng mag salita ng hindi sumisigaw!”hinagod ko siya ng tingin.“At anong tingin mo? Interesado akong malaman kung sino at ano ka?”taas kilay kong tanong sa kaniya.

Nanlaki ang butas ng ilong niya at namumula na sa galit, chillax lang naman! Masyadong mainitin si Ateng!

“Don’t you dare try me,”mariing sabi nito.“Baka lumabas ang pagiging demonyo ko sayo!”

Nahagip ng peripheral vision ko ang mga lalaking magkasunod na naglalakad palapit sa gawi namin. Na hula ko ay ang mga boys ng Section Six, sa awra palang at kung paano tumayo ang balahibo ko sa presensya nila.

Inosente ko siyang tinignan.“Demonyo, kamo?”tanong ko pa, nanggigigil itong tumingin sakin. Inano ko ba?“Ide kung ganon....sinong nagbabantay ngayon sa impyerno? At ano bang pakialam ko?! At anong silbi ng pagiging self proclaimed demonyeta mo.....kung wala naman ako pakialam in the first place of the entire world?”

Isang malutong na sampal ang natanggap ko, ayos mukhang natauhan ako sa ginawa niya.

“Tapang mo...inuubos mo ang pasensya ko-”

Sinuntok ko siya sa mukha dahilan upang mabilis itong nawala sa balanse niya, salampak itong bumagsak kasabay ng ingay sa paligid.

“Mas inuubos mo kamo ang pasensya ko!”dinuro ko siya kung wala lang pumigil sakin mula sa likuran babanatan ko pa sana siya.“Hindi ako magaling sa sampalan kaya hindi ako gumanting sampalin ka, kaya sinuntok nalang kita!”singhal ko.

“Enough!”baritunong sigaw ng may hawak sakin.

Masama ang tingin ko sa kaniya, sino pa ba? Ide si violack nanaman! Tang'na! Kasalanan niya kaya napaaway ako! Marahas ko siyang sinuntok sa panga, okay masakit sa kamao!

“What the hell is that for?!”

Masama ang tingin niya sakin kaya inirapan ko siya at dala sa matinding inis ay hinubad ko ang jacket niyang isa rin sa dahilan.

Itinapon ko iyon sa pagmumukha ng babaeng nakatayo na ngayon at inalalayan ng kung sinong hindi ko know.

“Ayan! Ayan ang dahilan diba kaya hinarangan mo‘ko?! Saksak mo sa baga mo, lunukin mong buo!”

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now