Kabanata 4

4 0 0
                                    

Kabanata 4

Teddy bear

Sa labas ng simbahan kami ng mga kapatid ko naghihintay kay Isabel matapos ang simba. Hinayaan ko munang sumama si Trio sa mga kaibigan niya upang makipagsaya sa pista.

Hawak ko naman ngayon ay kamay ni Mimi habang nakatanaw sa mga taong lumalabas sa simbahan. Madilim na ang kalangitan ngunit napakamaliwanag ng paligid. Masisigla ang nga tao at puno ng ngiti ang kanilang mga labi.

"Ate..."

Napatungo ako kay Mimi nang tawagin ang aking pangalan. "Bakit, Mimi?"

"May ice cream po. Bili po tayo," ngumiti siya ng napakacute saka tinuro ng isang direksyon.

Tumingin ako rito at ngumiti. May pera pa naman ako para mabili ang sorbetes na iyon. Si Mimi lang di naman ang kakain kaya't ayos lang

"Sige. Halika, bili tayo." tumungo kami sa nagtitinda mg sorbetes. "Isang ice cream po, Manong." matapos ang pagkuha ni Manong ng sorbetes ay ibinigay niya ito kay Mimi. Dumukot ako ng pera sa bulsa ng aking palda at aking palda at inilahad ito kay Manong. "Ito po--"

"Let me pay it,"

Natigil ako sa pagbigay ng pera nang unahan ako ng isang kamay sa pagbigay kay Manong. Agad akong lumingon.

"Rago,"

"Yes, Alona. It's me." ngiti niya. "Keep the change, Manong," aniya matapos ibigay ang isang libo sa manong na nagtitinda ng sorbetes saka bumalik ang tingin sa akin. "Hi,"

"Rago, napakalaki ng binayad mo kay Manong. Samantalang limang piso lang naman ang isang ice cream," sabi ko.

"Piso lang di naman ang binayad ko, Alona. No need to worry,"

Ngumiwi ako. Piso lang sa kanya ang isang Libo?! Samantalang ilang kilong bigas na ang mabibili niyon! At makakabili pa ako ng maraming ulam na pwede naming ulamin sa isang linggo. Hays. Ba't pa ba ako magugulat, e ang yaman ng pamilya ni Rago. Nag-iisa pa siyang anak.

"Kung ganon, maraming salamat." marahan akong ngumiti.

"Let's have a dinner together,"

"N-naku---"

"Ilang beses mo na akong tinanggihan, Alona. Pagbigayan mo na ako sa pagkakataong ito,"

Hindi ako nakapagsalita. Pinigilan ko ang bibig kong maglabas ng kahit ano.

"You know what, Alona... I'm so into you. And I don't know why. Basta kapag nakikita kita---"

"Rago." pinigilan ko ang kanyang nais sabihin. "Hindi ko mapagbibigyan ang nais mong hapunan. K-kasi..."

Wala akong masagot!

"Because she's coming with me tonight,"

Naestatwa ako dahil sa taong nagsalita sa aking likod.

Agad bumakat ang madilim na mata ni Rago sa taong nasa aking likod. "It's you again,"

"Yes." biglang tumabe sa akin si Tupe. "Don't force someone to have time with you. Co'z you're winding her up,"

"Did you just say that I'm annoying her?"

Hala! Parang kinakabahan ako sa nangyayare sa aking harapan.

"Hindi ba?"

"What?" matigas na singhal ni Rago.

Pumagit na ako. "U-uhmmm... Ano..."

"Alam mo, pare. Why don't you mind your own business? Nag-uusap kami ni Alona tapos sisingit ka? Sino ka ba?" si Rago.

Nataranta ako nang bigla siyang lumapit kay Tupe at humarap dito. Halos magkapantay lang silang dalawa. Masyadong mainit ang titig nila sa isa't isa. Para nakakakita ako ng napakalakas na kuryente sa kanilang pagitan.

The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)Where stories live. Discover now