Kabanata 6

29 4 6
                                    

Pikit matang naglalakad ako sa gilid ng daan, yes! Naglakad lang ako, feel ko kasi mahihilo ako kapag sumakay ako ng tricycle o taxi.

May yakap rin akong isang pack ng tissue dahil kumpara kahapon mas lalo bumigat ang nararamdaman ko ngayon, nagkasipon pako.

“Hi!”

“Anak ka ng magulang mo!”

Tinignan ko ng masama ang lalaking biglang sumulpot sa kung saan, ngiting-ngiti pa ang ungas na bata!

“Papasok kana rin?”tanong nito.

“Sa tingin mo aano ako?”pagtataray ko.

Nakita ko ang pagtitig nito sa taas na kala moy malalim ang iniisip. Tinalikuran kona ito at naglakad na ulit.

Napatili ako ng bigla itong sumigaw.

“AHA!”

Batuhin ko kaya siya ng tissue, kaso hindi naman masakit kapag ito ang binato ko. Trashcan nalang kaya?

“Tatae ka noh?”napangiwi ako.“May dala kang tissue eh! Tatae ka talaga sure ako!”

Hinambalos ko sa kaniya ang bag ko, grabing ungas to! Porke may dalang tissue tatae na agad? Ngudngod ko kaya gilagid niya sa kalsada?!

“Dalhin mo yan,”mando ko sabay turo sa bag kong hawak niya.“Fyi, hindi ako tatae! Masama ang pakiramdam ko at may sipon ako!"

Ngumiti nanaman ang ungas.“Ahh! Masama ang pakiramdam mo, kasing sama ng ugali mo. . .”

Masama ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya, gago rin pala ang isang ito! Inirapan ko lang ito at naunang naglakad.

Baka mamaya mandilim bigla ang paningin ko at baka ilagay ko siya sa loob ng trashcan para itapon sa ilog!

Nakarating kami sa school na puro daldal ang ungas na nakasunod lang sakin, kanina muntikan pakong mawalan ng balanse mabuti at nandito siya kasama ko.

“Nakinig ka ba sa kwenento ko?”tanong niya habang naglalakad kami palapit sa room.

Tumango ako kahit ang totoo ay hindi talaga, busy kasi ako kakapunas ng ilong ko! Nakakairita na sarap tanggalin ng ilong na‘to!

“Sige nga kung ganon anong kwenento ko sayo?”may paghahamon sa boses niya.

Hinarap ko siya.“Kwenento mo sakin kung bakit pinanganak kang tahimik tapos lumaki kang madaldal,"sabi ko at pikit matang naglakad papasok sa loob ng room.

“Ouch, my hart!”rinig kong pag-iinarte niya sa labas.

Nakalimutan atang kumain ng agahan ni Ji-EL.

O sadyang may saltik ang isang iyon, pagkapasok sa loob nakita ko ang bakanteng mga selya halatang kami palang ni batang ungas ang nandito. Anong oras pa nga lang ba?

Pasalampak akong umupo sa bangko kasunod ang pagpasok ni Ji-EL, umupo rin ito sa katabi kong bangko.

“Masama talaga ang pakiramdam mo?”tanong niya.

Tumango ako dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kaunting hilo. Dumukdok ako sa armchair ko.

Bumuntong hininga muna ako.“Idlip muna ako, gisingin mo‘ko kapag nandyan na magtuturo satin."Sabi ko.

“Ay! Ay! Kaptin!”aniya, karindi talaga ng tinig niya.“Pero peram selpon,”

Kagaling din ng isang ito! May kapalit ring hinihingi ang ungas!“Sa bag, huwag kang maingay tatahiin ko talaga yang bibig mo."Banta ko habang nakapikit.

                     
                                     Ꮚ ★ ⁠Ꮚ

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang pagyugyog ng kung sino sakin. Winawaksi ko lang ang kamay ng kung sino.

