XIII : Back to my old self?

279 13 2
                                    

Chapter Thirteen

Lumipas ang ilang linggo, wala pa rin pinagbago si Jarred. Lagi pa rin niya akong inaasar at binubwisit. Naging hobby na nga ata niya yun pero at least ngayon nabawasan ang pagka-mean niya sa akin. At palagi na rin kaming sabay pumasok sa school kaya naman naging bulong bulungan na kami na raw.

Psh! Kung alam lang nila. Higit pa doon ang status namin.

Si Ace naman patuloy pa rin ang pangungulit sa akin. Lagi niya akong kinakausap, binibili ng kung ano ano at palagi niya binibitbit ang gamit ko kahit ayaw ko naman. Kaya naman naging usap usapan din yun. Nagbalik na raw ang friendship namin.

Ang hirap kapag sikat nuh? Lahat ng mata nakatingin sa'yo. Hindi ka makakagalaw ng malaya kasi bawat pagkakamali mo huhusgahan ka agad ng tao sa paligid mo. Lagi pinag-uusapan ang talambuhay mo at kung ano ano ang nangyayari sa'yo. Imbis na intindihin na lang nila ang pag-aaral nila at ang sarili nilang buhay mas pinipili nilang pagchismisan ang buhay ng iba.

Kaya siguro ako naging mataray. Feeling ko kasi kapag naging mahina ako lalo nila akong tatapakan kahit sino pa ako. Kaya naman pinangatawanan ko na ang pagiging mean sa lahat.

Pero parang sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko na may nagbabago sa akin. Parang hindi na ako yung dating Liana na kinangingilagan ng lahat. Parang may iba sa akin.

"Earth to Liana!!" Bumalik ako sa ulirat nang iwagayway ni Stacey ang kamay niya sa harap ko.

Kasama ko pala ang Sorority. Nasa mall kami ngayon at nagbobonding.
Tanong sa akin ni Nicole. I nodded.

"Ano ka ba Nicole mali naman ang tanong mo. Dapat ang tinanong mo if she is with us haha" asar naman ni Stacey sa akin. At dahil dun binato ko siya ng fries.

"You're not seem okay. May nangyari ba?" Tanong naman ni Lexa.

"Wala. Girls don't worry too much. There's nothing wrong with me. You're just being so paranoid." Then I continue eating my spaghetti.

After namin kumain, naglibot libot naman kami para maghanap na bagong labas na damit. You know, girl thing.

Habang naglalakad kami, may biglang nakabangga sa akin by accident. Hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya kaya she accidentally spills her drinks on me.

"Oh gosh! I'm sorry." She apologizes.

Then I remember something..


"WHAT THE F*CK! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!" sabi sa akin nung lalaking nakabangga ko. Hindi ko kasi nakitang padaan siya kaya nabunggo ko siya tapos natapo yung hawak niya frappe.

"SORRY! Pero hindi ka rin naman nakatingi kaya kasalanan mo rin. At isa pa ako na nga itong natapunan niyang frappe mo tapos ikaw pa may ganang magalit. ABA ayos ka rin ah!"

"It's beacause of you STUPIDITY! IDIOT" sabi niya

WTF!! Did he just call me stupid and idiot at the same time??!! Gosh he's so mean!! Saying gwapo pa naman sana kaso super yabang!!



Napatawa ako habang naaalala ko kung paano kami unang nagkita ni Jarred.

"Miss are you okay?" Tanong sa akin nung babae.

"Ahm.. O-oo.. Okay lang ako. Don't mind me. And isa pa, don't apologize. Hindi lang naman ikaw yung may kasalanan. Hindi rin naman ako nakatingin sa dinadaanan ko." I smiled at her.

"Are you sure? Pero nadumihan ka."

"Okay lang yan. Bibili rin naman talaga kami ng damit. Magpapalit na lang ako."

Married to Mr. COLD HEARTED??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon