Kabanata 2

50 3 0
                                    

Mag-isa at tahimik lang akong kumakain, 'hindi pinapansin ang nakakailang na titig ng nakararami sa paligid. Bahala sila diyan, basta ako kakain lang ako dito.

Walang talab ang titig nila sa gutom na nararamdaman ko, 'hano.

Tumigil ako sa pagnguya at inangat ang tingin sa taong lumapag ng tray sa harapan ko, isang babaeng may ngiti sa labi ang bumungad sakin.

“Can I join you?”

Pinaligid ko ang tingin at nakitang marami pa namang bakanteng table.

Bumalik ako sa kinakain ko.“If you feel pity because i’m alone, go find a seat that your ass feel comfortable with.”Deritsyahang sambit ko.

Ako lang kasi ang mag-isang kumakain at predict kona marami silang iisa ang iniisip. That i’m a loner..

'Can’t blame them, kahit ako kapag nakakita ng nag-iisa iniisip ko kaagad na loner or friendless, kasi nga mag-isa lang.

She chuckled.“Hindi naman sa ganon, gusto ko lang makipag kaibigan sayo,”anya na siyang napaangat ulit ng tingin ko sa kanya.“Ako si Sam Vior, Ikaw?”

I had no choice, sa itsura niya mukhang hindi naman siya nagbibiro sa sinabi niya. Itinuro ko ang bangko sa harapan, at mukhang nakuha niya naman dahil naupo siya doon.

“Jastine Ace Arcadian, Ja for short.”

Nag-nod ito at ngumiti sakin.“Nice name, bago ka lang ano?”tanong nito sa huli.

Nginuya ko muna at nilunok ang pagkaing nasa loob ng bibig ko.

“Ohmmm..”

Her lips parted as if she was ready to say something, pero biglang nanlaki ang mga mata nito kasabay ang naramdaman kong pagbuhos ng malamig sakin.

Hindi na ambon, binuhos na talaga.

“Hala natapon, I thought it was a garbage can.”Nakakarinding boses mula sa likuran ko kasabay non ang pagtawa pa ng dalawang boses.

Nakita ko ang pag seryuso ni Sam.“Alea tigilan mo si Ja.”

“And why would I?”sinabayan pa ito ng pagtawa.

Kusang kumuyom ang kamao ko kasabay ng pag alingasaw ng amoy ng binuhos nitong coke sakin, nagsimula ng manlagkit iyon. 'Tumayo ako dahil sa pagtitimping hindi kona kayang kontrolin pa.

“Dahil baka hindi lang tubig sa kanal ang ibuhos ko sayo.”Seryusong sambit ko kasabay ng pagtunog ng ngipin ko dahil sa malakas na tawa nilang tatlo.

“Matatakot naba ako? Bakit sino kaba?”

Sa pagkakaalam ko inere ako hindi sino-ka.

Hinarap ko ito bago tinignan mula ulo hanggang paa, hayon maganda mula ulo mukhang paa.

Hinawi ko ang bangko.“If you said so? Hindi, inere ako ‘eh, 'ikaw?”tumawa ako.“Mukha kang sinuka dahil sa mukha mong NA-KA-KA-SU-KA tignan.”

Mahinang tumawa ang lahat ng nakaranig, sinadya kong in-emphasize ang salitang NAKAKASUKA, wala feel ko lang siyang inisin.

“You!”duro nito sakin.

Tinuro ko naman ang sarili ko.“Yes, me?”nakangising tanong ko.

Namumula na ito sa subrang galit.“Imbyerna ka, akala mo kung sino? Tangina ang pangit mo naman."Humirit ito ng tawa sa dulo.

Inabot ko ang tubig sa baso ko.“Tubig 'oh baka bigla kang mabulunan diyan kakatawa mo nagmumukha ka tuloy baliw, 'bawal pa naman pumasok sa school na naka-hithit.”Nang-aasar ko itong tinignan.

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now