VII : Dito ka lang

293 13 2
                                    

Chapter Seven

A/N : PAALALA :

PARA SA MGA DATI NG READERS - Ito pa rin po yung pinost kong update noon, naglagay lang po kasi ako ng Prologue kaya po na-move yung chapters. So I suggest na yung next chapter na lang po yung basahin niyo kasi yun yung real update ^_^ (pwede niyo rin pong basahin yung prologue ko if you want ^_^)

PARA SA MGA BAGONG READERS (IT MEANS NABASA NIYO NA YUNG PROLOGUE) - continue reading this chapter :)

=========

Aliana Sharrie Monterreal

Marinig lang nila ang pangalan ko, nangingilag na sila. Wala ni isa man sa nakakakilala sa akin ang nangahas na banggain ako. Wala ni isa man ang nalakas loob na magsalita laban sa akin.

Lahat sila takot sa akin.

Anak ba naman ng may ari ng Monte Grande University, President ng SSC ( Supreme Student Council) at Leader ng kaisa-isang sorority sa academy. Meron pa bang lalaban?

WALA!

Until nakilala ko siya..

Jarred Liam Buenavista

Lahat nagbago na.

Unang beses ko maranasang sigawan, laitin, pahiyain at higit sa lahat ito ang unang beses na hindi na sunod ang gusto. Unang beses na wala akong nagawa para ipaglaban ang karapatan ko.

Lahat ng mga bagay na hindi ko akalain na mararanasan ko, naranasan ko mula ng makilala ko siya.

And now I need to spend my forever with this man!

How unlucky I am!

Ito na ata ang karma ko sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa lahat ng taong tinapakan ko at nilait ko. Ito na ata ang parusa sa akin dahil sa magaspang kong ugali.

Pero mabait pa nga ako eh kumpara naman sa Cold hearted guy na yun.

Wala na ba talaga akong magagawa para matakasan ang marriage na ito?

"Hoy!"

"Ay kabayong di matae!" Itulak ba naman ako papasok?! "Ano ba!" Saan ba nakakabili ng right manners and conduct nang mabili ko naman itong Antipatiko na to! Sama ng ugali.

"Pft- what did you say? Pati kabayong di matae pinakekealaman mo? Haha." Aba't nang asar pa!

"Wala kang pake!! Tss!" Sabi ko sa kanya sa irap ng mata. Grabe kaasar talaga siya >_

"Kung hindi ka ba naman kasi nagdi-daydream sa harap ng pintuan ng bahay natin edi sana hindi na kita pinakelaman. Tabi nga!" Sabay tabig sa balikat ko at pumasok sa loob ng bahay.

Ggrrr! Asar talaga.. Yung ganda ko alam kong hindi nauubos pero yung pasensya ko sa lalaking ito konting-konti na lang!!

Padabog akong pumasok sa loob. Nilibot ko ng tingin ang buong sala. In fairness, sobrang ganda ng bahay. Modern style and high tech din. Mukhang pinaggastusan talaga. Pero masyadong malaki yung bahay para sa aming dalawa.

Makikita sa baba yung sala, dirty kitchen, bar counter, at isang storage room. Sa taas naman may limang kwarto. I supposed tig isa kami nitong makong na ito dahil di ako papayag na magsama kami sa isang kwarto. Mamaya baka pagsamantalahan pa ako nito. Sa ganda ko ba naman at sa sobrang sexy ko ay baka gapangin ako nito habang tulog ako. May dalawang ding guest's room and yung isa ay entertainment room na may malaking flat screen tv, collection of dvd's, at may game area rin dun.

Married to Mr. COLD HEARTED??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon