Chapter Eight
Ang ganda ng paligid. Punong puno ng mga makukulay at mababagong bulaklak. Napakasarap pa ng simoy ng hangin. Ang ganda ng sikat ng araw na bayad na tumatama sa maputi kong balat. It's perfect. Napakasarap sa pakiramdam.
Pero teka, asan ba ako?
*sniff *sniff
Bakit parang nag-iba yung amoy. Bakit parang nag-amoy honey?? May honey ba sa paligid. Naglakad lakad ako at patuloy na hinanap yung pinanggalingan ng mabagong amoy.
*sniff *sniff
Ang bago talaga. Pero bakit nag iba ang pakiramdam ko. Bakit parang may mabigat sa magkabilang gilid ng ulo ko.
Biglang tumama ang sikat ng araw sa mga mata ko kaya naman napapikit ako. At makalipas ang ilang saglit ay dahan dahan ko ng minulat ang mga mata ko. Pagdilat ko, isang napakakisig na lalaki ang tumambad sa harapan ko at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko habang nakasandal ang magkabilang kamay niya sa gilid ng ulo ko.
Bigla siya napangisi na lalong nagpagwapo sa itsura niya. At doon ko lang napagtanto na sakanya pala nanggagaling yung amoy ng honey. Pero teka lang bakit parang pamilyar siya. Napakapamilyar ng mukha niya. Kamukha niya si.. MR. COLD HEARTED!!!
At doon lang ako natauhan.
"Aaaahhh!!!" Sigaw ko sabay tulak ko sa kanya papalayo kaya naman bahagya siya napaatras habang napaupo naman ako sa kama at tinakpan ang dibdib ko.
"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa akin?!"
"Tss. Don't shout! You're annoying." Sabay ayos niya sa sarili niya
"Eh bakit kasi napakalapit ng mukha mo sa mukha ko?! May balak kang halikan ako habang tulog ako noh!" Sabay turo ko sa kanya.
"Huh! You joking, right? Kahit kailang hindi kita pag-iinterisan. You're not my type. At isa pa, I should be the one asking you question. What are you doing in my room specifically in my bed?"
Bed niya?? Tsk! Ang aga aga nakabatak ata ito eh. Paano naman niya magiging bed yung kama na tinuluga ko eh nasa sarili kong kwart--teka hindi naman color blue ang bedsheet ko ah. Inikot ko ang tingin ko sa bawat sulok ng kwarto.
Oh no.
*lunok
Kwarto nga niya 'to. Pero paano nangyaring--
Aish!! Naaalala ko na. Nalasing nga pala siya kagabi at binitbit ko siya papunta sa kwarto niya at nung paalis na ako bigla niya akong pinigilan.
"Ikaw po kaya ang dahilan kung bakit ako nakatulog sa kwarto mo!"
"Ako? Ako pa ngayon? Look babe, hindi naman kita masisisi kung talagang naaattract ka sa akin. That's normal naman. Basta sabihin mo lang sa akin kung kailan mo ako pagsasamantalahan para hindi naman ako nabibigla. Pagbibigyan naman kita. Just let me know."
What?! Did I hear it right?
Ako? Si Aliana Sharrie Monterreal? Pagnanasaan ang isang antipatikong katulad niya?! NEVER!
"In your dreams! Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo! Lasing ka kagabi kaya inihatid kita sa kwarto mo tapos nung paalis na ako pinigilan mo ako at tinawag pang Denise."
Napatigil siya sa mga sinabi ko or rather sa pangalang sinabi ko. Parang pilit niyang inaalala ang mga nangyari sa kanya kagabi pero mukhang sumakit lang ang ulo niya.
"So that was just a dream." Bulong niya sa sarili niya pero sapat na para marinig ko. "Akala ko naman siya na talaga." Then he grab the doorknob and opens the door. Pero bago pa man siya makalabas ay may sinabi muna siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. COLD HEARTED??!
Teen FictionI used to believe that forever starts when someone got married and live together for the rest of their lives. That's what they call happy ending. But not in my case.. Because the marriage that was supposed to be the start of forever and happy ending...