Kabanata 11

22 2 2
                                    

Kanina pa nagsasalita si Abuela nonstop tungkol kay Papa, gusto kong umiyak at patigilin siya pero hindi ko magawa.

“He want to see and talk to you, please Ja, he's your father.”Paki-usap niya.

Marahas akong umiling, hindi naman sa ayaw ko siyang makita. But I'm not ready to see and talk to him, for now.

“Ayoko po,”sagot ko habang paulit-ulit na umiiling.

Ayaw kong pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko, wala pa akong nakikitang improvement sa sarili ko maliban sa hindi na ako napapatawag sa guidance office. Pero ang gulo alam kong nandyan lang palagi, lalo sa loob ng school! Kaya hindi na muna sa ngayon, baka mapahiya lang ako sa kabulastugan ko sa harapan niya.

“Hanggang kailan mo ba iiwasan at tatakbuhan palayo ang Papa mo?”mahinahong tanong niya.

Akala ko magiging maayos ang araw ng sabado ko. Hindi pala.

Napatanga ako sa kawalan, hindi ko rin alam kung hanggang kailan, eh. Miss ko na siya, gusto ko na maramdaman ang pagmamahal ng isang Ama! Pero malabo na kasi may bago na siyang asawa at anak, manggugulo pa ako?

Para akong kontrabida, non!

“May pamilya na siya diba?”i managed not to cry in front of her.“Hindi ko na sila ginugulo......kaya sana ganon rin ang gawin niya.....”i trailed off.

Yumuko ako para itago ang luhang hindi ko napigilan.“...He failed to be a father to me....kaya sana maging better siya sa dalawang anak niya...ngayon.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inangat ang mukha ko paharap sa kanya, napapikit ako ng maramdaman ang halik niya sa noo ko.

“He want to fullfil it, but you keep on running away from him. Papa mo parin siya Ja, kaya go upstairs and change your clothes your going to meet and talk to him today,”

Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya, bakit ba? Bakit ba pinipilit niya ako?

“You know that I love you Abuela, I always obey you. 'Pero hindi ngayon, ayaw ko!”matigas na sabi ko.“Sorry......ayaw ko talaga sana maintindihan niyo naman ako!”

Akmang lalapit ito ngunit humakbang ako paatras sa kanya.“Of course I understand you....but please you need to remember anything from your past! Your not the one who'll suffering! Marami Ja! Maraming importanteng tao sa buhay mo ang nagdudusa ngayon dahil hindi mo sila nakikilala manlang!”

Hindi ko alam kung nasan ako ngayon, basta ang alam ko lang tumakbo ako palayo kay Abuela.

Tumingin ako sa isang kotseng nasa unahan at may lalaki pang naka itim lahat ang suot at prenteng nakasandal doon. Parang may hinihintay siya o ano.

Dadaan na sana ako sa harapan niya kaso humarang ito, tinanggal niya rin ang shade.

“Hi!”masiglang bati niya.

Napakurap-kurap ako.“Evan?”panigurado ko.

Tumango ito at malawak na ngumiti sakin.“Ako nga, how are you?”tanong niya.

Kibitbalikat akong tumabi sa kanya.“Ayos...na parang hindi, ewan ba.”Tanging sagot ko.

Mahina itong tumawa at umiiling, siya si Evan Flores. Crush ko noon na nililigawan na ako ngayon, kabitbahay namin ito sa probinsya, eh.

Umarko ang kilay ko at bahagya itong tinulak palayo ng bumalak na yumakap sakin. Walang free-hug, hoy.

“Easy....hindi mo‘ko na miss?”

Inirapan ko siya.“Hindi, bakit ka ba nandito? Sinong hinihintay mo?”tanong ko.

Ngumiti ito sakin.“Miss kita, eh. Obvious namang ikaw lang ang hinihintay ko,”hirit niya sinamahan pa ng kindat.

Naiiling akong napakamot sa noo, ewan ba. Dati alam kong kahit wala itong ginagawa pa kinikilig na ako, ngayon wala na ni hindi ko na alam kong crush ko pa ba siya.

Alas dos na ata ng makarating ako sa bahay ni Abuela, nawili ako kaninang lumibot sa park. Hinatid lang ako doon ni Evan tapos umalis na siya, ewan kung saan punta niya.

“Si Abuela po? Nasaan?”tanong ko sa kasambahay.

Ngumiti ito sakin.“Umalis po Ms.Ja, ang sabi niya baka gabihin raw silang umuwi mamaya,”sagot niya.

