XIV : Can this really be love?

248 13 1
                                    

Chapter Fourteen

Jarred's POV

Nasan na ba yung babaeng yun?! Ang sabi niya sa akin gagala lang daw silang magkakabarkada. Pero gabi na hindi pa rin ba sila tapos?

Hindi naman siya nagrereply sa mga text messages ko sa kanya o kahit sagutin man lang ang tawag ko hindi pa niya magawa? Ganun ba nila na-miss ang isa't isa? Eh di ba araw-araw naman silang nagkakasama sa school?

Argh! Nakakaasar! Dapat natutulog na ako ngayon eh! Pero bakit sa tuwing pumipikit ako siya ang nakikita ko. Di ako mapakali!

Asan ka na ba kasi Brat?!!
Tawagan ko kaya si Stacey?

Sh*t wala nga pala akong number niya! Si Franco kaya meron?

Pero kapag tinawagan ko si Franco malamang aasarin na naman ako nun. Wag na lang.

Pero paano ko malalaman kung nasaan na si Liana?

Aish! Bahala na nga siya sa buhay niya. Matutulog na lang ako!

~•~•~•~•~•~•~

Liana's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang paligid.

Teka nasan ba ako? Ano bang nangyari?

"Sorry kung umabot pa sa ganito." Nagitla ako nang biglang may magsalita sa likod ko.

Si...

"Ace."

"Desperado na talaga akong makausap ka. Sasabihin ko sayo lahat lahat Liana, pakinggan mo lang ako. Please. Just this once. Just one more chance."

He held my hands. Bakas sa mukha niya ang lungkot at naaawa akong makita siya sa ganyang kalagayan. Kahit papaano naman may pinagsamahan kami. Kahit papano minahal ko naman siya. Kaya naman pumayag na ako. Siguro it's about time to set my heart free from the pain and anger that my past brought me. I think it's about time to forgive and forget.

"Talaga? Pumapayag ka na?"

"Oo, Ace. Go ahead. Explain yourself. I'll listen."

"I'm getting married."

What?!! Is he serious?!

"Is this a joke?" Hindi talaga ako makapaniwala. How? To whom?

"I hope and I pray that this is just joke but no."

"You're f*cking serious? How?"

"Arranged marriage. I haven't even met the girl yet."

Sh*t. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Arrange marriage na naman?

"Kaya ako pinauwi sa Pilipinas ay para makilala yung babaeng pakakasalan ko. Ang sabi sa akin ni Dad nasa probinsya pa daw yung girl kaya next week ko pa makikila." Pagpapatuloy niya.

"Bakit ka daw ipapakasal?"

"Business merging. Malaki ang maitutulong sa amin ng kumpanya ng babaeng pakakasalan ko. I have no choice. Kapag hindi ko itutuloy ang kasal, babagsak ang negosyo namin na pinaghirapan nina Dad at lola na itayo. I can't say no." Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi niya sa akin lahat ng ito.

I was once in his situation. I have no choice but to say yes in order to save what we have. Naiintindihan ko siya. Mahirap ang pinagdaraan niya ngayon. Mahirap maipit sa sitwasyon kung saan kailangan mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa ikabubuti at ikasasaya ng lahat.

Married to Mr. COLD HEARTED??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon