Chapter sixteen
Third Person's POV
Pumasok na si Jarred sa loob ng kwarto at iniwan si Liana na tulala pa rin at hindi maabsorb lahat ng nangyayari.
'Shit paano na to. Ni hindi ko nga matignan si Jarred ng diretso sa mata dahil sa nangyari tapos... Tapos matutulog pa kami sa iisang kwarto?! Lord naman. Ano po bang malaking kasalanan ang nagawa ko sa inyo. Bakit niyo po ako pinarusahan ng ganito.' Iniisip ni Liana habang nasa tapat ng pintuan ng kwarto ni Jarred.
Hindi siya makapagpasya kung kakatok ba siya o papasok na lang. Dahil sa hindi naman siya pwedeng matulog sa labas dahil una, mahirap matulog sa sofa at malamok, at pangalawa, nandito ang mga magulang nila. Tiyak na magtataka ang mga yun kapag nalaman na magkahiwalay kami matulog.
Kaya naman kahit labag sa loob ni Liana, pumasok na siya ng kwarto. At sa pagpasok niya, hindi niya inaasahan ang makikita niya.
"Aahhhhh!!!" Sigaw niya sabay takip ng mata at talikod
"Sh*t" sabay suot naman ng boxer short si Jarred. "Don't you know how to knock?! Aish!"
"Ba-bakit ka kasi nagpapalit sa labas! Bakit hindi na lang sa loob ng banyo?"
Sagot ni Liana na sumisilip silip pa sa likuran niya para i-check kung tapos na bang magbihis si Jarred."This is my room! I could do whatever I want to do." Sagot naman ni Jarred.
'Aish ano ba naman yan! Ganito ba siya lagi? Sa labas ng banyo nagbibihis?' Pagrereklamo ni Liana sa isip niya.
"You can turn now. I'm done."
Hinarap na ni Liana si Jarred. Nakita ni Liana na nakasuot na ng puting v-neck shirt si Jarred pero nung makita niya ang pambaba nito..
"H-hoy! A-ano yan?!" Sabay turo ni Liana sa baba ni Jarred.
"What? What's the problem?"
"B-bakit naka boxer shorts ka pa rin?!" Reklamo ni Liana habang nag-iiwas na naman ng tingin.
"What? What's the problem with it? Would you prefer me wearing only my brief?"
Nanlaki ang mata ni Liana at umiling iling.
"Ha?! Hindi nuh! At least man lang magsuot ka ng pajama."
"I'm not used to wearing sweatpants. I prefer boxer shorts. It's more comfy."
Tapos pumunta na si Jarred sa kama niya at hihiga na sana nang bigla siyang pigilan ni Liana.
"Opps. Anong gagawin mo?" Sabi ni Liana habang hawak ang braso ni Jarred.
"Going to bed? Have some sleep?" Sabi ni Jarred sa tono na parang obvious naman pero tinanong pa ni Liana.
" Teka! Ako matutulog sa kama. Doon ka na lang sa couch mo matulog. " hiling ni Liana.
Si Jarred naman parang hindi makapaniwala sa narinig niya. Kwarto niya yun tapos siya yung matutulog couch. Hindi siya papayag.
"No way! I'm not gonna sleep in the couch. This is my room. If you don't want to share the bed with me then your free to sleep in the couch." Sabay tabig ni Jarred sa kamay ni Liana. Nagulat naman si Liana.
'Psh! Kahit kailan talaga! Di marunong magpakagentleman! Kahit ngayon lang! Aishhh kaasar talaga!' Pagmamaktol ni Liana.
Tuluyan ng humiga si Jarred sa kama at tumagilid ng higa. Nakatalikod siya ngayon kay Liana.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. COLD HEARTED??!
Teen FictionI used to believe that forever starts when someone got married and live together for the rest of their lives. That's what they call happy ending. But not in my case.. Because the marriage that was supposed to be the start of forever and happy ending...