Tumango ako bago umakyat sa taas, aminin kong naguilty ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko lang talaga alam dahil naguguluhan ako, eh kaya nagawa kong sumagot at tumakbo palayo.

Naligo muna ako bago pumunta sa balcony, hinawi ko muna ang itim na kurtina. Pumikit ako ng sumalubong ang hanging panghapon, pagdilat ko halos masamid pa ako ng masalubong ang mga mata niyang seryusong nakatingin sakin.

Watdapak?! Tinakbuhan ko lang kahapon ngayon kaharap ko nanaman?! Ilang metro lang ang pagitan ng balcony niyang kinaruruonan mula sakin.

“IKAW?! NANAMAN?!”sabay naming sigaw at turo sa isat-isa.

“Naks! Ako niyan ipapahula ko na talaga...”natatawang sabi ng kararating lang sa puwesto niya at deritso rin ang tingin sakin.

Ang malas ko ata, bakit siya nandyan? Anong ginagawa niya sa bahay na iyan?!

“Ayos rin yan, pre!”natatawang panunuya nanaman ng katabi niya.“..Para kapag namanhikan ka walang matatapong sabaw.....magkalapit lang, eh...”

Mabilis akong umirap sa kanya, eh kasi! Hindi nililihis ang tingin niya sakin! Problema nanaman nito?

Nag-iisip na ata kung paano ako gantihan, naku! Naku! Dilikado! Mabilis akong bumalik sa loob at sinara ulit ang kurtina, buwesit talaga! Pero na realize ko lang, iyong mata niya parang pamilyar sakin....at siya pamilyar na pamilyar talaga. Sumilip ako at nakitang nandoon parin siya, unang dumako ang mga mata ko sa buhok niya.

Kulay violet na talaga lahat, paborito kong kulay.

Dumating ang gabi at tahimik lang akong kumakain, hindi kumikibo maging si Abuela. Pagkatapos ay bumalik lang ulit ako sa kuwarto ko at natulog na dahil medyo nakakapagod ang araw ko kanina.



Masarap palang magkulong, iyong walang mang-e-sturbo sayo. 'Parang may privacy ka, linggo ngayon at alam kong wala nanaman si Abuela kaya ako at ang mga kasambahay lang ang narito, hindi naman bago sakin sanay na ako sa ganito.

“Sigurado ka ba?”rinig kong boses na alam kong nasa malapit lang talaga.“Kung siya nga bakit halos hindi ka nga kilala....tinititigan ka lang nga kapag nakita ka niya..”

Dahil sa kuryus ako ay lumapit ako sa may balcony, nagtago sa likod ng kurtina habang nakasilip sa labas at nakita ko may limang lalaki sa kabila kung saan sila kahapon. Alam kong mga kaklase namin ‘tong lahat.

“Maybe may something terrible ang nangyari sa kanya?”rinig kong puna pa ng isa.“Ganyan ang nangyari sa pinsan ko...nag cause ng paghihirap niyang maalala ang nakaraan niya...”

Sumulpot ang kararating lang.“Retrograde amnesia, ang tawag don.”Sabi nito sabay simsim sa hawak na baso, lahat napatingin sa kaniya.“...Retrograde amnesia is when someone can't recall their memories from their past,”paliwanag nito na hindi klaro sakin.

Hindi ko alam pero nakuha ng sunod na pinag-uusapan nila ang attention ko.

“Paano ba ang definition mo sa kanya kung ba‘t nasabi mong iisa sila nong first love mo, noon?”

Nakita ko ang pagpikit niya habang nakaangat ng bahagya ang ulo.

“Paano ba? Maybe the way how my body react when she's around?”patanong na sagot niya.

Hindi naman sa tsismosa, pero nakakaintriga ang pinag-uusapan nila. In love ba si Violet? Kasi parang tungkol sa babae ang pinag-uusapan nila, eh. First love, daw.

“Isa lang ang paraan.......alamin mo ang totoo...”sabi ng matangkad, I mean lahat sila matatangkad.“..At saka kahapon nakita ko siya...sa kanto may kasamang lalaki,”rinig kong sabi pa nito.

Mabilis akong nagtago ng mahagip ng mata ni Violet ang mga mata kong nakatingin sa kaniya pero ang tenga ay nakikinig sa mga kasama niya. Nahuli ako?!

Ang Alas Ng Section Six Where stories live. Discover now