“Two minutes pa. . . . promise gigising ako!”tinaas ko sa ere ang isang kamay.

“Ja, P.E na natin! Kanina ka pang tulog eh!"boses ni Ji-EL.

Kahit inaantok pa napilitan akong tumayo, yakap ko ang sarili dahil sa panlalamig ko. Kelan pa naging ganito ka lamig rito?

Muntikan na akong matumba mabuti nalang at mabilis ang galaw nitong si Ji-EL.

“N-nasan na sila? Hindi ba sila pumasok?”tanong ko sa kaniya.

Tinuro niya ang labas.“Umuna silang lumabas, tagal mo kasing magising nainip tuloy sila...”sabi niya at inalalayan ako.“..isasabay sana ako nila kaso tumanggi ako, ayaw ko Ikaw iwanan dito kasi ako lang ata ang may alam na masama ang pakiramdam mo.”

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ito, parang binuhusan ng mainit na tubig ang puso ko sa narinig. Hindi niya ako iniwan gayong gusto siyang isabay ng iba mas pinili niyang magpaiwan para samahan ako?

Ginulo ko ang buhok niya.“S-salamat kasi hindi mo‘ko iniwan,”tumango ito at nagpatuloy na kaming maglakad.

Bago kami pumunta sa gym ay pinagpalit niya muna ako sa Cr ng P.E uniform na iniwan sa kaniya kanina; na para sakin. Matapos ay dumiretso na kami doon, nabawasan kahit paano ang lamig na naramdaman ko kanina dahil sa may jacket rin pala ang P.E namin, may tatak itong JHCH sa kaliwang bahagi ng dibdiban nito na logo ng school namin.

“A-araayyy!"daing ko ng banggain ako ng kung sino.“Gago ka! Kinarer mo talaga ang pagiging gagongbulag?!”

Tinignan niya lang ako ng masama, sino pa nga ba? Ide siya iyong paso ng bulaklak ang buhok! Nanadya ata ang isang ito!

“What did you say?!”

Para na itong papatay dahil saaa dilim ng mukha niya.

“Gagongbulag na ngayon bingi narin!"matapang na sabi ko na siyang kinagalit nito.

Pinaglihi ba ang isang ito sa sama ng loob? Tinignan ko lang siya ng umamba itong susuntukin ako, kala siguro nito matatakot ako.

Ngumisi ako.“Sige at ng magkaalamang bakla ka rin sa gagawin mong iyan sakin,”sabi ko.

Masama na nga ang pakiramdam ko dadagdagan pa ata ng isang ito ng sama nang loob eh!

Hindi ako tinantanan ng masama niyang tingin nang hinila siya ng Ilan papalayo sakin.

“Huwag mo‘nang patulan, pre. 'Babae yon."

Dinig kong sabi ng isa, bakit? Anong meron kung babae at bakit huwag patulan?

Napapikit ako ng pag-ikot ko ay ang unti-unting pag-ikot ng paningin ko at panlalabo nito, putcha!

“Gago, lapitan niyo!”

“Dalian niyo naman baka bumagsak!”

“Si Jastine!”

Tarantang mga boses ang narinig ko, my head spinning around and I can't see clear. My vision is getting more blurry, pakiramdam ko nasa loob ako ng washing machine na pinapa-ikot-ikot sa loob.

“Ja!”boses iyon ni Ji-EL.

Kilala ko ang boses ni ungas, basta kapag naririndi ang tenga ko boses niyana iyon.

“What’s happening here?!”

Parang tumambling ang puso ko ng marinig ang boses niya, takte! Nagawa pang lumandi ng puso ko.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay narinig ko ang isang hikbi at sigaw ni Ji-EL.

“Si Ja, m-masama.....t-talaga ang pakiramdam niya! Kaya hindi ako sumabay kanina kasi subrang init niya....n-natakot ako iwanan siya mag-isa!”

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now